Thirteen

5.7K 130 11
                                    

I S A B E L

Nagising ako the next morning na masakit ang batok ko. And when I touched it, doon ko lang narealize na hindi pala ako nakahiga sa pillow but in someone's arm.

Someone's?? Arm??

Sa gulat ko ay bigla akong napaupo sa pagkakahiga.

"Jho?!" She is right beside me, sleeping peacefully.

"Ang ingay naman." Hindi si Jho ang nagsabi non. It was from a guy's voice kaya napatingin ako sa may floor and there I saw Tyler, na natutulog lang sa comforter.

Bakit ko kasama 'tong dalawang 'to? At bakit naman ito sa floor natulog?

I roam my eyes around at napansin kong hindi ko kwarto ko.

It's a decent room. Cream ang walls, bukod sa bed ay wala ng ibang furniture.

What happened last night? The last thing that I can remember ay nag-aasaran sila habang buhat ako ni Jho. Akala ko ba ihahatid nila ako sa bahay namin.

Oh, wait. Jho told me yesterday..

"Pwede ba kitang isama sa Batangas?"

"Don't tell me." I said in a low voice.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at nerbyos. Hindi pa ako ready, 'no. Ay, joke.

I was about to get up when Jho moved, I thought magigising na siya pero 'yon pala she just moved closer to me at niyakap ako.

Hindi ko alam pero my body didn't want to move out of the bed anymore.

So I stayed, hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa akin and interlocked it with mine. Napangiti ako with the thought na her hand fits mine. Ang weird pero totoo na may ganoong bagay pala or maybe I'm just imagining things because..

I stayed in that position for a while while hanggang sa naisipan kong bumangon na at lumabas ng kwarto. I'm hungry na rin kasi and I have to prepare pa for my class.

Huminga akong malalim to prepare myself sa pagharap sa family ni Jho.

Wow, kala mo naman ipapakilalang ano..

When I went out of the room, I saw a guy, chinito siya. Parang siya naman ang may-ari ng bahay pero parang hindi naman siya ang dad ni Jho. Hindi sila magkamukha eh. Ah, baka 'yung mom ang kamukha.

"Oh, Iha, gising ka na pala. Halika, samahan mo akong mag-breakfast." Pag-aya niya nang mapansin akong papalapit sakanya.

"Um, hi sir. I'm Beatriz De Leon." I offered my hand and he gladly accepted it naman.

"Of course, I know you." Bigla naman akong kinabahan. Naikekwento ba ako ni Jho sa'kanya? "My son always talks about you."

Huh?

"Son?" I confusedly asked.

"Yes, Tyler." Oh, right. We're at Tyler's home. Nawala naman ang kaba ko upon hearing that. I felt relieved. Hahaha, no meeting-with-Jho's-parents yet.

I was about to ask kung bakit ako napadpad dito nang may tumawag ng pangalan ko.

"Isabel!" I turn around and I saw a guy who is on a black leather jacket and shades. Typical agent get up.

"Kuya Tristan?" I am surprised to see him here. He's my Kuya's friend noong highschool pa sila. He was the one din who pushed my kuya to be an agent.

Lumapit siya sa'kin kaya naman tumayo ako at niyakap siya. Medyo close ko rin siya dahil sa pagiging agents namin.

Wait. Napatingin ako sa'kanya as I remember his last name. Tristan Tio.

"You're Tyler's brother?!" I asked.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon