I S A B E L
"So we found out na hindi talaga intention ng Volleyline kunin si Valdez para mas may chance sila na manalo si League." Kianna said. I'm talking to her thru call.
Andito pa rin kasi ako kina Jho at sila Kianna ang nagpatuloy sa investigation sa mission namin kay ate Alyssa.
"Kukunin pala sana nila siya para sirain ang image ni Valdez. Pahirapan siya, ipahiya siya." Kianna added.
"Huh? Bakit naman?"
"Si Rachel Daquis nakita niyo sa office ng volleyline diba? Siya pala ang illegitemate daughter ng president ng Volleyline." Kianna revealed.
"Oh my what? Really?" Kaya pala Rachel had a parang family picture sa office nung president.
"Yes and di'ba she was the number one female volleyball player dito sa Pinas pero she was surpassed by Alyssa, bigla ding bumaba ang supporters ng Volleyline which caused them to lose sponsors, lumipat lahat ng attention kay Valdez eh so ayun nagalit, nainggit kaya they wanted to put her down para maibalik si Rachel at ang volleyline sa top. Gusto nilang gantihan si Valdez." Sabi ni Kianna.
"Wow. What a plan." Hindi makapaniwalang sabi ko. Grabe, why do you even need to put someone down para lang umangat ka? What an evil.
"Yeah right. Hindi nga lang natuloy iyon dahil nga may mga nalaman si Valdez and then she backed out so ang naging back up plan nila ay yung ilabas nila ang relationship niya with Denden which didn't really destroyed Valdez's image."
That's true, tanggap na tanggap si ate Ly ng mga fans niya at masayang masaya pa nga sila. Sino ba naman ang hindi? Bukod sa alam mong true love ang meron sila, mababait silang tao.
"Ok, good job with that one. Kaya na bahala sa mga dapat pang gawin ha baka bukas pa kami makauwi jan ni Jho." Sabi ko at bigla namang pumasok si Jho sa kwarto.
I mouthed "Kianna" and pointed my phone, tumango naman siya at inayos ang bag niya na nasa bed.
"Yes. Ingat ka 'jan." I heard her sigh bago niya ibaba ang tawag. Oh? Anong problema non?
Itinago ko naman ang phone ko bago hinarap si Jho. "That was Kianna. She had some updates regarding sa mission natin. Sila na rin bahala doon."
"Nakakahiya naman sila na lang tumapos sa mission." She said.
"Ok lang 'yun. So, saan tayo pupunta?" I asked. Sinabihan kasi ako na magbihis dahil may pupuntahan kami. Ayoko pa nga sana kasi gabi na pero mapilit silang dalawa ni Janel eh.
"Perya." She said and grinned.
----------
"Welcome to my happy place." Jho said, even raised her hands, when we entered the peryahan.Inakbayan niya si Janel. "Lagi kami dito ni Jaja lalo na tuwing napapagalitan ni papa."
Napatingin naman sakin si Jaja, para bang nagtataka, ganon.
"Sasakay kami ng rides para hindi na namin maisip 'yung pananakit niya sa amin. Kahit gabing gabi na, tatakas kami ni Jaja sa bahay para kahit konti ay makalimutan namin yung problema sa bahay." She smiled sadly. "Tama na nga drama. So, rides ba muna tayo? or doon sa mga laro?" Tanong niya at tinignan ako bago tignan si Jaja.
"Sugal muna!" Jaja cheerfully said sabay tawa.
Hinila naman ako ni Jho papunta sa isang stall na may malalaking cards.
"Ilabas mo na 'yung mga barya natin." Sabi ni Jho.
Sinabihan niya kasi ako kanina na ipunin yung mga coins at mga mabababang bills ko.
Inilabas ko naman yung pouch na pinaglagyan ko ng mga yun.

BINABASA MO ANG
Reasons (Jhobea) - Completed
FanficThere's always a reason behind our choices and decisons.