Hindi ko inaakala na makikita ko yun dream place ko kagabi. Salamat kay Alex at natupad yun. Pero bakit hindi pa din ako umamin sakanya?
Kung tutuusin, perfect place na yon para umamin ako sakanya. Napakaganda ng lugar, hindi ko akalain na magagawa niya yon. Nasaktan kaya siya sa sinabi ko kagabi? Bakit kasi ang dami dami ko pang paligoy ligoy. Naiinis na ko sa sarili ko. :(
Bakit kaya hindi pa din niya ko ginigising? Ganitong oras ng bubulabog na yun e. Baka naman tulog pa? Anong oras na din kami nakauwi kagabi.
Ang dami namin ginawa, pinasyal yun buong lugar, ang ganda talaga, tapos ang laki pa. Nag star-gazing kami, pangarap ko din yun, tapos kwentuhan. Isa na yata sa mga pinakamasayang araw ko yun kagabi, ang saya kasi. Lahat ng gusto mo natupad. Ang sarap pala sa pakiramdam nun.
Hay! Thank you Alexander Joseph dela Cruz! Dahil sayo, onting onti natutupad yun mga pangarap ko. :)
Gisingin ko na nga yun, gusto ko na ulit siyang makita at makausap. Hindi rin ako papasok ngayon, para naman magka bonding kami ulit.
“Alex, gising na. Tanghali na.”
“Alex?”
Bakit walang nasagot? Tulog pa din siya?! Grabe ah, anong oras na.
Bukas yun pinto, pasukin ko na.
“Ale—“
Bakit wala siya dito? San nanaman pumunta yun? Pag umaalis siya, nag papaalam naman siya ha. Bakit ngayon hindi? Kahit alam niyang tulog pa ko, kinakatok ako nun para mag paalam. San naman kaya nagpunta yun? Tawagan ko nga muna. Tsk.
Out of coverage? Nakapatay phone niya? Hindi naman nalolow batt yun, hindi rin nag papatay ng cellphone yun. Bakit ngayon? Aishhh. Try ko ulit.
“Please leave a message after the beep.” Voicemail? Tsk.
“Alex, nasan ka ngayon? Tawag ka pag natanggap mo ‘to.”
Ano nanaman kaya ginagawa nun? San kaya siya pumunta? Di ako mapakali. :( Baka bumalik nanaman siya dun sa France na yun ah. Hmp. Wag naman sana. >_<
Ilang oras na nakalipas, wala pa rin natawag. :( Natanggap niya kaya yun? Text ko nalang muna. Hay. Alex, paramdam naman oh. Kahapon ang sweet mo, tapos ngayon biglang wala? Labo naman. :\
Hapon na, wala pa din. Hay. Baka naman iniwan na ko dito? Pero imposible, nandun pa gamit niya, lahat ng bagay na mahalaga sakanya nandun pa. Alex, tumawag ka na, pleaseeeee. Miss na kita. :(
Idlip muna ko. Baka pag gising ko, nandyan na siya. Sana. Wew.
*Beep.. beep.. beep..*
Uy, may natawag! Teka, nasan yun cellphone ko?! Waaaaaa!
Eto! Woo. Si Alex na sana ‘to!
Sino ‘to? Bakit hindi naka-register? Baka siya ‘to, nakitawag? Kaso hindi naman nauubusan ng load yun e.
“Hello?”
“Hanna!”
“Angela, ikaw pala. Ano yun?”
“Wala lang, new number ko, save mo.”
“Kala ko kung ano, sige sige.”
“Bye.”
Kala ko naman si Alexander na oh. Hay. :( Alexander, isang text lang naman! Nag aalala din ako dito, tsk.
ONE MESSAGE RECEIVE
From: Boss
Hindi ka nanaman pumasok. Yun mga pinapagawa ko.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...