Chapter 6

48 2 6
                                    


"talaga? Dito ka na maga-aral?" paninigurado ko sa kay Third. Naghahanda na ako para pumasok. Nandito kami sa kwarto ko.

"yes" sagot niya. Yieee, pareho na kami ng papasukan

"so, kelan ka papasok?"

"bukas na, kaya nga sasama na ako sayo ngayon kasi papasa ko na yung mga kailangan"

"Ayos na agad?"

"Nasa thailand pa ako, inaayos na ni mommy"

"So, talagang may balak na si tita na dito ka mag-aaral"

"parang ganun na nga"

Kinuha ko naman na bag ko "halikana" yaya ko sa kaniya. Tumango naman siya at tumayo.

Pagkababa namin, naabutan namin sila mommy at tita Mariz na nagkakape sa sala habang nanonood.

"Mom" tawag ko kay mommy

"yes, sweety?" tanong niya ng hindi tumitingin sa amin kasi nga busy siya sa panonood

"Aalis na po kami" paalam ko, napatingin naman na silang dalawa ni tita mariz

"O sige, mag-iingat kayo ha. Magpapa-drive pa ba kayo?" tanong ni tita Mariz

"Hindi na mom, gagamitin ko nalang ang kotse ko" sabi ni Third

"Oo nga pala, Anes, yung bago mong kotse nandyan na" sabi ni mommy kaya napangiti ako ng malapad. Yes!

"o sige na, umalis na kayo baka ma-late ka pa anes" sabi ni tita Mariz

"Sige po tita" sabi ko at kiniss silang dalawa ni mommy sa cheeks. Ganun din ang ginawa ni Third

Lumabas na kami at pumasok sa loob ng BMW ni Third.

"So kamusta ka naman? Di na tayo masyadong nakapag-usap kahapon eh" imik niya habang nagd-drive

"Ok naman ako. Eh ikaw? Kamusta sa thailand?" tanong ko naman

"Ganun pa rin" at nagkibit-balikat siya "oo nga pala, san mo nakuha ang ideyang may girlfriend na ako?"

"Wala lang"

"Tsk! Maniwala! Eh sa school niyo, wala pa bang nanliligaw sayo?"

"Wala noh, sino naman manliligaw sa akin"

"Yung teacher mo na lalaki siguro" sagot niya kaya inirapan ko nalang siya

"Tseh! Eh ikaw?"

"Anong ako?" takang tanong niya

"Wala ka naman girlfriend diba? Eh, nililigawan meron ba?"

"Wala"

"Nyay! Eh nagugustuhan? Pag wala iisipin ko na na bakla ka" sabi ko sa kanya. Sumusobra naman na yata ang pagka-good boy niya.

"Nagugustuhan? Syempre, meron"

"Talaga?! Ba't di mo manlang sinabi sa akin? Nakakatampo ka" nakanguso kong sabi ko

"di naman importante yun"

"Anong di importante? I know na yan ang unang babae na napupusuan mo. Tsk! Ba't di mo ligawan?"

"Ligawan? Paano ko liligawan kong alam ko na di naman ako gusto"

"Paano mo nalaman na hindi ka gusto o babastedin ka? Bakit? Triny mo na ba?"

"Hindi"

"What?! Ligawan mo na! Baka maunahan ka pa"

"Tsk! Ayoko nga" sabi niya at hininto ang sasakyan

SometimesWhere stories live. Discover now