Thirty

4.7K 127 58
                                    

          

L O  U I S S E

"Bumibitaw ka kasi mahal mo na?" Sabi ni Nico.

Tinignan ko siya. Magkaharap kami at akmang hahawakan niya ang kamay ko ay nilayo ko ito. Nakaposas ang kamay niya kaya kahit anong gawin niya ay hindi niya ito maabot.

Nakatanggap ako ng text mula sakanya kaninang umaga na gusto raw niya akong kausapin. Pumayag na rin ako para tapusin ang dapat tapusin.

"Hindi iyon, Nico. Hindi ko talaga gusto 'tong trabaho na'to. Maraming nasasaktan. Andaming mali. Hindi ko kaya." I said.

Napatingin siya sa kin. "Kinaya mo naman noon ah. Ang sabihin mo hindi mo kayang saktan si Bea kaya ngayon gusto mo ng umalis."

Hindi ako sumagot kaya napailing siya. "Nagkamali akong ginawa kong mission mo si Bea. Ang usapan natin siya ang papaikutin mo sa mga kamay mo pero mukhang ikaw pa itong nahulog sa patibong mo."

We had a moment of silence. Bigla ko namang naalala ang simula ng lahat ng ito.

-flashback-

"Jho and Nico, you will be teaming up for the next mission" Mr. Ramil said as he start the meeting.

Napatingin ako kay Nico na ngiting ngiti. Alam kong siya nanaman ang may pakana ne'to. Maybe he requested na magkasama kami dito sa mission. After all, malakas siya sa mga boss namin at mukhang siya pa ang susunod na boss.

Nico and I broke up 3 months ago pero patuloy pa rin siya sa pagsuyo sa akin.

"May mga nakarating sa akin na mga balita na meron daw tayong kakumpitensya. I think Nico had an encounter with one of their agents years ago."

Napakunot noo naman si Nico siguro ay inaalala kung kailan yun. "I don't remember sir."

"That's ok. As I have said, meron nga tayong kalaban sa trabaho natin. And when I say kalaban, hindi lang kalaban sa pagkuha ng customers kung hindi kinakalaban nila ang ating mga naging customers. In the end, nawawalan ng tiwala ang mga lumalapit sa atin, nawawalan tayo ng trabaho, nawawalan tayo ng pera." Napailing na lang si Sir Ramil.

"And you know how much I value money, power and this company. Especially you Nico dahil ikaw ang tagapag-mana ko." Sir Ramil turned to Nico.

"Yes, sir, I know."

Seryosong tumingin sa amin si Sir Ramil bago ibagsak ang mga folders na dala niya sa harap namin. Nagkatinginan naman kami ni Nico bago namin buksan at tignan ang mga ito.

These are files of our Financial Statements. Our losses are the one who are most emphasized. Different kinds of losses actually- from lawsuit to losses from failed operations.

"Ganyan karami na ang nakuha ng kumpanya nila sa atin."

"Anong kumpanya ba ito?" Naiiritang sabi ni Nico.

"That is your mission. Kailangan niyong malaman at kailangan niyo silang pabagsakin lalo na 'yung number one nilang agent na si De Leon."

"De leon?" Napakunot ako ng noo.

"Bakit, Jho?" Mr Ramil asked kaya napatingin si Nico sa akin.

"Wala naman, sir. May naalala lang." Sabi ko.

May isa kasi kaming rookie na De Leon ang apelyido. Hindi naman kami masyadong close pero mukhang she's very nice.

"Kung sino man 'tong De leon na 'to, magdasal na siya kasi tatapusin ko talaga siya." Sabi ni Nico kaya napailing ako.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon