Seventeen

5.4K 126 7
                                    

I S A B E L

Being a student athlete and an agent at the same time is already hard at kapag dumating pa ang hell week, or exam days, I can't even imagine how to survive, parang patayan na 'to.

Ang dami daming requirements tapos nakakairita pa na ang daming demands ni coach kaya lagi kaming overtime sa pagtetrain. Paano naman ako makakapagreview para sa exams? Lalo pa't Mr. Palou has been giving us night missions for the straight four days. Ngayon lang ata wala.

I groaned because of frustration.

"Calm down, there, Piglet." Jho entered our room habang nagrereview ako.

"Ayoko na mag-aral. Ayoko na mag-volleyball. Ayoko na maging agent. Ayoko na!" I said at naglupasay sa kinauupuan ko pero umupo rin ng maayos agad. "Pero siyempre may pangarap ako kaya joke lang 'yun. Hays." Sabi ko at bumalik na sa paggawa ng requirements ko sa school.

"Baliw na." Natatawa at naiiling niyang sabi. May hawak siyang kape at inilapag niya ito sa table ko, tabi ng mga notes ko.

"I don't drink coffee, Pooh." I chuckled as we use the codenames Tyler choose for us.

"I know kaya nga I brought you a hot choco." Hindi ko napansin na may hawak pa lang siya sa kabilang kamay niya.

Eh, teka.

"Kanino 'yang coffee?" Kunot noong tanong ko.

Hinila naman niya ang upuan sa study table ni Jia sa tabi ko at umupo doon. "Sa'kin. Tulungan na kita sa mga requirements mo, mukha ka ng kinidnap sa stress mo eh." She said and laughed.

Humarap naman ako sa'kanya. "Grabe, ganoon na ako kahaggard?"

Natawa siya konti at nagpalumbaba as she stare me. "Magandang kinidnap, I mean."

Aba, ibang level na 'tong si Jho ah. Bumabanat na siya ngayon. Sobrang paasa na.

"Wew, that was smooth. But these, aren't." I said at binuksan ang libro ko sa harap ko.

"How can I help?" Inabot niya ang isang libro at 'yung ginagawa kong scrapbook kanina. Itinigil ko ang paggawa doon paano ba naman ang hirap maging creative lalo na if you're not born as one.

"Thanks, Jho but I can handle it. Pahinga ka na lang. You've been busy for the past days din." I just said habang nagcoconcentrate sa binabasa ko.

Tumahimik naman siya sandali hanggang sa narinig ko siyang natawa. "Ang cute. Parang gawa ng kinder." She's pertaining to the scrapbook I made.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at binatukan. "Ang judger mo, ikaw."

"Hoy." Binatukan din niya ako. "Di kita jinajudge. Sinasabi ko lang 'yung nakikita ko."

"Eh bakit naman kasi kailangan pa kaming pagawin ng ganyan? Nakakaasar talaga yung humanities prof namin ginagawa kaming highschool eh." Reklamo ko. "Ano bang mapapala ko sa scrapbook na 'yan? Matutulungan ba niya akong maging succesful na doctor sa future?" I added.

Jho continues to "evaluate" my project. "Eh ano bang gagawin dito? Ako na magtuloy para naman kunwari gawa siya ng highschool student."

Tinignan ko naman siya ng mataman. Seryoso ba 'to? "Wag na nga kasi-"

"Sige na nga kasi. Hindi rin naman ako inaantok kasi 9 pm pa lang. Nasanay na ata akong matulog ng 3 am at gumising ng 5:30 am."

"Bait mo sa akin ngayon, ah? May kasalanan ka ba? Nagtaksil ka ano?" Siningkitan ko naman siya ng tingin.

"Alam mo, kailangan na talaga kitang tulungan dito. Nababaliw ka na kaya kung ano anong naiisip mo." Sabi niya  at pinitik ang noo ko.

I didn't let her at first pero mapilit talaga siya so I gave in. I gave her the instructions of our professor regarding our project kaya naman gianagawa na niya ito ngayon.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon