I S A B E L
After planning, dumeretso na kami ni Miguel sa location namin. Our task is to find a guy named Nico Evangelista.
The guy was fired by our client's company at mukhang nagrevenge ata itong si guy kaya naman ninakaw ang mga importanteng files ng company.
Malinis siyang magtrabaho dahil wala talaga siyang iniwang back-up or pwedeng kunan ng company ng mga files na iyon. Bukod sa bawiin ang file, kailangan din naming huliin si guy.
"Dito sa Batangas daw siya huling nakita sabi ng contact ko." Miguel said while driving.
"Wow naman, hindi naman masyadong malaki ang Batangas para mahanap natin agad si Nico." Natawa naman si Miguel sa sinabi ko.
"Chill ka lang, I've done my research. At sa mga nalaman ko, the highest probable place kung asan siya ay sa Alitagtag."
"Bakit naman doon?"
"Her ex-girlfriend lives there."
"Naks naman, Migs. Pati lovelife niya pinakialaman mo?"
"Nainggit ako eh." He chuckled. "So, yun nga, sa research ko, mukhang he's trying to get his ex back kaya siya andoon."
"Akalain mo magiging sagabal pa tayo sa lovelife nila. Who's the girl ba naman?"
"If I'm not mistaken, the girl's name is Jhoana Maraguinot." Muntikan ko namang mabuga ang iniinom kong kape sa dashboard ni Miguel sa narinig ko.
"Jhoana? As in Jho who plays volleyball for CU?"
"Yeah, I heard she's playing volleyball pero hindi ko alam na sa CU pala. Kilala mo?" Hindi ko lang kilala, or so I thought.
"We're teammates." I just said but there was a new surge of determination to catch this Nico guy.
"Patingin nga nung picture nung Nico." Iniabot naman ni Migs ang phone niya at pinakita ang picture.
Tinignan ko naman ng mabuti ito. So, ganito pala ang mga tipuhan mo Jho, ha.
Speaking of Jho, kanina pa siya nagtetext pero hindi ko magawang magreply dahil hindi ko naman alam irereply sa'kanya. Tinatanong kasi niya kung asan ako eh bawal naman sabihin. Ayoko namang magsinungaling, masyado na akong makasalanan ngayong araw na ito.
As if on cue, tumunog nanaman ang phone ko ng sunod sunod.
From: Jho
BEA! KAPAG HINDI KA PA MAGREREPLY, PUPUNTA NA KAMI SA PULIS.From: Jho
HUY BEA KAHIT SABIHIN MO NA LANG NA BUHAY KA OK NAFrom: Jho
BUHAY KA NAMAN DIBA DIBANapangiti naman ako sa mga text niya. Sige na nga, replyan ko na.
To: Jho
Buhay pa ako, Jho. Wag kang mag-alala, uuwi ako ng buo.Wala pang 1 minute ay nagreply na siya.
From: Jho
MABUTI NAMAN AT NAGREPLY KA NA BWISET KA. MAG-INGAT KA. UTANG NA LOOB.Ganito pala ang concerned Jho. Tss, mukhang nageenjoy ako ah. Hindi na ako nagreply pa at nagfocus na sa mission namin.
"Andito na tayo sa bahay ni Jho." Sumilip naman ako sa window ko at nakita ang isang modern house.
As I've said, hindi talaga kami close ni Jho kaya hindi ko alam kung saan siya nakatira at ilang primary information about her.
Bumaba na si Miguel sa sasakyan at nagdoorbell sa bahay ni Jho.
Napagpasyahan naming si Miguel na lang ang magtatanong doon dahil baka makilala ako ng family ni Jho.
Though, I am on my agent get up with shades and cap, mabuti na ang safe.
BINABASA MO ANG
Reasons (Jhobea) - Completed
FanfictionThere's always a reason behind our choices and decisons.