Twenty One

6K 140 16
                                        

I S A B E L

Kakatapos lang ng training namin and we're waiting na lang for ate Ly dahil may announcement daw siya bago kami madismiss with today's training.

"Uy, weeksary na namin ni Miguel bukas." Kinikilig at excited na sabi ni Jia. Ay wow, there are really ones who celebrate it pala.

"Yuck, bes. Pati 'yun icecelebrate niyo?" Sabi ni Jho kaya natawa ako. Lagi talaga niya binabasag trip ng bestfriend niya.

"Oo nga. Korni niyo naman." Sabi ko na lang din.

"Shut up ka 'jan, Jho, porket wala ka ng feelings ha simula noong maghiwalay kayo ni Nico." Nagulat naman si Jho nang mabanggit ni Jia si Nico.

"Kilala mo si Nico?" I asked. Akala ko kasi their relationship is private kasi ni isa naman sa teammates ko ay walang nakakaalam at hindi nila nababanggit.

"Siyempre. Alam mo ba-" Hindi na natuloy ni Jia ang sasabihin dahil tinakpan ni Jho ang bibig nito at pinalakihan siya ng mata.

Oo nga pala, magbestfriend 'tong dalawang 'to kaya malamang sa malamang, alam ni Jia ang about sa lovelife ni Jho.

"Ang daldal mo talaga, Jia. Ayoko na nga siyang pag-usapan." Jho said.

"Asus, di pa nakakamove on." Sabat ko naman.

"Naks, Beadel. Kunwari di nasasaktan, ganon? Wag kang mag-alala, sa'yo na si Jho." Pang-aasar ni Jia kaya binatukan ko siya.

Hindi naman ako nasasaktan kahit pa pag-usapan natin buong araw 'yang ex niya. I want to know more about him nga eh baka I'll learn infos about him na makakatulong sa agency namin lalo na with the warning of ate Ella told me when she died.

And I want to know more why he and Jho separated ways.

"Baliw. Pero grabe ha, super magbestfriend pala kayo. I didn't know someone in the team knew your past relationship, Jho." Sabi ko and faced Jho.

"Wala akong choice eh, siya lang kaibigan ko noon dito sa Ateneo kaya siya lang napagsasabihan ko ng ganap ko sa buhay ko."

"Grabe ka sa walang choice, ha, akala mo naman hindi ako nakatulong tuwing may problema ka sa lovelife mo noon." Jia then turned to me. "Patay na patay kasi 'tong si Jho sa ex niya eh." Sinapak naman ulit siya ni Jho at pinanlakihan nanaman ng mata.

"But that's all in the past kaya wala kang dapat ipagselos, Bea. Kahit pa pakasalan mo na ngayon si Jho, gustong gusto niya 'yan. Oh, dali propose na." Sabi ni Jia. Ewan ko, nababaliw na siya.

Magsusuntukan na sana ang dalawang 'to nang dumating na si ate Ly at ginather kami sa gitna.

"This weekend, we will be having a time off with our training." Panimula niya kaya nagcelebrate ang lahat. Wew, that's rare.

"May awa naman pala si coach!" Ate Den commented.

"Halla baka may malubhang sakit si coach kaya niya tayo hinahayaang maging masaya." Sabi naman ni Mich.

"OMG, ilang araw na lang daw mabubuhay si coach ate?" Sabay naman sa trip ni Jia.

Pinagbabato naman sila ng kneepads ni ate Ly. Mga baliw eh.

She then continued. "So 'yun nga, no training because we're going to Batangas. Inimbitahan tayo ng mayor ng Lipa sa kanilang volleyball clinic. The coaching staff is ok with it naman and even allowed us to stay for a day extension to have a tour around the province."

"Yes! Batangas!" Masayang masayang sabi naman ni Jho.

"Uy punta tayo sainyo Jho." Sabi ni Jia. "Pakilala mo na 'yang si Bea. Ayie mamanhikan ka na, Bea." Sabi niya pa kaya binutak ko ulit siya.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon