Twenty

5.3K 139 19
                                    

I S A B E L

"Dali, Jho." Kakatapos lang ng mission namin ngayon at nagmamadali na kami ni Jho to wrap it up dahil may game pa kami sa MOA at 4:00 pm.

And it's already 3:14 pm!!

"Anjan na!" Sabi ni Jho at pumasok na ng kotse.

"Grabe, lagot tayo kay ate Ly, ne'to." She said. "Nakakailang tawag na siya sa'kin."

"Eh ba't hindi mo sinagot?"

"Sige, nakikipagbarilan ako habang katawagan siya."

"Eh di sana, nagtago ka muna sa isang place."

"Tapos maririnig niya sa background 'yung putukan tapos tatanungin niya kung ano 'yun tapos anong sasabihin ko? Naglalaro tayo sa Timezone, ganon? Eh di nabeastmode na siya."

We're really panicking right, now.

Hindi lang dahil baka hindi namin maabutan ang game, paniguradong lagot kami kay ate Ly. Late na nga kami, hindi pa namin nasagot mga tawag niya. She hates that.

Ang ganda naman kasi ng timing ng mission namin. Grabe, favorite kami ni Mr. Palou eh.

Pinalipad ko na ang sasakyan ko para makaabot sa game. Pinili ko na yung route na hindi masyadong traffic pero mabagal pa rin ang usad ng sasakyan.

"Bakit ngayon pa, traffic?!" Reklamo ko at napatingin kay Jho, who is doing I don't know what.

"What are you doing?" I asked her.

"Pinagsasabay ko na ang meditation at stretching baka hindi na natin magawa mamaya."

Seryoso? Napakamot na lang ako ng ulo ko.

After 10 hours ay nakarating na rin kami ng MOA. We arrived at 3:53 pm. Mukhang hindi pa naman nagsisimula ang game namin.

Naman, ngayon pa talaga kami sinalubong ng fans kung kailan kami nagmamadali.

"Ate Bea, papicture po."
"Waaaah! Jhobea!"

We tried to accommodate them kaso nagmamadali talaga kami kaya mukhang ewan na 'yung mga smile ko sa mga pa-selfie nila.

Mabuti na lang at may mga guards to help us pass through. Nang makarating kami sa dugout ay wala ng tao.

"Lumabas na sila. Tara na." Sabi ko kay Jho at tumakbo papuntang court. Sa sasakyan na kasi kami nagbihis kanina habang traffic kaya ready to go na kami.

Biglang nagtilian ang audience nang lumabas kami ni Jho kaya naman napunta sa amin ang attention.

"BEA! JHO!" Sigaw ni Jia.

Lumapit kami sa huddle.

"Saan kayo galing?" Ate Ly asked. As expected, she's mad. Calmly mad, if there's such thing.

Nagkatinginan naman kami ni Jho, mentally nagtuturuan kung sinong unang magsasalita. Nilakihan niya ako ng mata at natakot naman ako kaya ako na.

"Ate, we had an emergency kasi to attend to. We're sorry." Sabi ko.

"Hindi na rin namin nasagot ang tawag mo dahil nagmamadali na kaming pumunta dito. Sorry, ate." Sabi naman ni Jho.

"Hindi niyo man lang ako sinabihan na may emergency kayo?" Still, ate Ly is trying to be calm.

It seems like Jia and ate Den knew kung saan kami galing kaya naman tinulungan na nila kami kay ate Ly.

"Sa'kin nila ipinaalam, ate Ly. I forgot to tell you." Sabi ni Jia.

"It's ok. Ly, andito na sila kaya wag ka nang mag-alala. You two, next time update us, ok?" Ate Den said.

We nodded at napatangin kay ate Ly who let out a heavy sigh. "Ok. Next time, please, tell me kung asaang lupalop kayo. Ayoko nang mawalan pa ng isang teammate." She sadly smiled at natahimik naman ang buong team.

Reasons (Jhobea) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon