Twenty Seven

5.3K 135 12
                                    

I S A B E L

When we arrived sa Manila, dumiretso kami ni Jho sa quarters dahil nagpatawag ako ng team meeting. Marami pa kasi kaming kailangan trabahuin.

Nang makasakay kaming elevator ay napatingin ako kay Jho na kanina pa nagtetext.

"Sino ba 'yan?" Sabi ko at sumilip sa phone niya.

"Tita Det." Sabi niya at pinakita sa akin ang convo nila.

Hay nako, ang kulit ni mom pati kung umiinom ba raw ako ng tubig tinatanong kay Jho.

"Grabe naman, mas madalas pang mag-text sayo si mommy kesa sa akin."

Pagkarating namin sa meeting room ay si Tyler pa lang ang andoon.

We had some catch up at as usual, inaasar na namin kami ni Jho hanggang sa makarating na rin sina Kianna at Miguel.

"Alam na natin ang plano nina Nico at Thirdy, we're now a step ahead of them kaya dapat we should materialize on that." Binuksan ko ang presentation ko and showed them pictures of my volleyball teammates.

"Gaya ng sabi ni Deanna, ang target nila is ang ALE. Tapos na si Ate Den, Ate Ella at Ate Ly."

Habang sinasabi ko iyon ay nacocross-out ang pictures nila sa presentation. "Ngayon, we need to investigate the lives of the others para malaman natin kung sino ang possible na next mission nila at kung ano ang possible na ilaban sakanila."

"Dapat mas mabilis na tayo ngayon kina Nico to prevent them in doing their plans." I ended.

The team seggregated the work to be done. Napag-usapan din nain 'yung chip na kailangan naming marecover kay Thirdy.

"I've been tracking Thirdy for the last few days at parepareho lang ang pinupuntahan niya." Tyler discussed. "His house in Tagaytay, an establishment also in Tagaytay and Nico's cell."

"Paano siya nakakapasok sa bilibid eh wanted yung taong yun?" Miguel asked.

"He's an agent, Miguel. He knows how to disguise." Sagot ko naman.

"And knowing what they can do, pagpasok lang sa bilibid ay madali lang sakanila. Nakapagnakaw nga sila ng chip." Jho added.

"Speaking of the chip, laging dala dala iyon ni Thirdy kahit saan man siya magpunta. Nilalagay niya ito sa bulsa ng sinturon niya o kaya sa may shoes niya." Tyler said.

"Weird." Kianna commented.

"So, where do you want to do the mission?" Tyler asked.

"Sa bilibid na, atleast doon may mga pulis tayong kasama." Miguel suggested.

"Parang mas maganda kung sa establishment where he goes na lang baka may mga madiskubre pa tayo doon." Sabi naman ni Kianna.

"I'll go with Thirdy's house. Maraming madadamay at mahirap gumalaw kung maraming tao ang nakapaligid. Atleast sa bahay niya, tayo lang at mga tao ni Thirdy ang meron." Jho said.

They continue to argue hanggang sa tumingin silang lahat sakin for final decision.

"Thirdy can't move well pag sa prison kasi napapalibutan siya ng pulis at nagtatago nga siya sa mga ito di'ba?" Sabi ni Miguel.

"As if you don't know Thirdy's capability. Let's go for the establishment, Isabel." Kianna argued.

"Hindi natin alam kung anong meron sa establishment na 'yan at teritoryo nila 'yan baka mamaya matrap tayo." Jho said.

"Same with Thirdy's house, comfort zone nila iyon." Miguel countered.

Magsasalita naman ulit sana sila nang patahimikin sila ni Tyler. "Pooh and friends, shut up. Walang patutunguhan ang debate niyo." Natigil naman ang tatlo. "So, what do you think, ate Bea?"

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon