Four

5.8K 139 9
                                    

I S A B E L

The morning came and I can feel na Jho's pissed with me.

Maybe nagtatampo dahil nakalimutan ko yung gamot ko? I'm not quite sure if that's the reason but one thing's for sure, she's mad.

Hindi naman masyadong halata sa kung paano niya ako tignan ngayon. Konting konti na lang siguro ay ililibing na ako sa lupa dahil sa tingin niya. We're having our breakfast kasi and she's infront of me.

"Do you want more bacon? You can have mine." I smiled at her but she just rolled her eyes. "How about hotdog?" Itinaas ko pa ang plate ko at tinuro gamit ang fork 'yung hotdog sa plate ko pero hindi lang niya ako pinansin. "No?" Still, she didn't bother to notice me. Ok, food's not working.

"Mich, paabot naman ng tubig." Utos ni Jho kay Mich.

Mich is about to stand up pero inunahan ko na siya. "Ako na lang, Mich." When I already got the pitcher and about to give it to her..

"Mas gusto ko pala ang kape sa umaga." She said.

"I'll make you coffee. What timpla do you want? Lots of creamer or sugar na lang or walang sweetness at all?" Ibinaba ko ang pitcher na hawak ko at kumuha ng mga kakailanganin para sa coffee niya.

"Magsosoftdrinks na lang pala ako."

"Early morning? Sasakit tiyan mo, Jho."

Sinamaan niya ako ng tingin at biglang tumayo. "Hahanap na lang akong pineaple juice sa labas."

"Wait!" Nilingon naman niya ako. "Magpapadala na lang ako sa fit n' right. They have pineapple flavor." Ngumisi ako sa'kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglabas sa dorm.

"Sa BEG na ako, Mich!" Sigaw niya.

Napailing na lang ako.

Nagtinginan naman ang mga teammates ko. "Anyare sainyo? World war?" Mich joked.

"LQ sila bes." Singit naman ni Jia.

"Shut up, Ji."

"Ako, gusto ko ng fit n' right! Padala ka naman sa sponsor mo." Ate Ly joked.

"Bili ka na lang sa labas!" Tumayo na ako at lumabas na ng dorm.

Even when we were at training, she was avoiding me. Ano bang nangyari kasi doon? Grabe naman kung makapagtampo. Daig pa ang bestfriend ko. From the way she acts, para ko siyang girlfriend na nagtatampo.

"Here." Inabutan ko siya ng tubig when our training is done and we're cooling down na lang.

"Hindi ko kailangan 'yan." Itinaboy naman niya ang kamay ko.

"Sabagay hindi mo naman talaga kailangan ngayong ng water. Hindi ka napagod sa training eh. Ikaw pa. Kahit sobrang tutok sa'yo si Coach Drake."

"Alam mo, ang annoying mo." Tinignan naman niya ako ng masama.

"Ang pakipot mo." I answered back.

"Kay Gi na lang ako hihingi ng tubig." Aalis na sana siya pero hinarangan ko ang dadaanan niya.

"Huy! Ano ba." Sabi niya at pilit na tinutulak ako para makadaan.

"Not until you answer my question." I said firmly.

"Ano bang tanong 'yan? Na kung pwede tayo na? Manligaw ka muna huy."

"What?" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Sige na kasi, padaan na." Binigyan naman niya ako ng isang malakas na hampas bago ipagtulakan ulit.

"Why are you avoiding me? Akala ko ba close friends na tayo." Tinigil naman niya ang pagtulak sa'kin at tinitigan lang ako.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon