I S A B E L
Hello, ma'am.
I shook my head. No, wrong. Parang teacher naman ang dating.
Hello po, Ms. Maraguinot.
I shook my head again. Parang ang formal naman ata? Business meeting lang, ganon?
Paano ba dapat?
Uhm, hi tita.
Hindi kaya feeling close? Paano kapag ayaw niya palang tita ang tawag ko sakanya.
"Bea." Jho snapped me out from my thoughts.
I was mentally practicing kasi kung paano ako mag-aact mamaya sa harap ng mama ni Jho. I am convincing myself din na hindi ako ninenerbyos. Parang ang OA ko naman masyado, hindi naman ako ipapakilalang jowa.
"Oh?" Sabi ko naman.
"Malapit na tayo sa plaza. Doon tayo bababa kaya ihanda mo na mga gamit mo." Jho said.
Napatingin ako sa labas ng window, at oo nga, nasa kabilang bayan na pala kami. Hindi ko man lang namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.
Why am I even bothered?
Okay, calm down, Beatriz. You're just a friend. You're just meeting the mom of your friend. Nothing special. You have nothing to worry about. You don't need to impress.
"Oy!" Panggulat ni Jia.
"Ay! Anak ng paimpress na 'yan naman oh. Ano ba, Jia?!" Irita kong sabi.
Muntik ko pang nahulog 'yung phone ko. Buti na lang naka-saksak yung earphones ko at nahawakan ko 'yung chord nito.
"Seryoso mo naman. Sasabihan lang kita ng ilang tips para matuwa mama ni Jho sa'yo." Napatangin naman ako sa'kanya, trying to look not so much interested.
"Mahilig magluto at magtanim ng halaman si tita. So kung nag-iisip ka ng topic sa convo niyo, pwede yung mga 'yun. Tita loves to tell stories, oh alam mo na, makinig ka sakanya."
"Ayaw niya ng conyo, ayaw niya ng masyadong madaldal, ayaw niya ng nakakairitang actions, ayaw niya ng mayabang. Tapos si Jaja naman, makulit 'yun, feeling ko magkakasundo kayo agad. Isip bata ka eh."
"Okay?" Alanganing sabi ko. Di ko kasi sure kung bakit niya sinasabi sa'kin 'to lahat ngayon.
Jia smirked. "Asus kunwari ka pang hindi interesado sa sinabi ko. Yung totoo? Kinakabahan ka ano?"
I rolled my eyes at her. "Bakit naman? Kinabahan ka ba nung nakilala mo mama ni Jho?"
"Hindi." She shortly answered.
"Oh naman pala. Bakit ako kakabahan?"
"Eh magkaiba naman tayo. Ako pinakilalang kaibigan, eh ikaw?" Sabi niya at natawa pa.
Bigla naman siyang nagseryoso nang mapansin niyang poker face lang ako. "Huwag mong sabihing kaibigan lang? Ang landi landi mo sa bestfriend ko tapos kaibigan lang? Umayos ka. Sasapakin kita."
Sasagot pa sana ako nang tumigil na ang bus at sumigaw si ate Mona na nasa plaza na raw kami.
Nauna na akong tumayo dahil ako 'yung nasa aisle.
Kinakatsawan pa nga kami ng mga teammates namin, meeting the parents na raw ganon o kaya mamamanhikan na raw pala ako.
"Walang mangsusundo sa'tin. Busy sila sa bahay eh. Ok lang bang magtricycle tayo?" Tanong ni Jho.
"Oo naman parang hindi tayo nagtatricycle sa Ateneo ah."
"Aba malay ko ba kung ayaw mong magulo 'yang kanina mo pang sinusuklay na buhok mo." She said at natawa pa.
BINABASA MO ANG
Reasons (Jhobea) - Completed
Fiksi PenggemarThere's always a reason behind our choices and decisons.
