Eleven

5.1K 125 11
                                    

I S A B E L

"I'll see you in the usual. Same time, huh?" Bulong ko kay Jho habang inaayos namin ang mga ginamit naming bola at net sa practice.

"Hindi naman kita tatakasan, Bea." Natatawang sagot niya.

Simula noong unang training ni Jho sa agency namin, lagi na kaming nagsasabay papunta at pauwi mula sa quarters.

Lagi na kasi nakaschedule ang training sa quarters after ng afternoon training namin ng volleyball.

What we always do para hindi mahuli ng mga teammates namin ay kunwari uuwi ako sa bahay namin pero ang totoo ay hihintayin ko siya sa may gate ng Ateneo.

Hihintayin naman niyang makauwi lahat ng teammates namin sa dorm bago ako puntahan.

"Oo nga naman. Sino bang makakatakas sa charms ko?" I joked.

"Luh, yabang. Sino kayang namilit na lagi akong sasabay sa kanya?" Pang-aasar naman niya.

Ayaw kasi talaga ni Jho na sumasabay sa'kin baka raw it would earn issues sa agency namin.

"Sus. Gusto mo rin naman, pakipot ka lang nuna una." Sabi ko at nagpaalam ng mauuna na sa car.

Habang naglalakad papunta sa car, parang may naaninag akong familiar figure palabas ng dorm. And when I said palabas, sa window ng isang room siya lumabas.

I was about to catch the person pero narealize ko na si Kianna ito. She's on her agent get-up.

Anong ginagawa niya dito?

My thoughts were cut off when I heard my teammates laughing palabas ng BEG.

"Bea! Uuwi ka nanaman sainyo?" Sigaw ni Mich.

"Oo! Bye guys!" I answered at sumakay na sa sasakyan ko.

After a few minutes ay dumating na rin si Jho and we silently drive off to the quarters.

Pagkarating ko ay nag-uusap si Miguel at Kianna sa conference room. They seem serious.

"Hey." I said nang makapasok sa room.

"Bea, we have news." Miguel said while Kianna is just listening and not looking at me.

"We got the files." I looked at them confused. What files?

"Nico's files." Kianna said as if reading what's on my mind.

Huh? Paano? Eh akala ko ba we're not going to act with Nico's case anymore.

"Mike asked me to help him kasi he had an emergency." Kianna said na paang nababasa talaga niya ang isip ko. "He was asked to search the files to all who's related with Nico. So, pinuntahan ko 'yung ibang prospects and in the end, I got it from Jho's laptop." She continued.

Tinignan nila akong dalawa na para bang naghihintay ng reaction ko pero ako mismo ay hindi ko alam kung anong irereact.

"So that's why I saw you going out in our dorm." Sabi ko na lang.

"Akala ko ba you investigated her?" She asked with a sound of doubt in her voice.

"I did."

Nagtinginan naman silang dalawa.

"Why do I feel na you don't trust me? Na you doubt me and my skills." I tried to sound calm pero sa totoo lang, iritang irita na ako sakanila.

"Hindi naman sa ganon, Bea."

"Really, Miguel? Sa tinginan niyong dalawa, hindi talaga." I was about to walk out nang pigilan ako ni Kianna.

"Isabel, nagulat lang kami that you didn't knew about this." She said.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon