OP Kapag Love Life ang Pinag-uusapan

1.4K 14 3
                                    

Chloe's POV

Ako nga pala si Chloe isang first year college na nag-aaral sa isang University ang "Villavicencio University" simpleng tao lang ako, hindi rin ako sikat sa campus o kung ano man. Ako yung tao na madaling makisama, madaling maka close at sakto lang naman kung kagandahan ang pag-uusapan. Ayokong magmula sa bibig ko na maganda ako baka sabihin nagbubuhat ako ng upuan. hahaha! Kung baga para sa akin what you see is what you get. :)

Umpisa ng second semester ngayon, galing ako first sem na parang delubyo ang nangyari kasi ba naman di ko inaasahan na ganito pala kahirap sa college.. Di ako nag-expect pero ganon pala talaga. Mahirap. By the way BSMath ang course ko kasi mahilig naman ako sa numbers, magcompute at kung ano ano pa basta tungkol sa math.

Nasa hallway nga pala ako ngayon, naglalakad, papunta ako sa first subject namin minor subjects lang naman ang subject ko ngayon. Sobrang nakakatamad pumasok kasi Lunes na Lunes tapos ang pasok ko pa isang subject na minor at ang mas nakakapanglata pa ay 3pm ang klase ko hanggang 6pm ng gabi. Diba? Nakakapanglata talaga. Di ko alam kung bakit ako sinipag siguro dahil na miss ko lang ang mga barkada ko ;(

"Hi Chloe!" Sigaw ni Mitch nung pagdating ko sa room. Medyo nailang ako kasi nakatingin ba naman silang lahat sa akin.. Ano bang meron?

"Hello! Miss ko na kayo poks! Nasaan sila Micca at Thine?" Tanung ko habang paupo ako sa arm chair.

"Nako poks nasa canteen pa double date yata kanina pa silang umaga sa canteen eh.. Ewan ko ba baka pinakyaw na nila yung mga snacks doon. Haha."

"'Bat ikaw Mitch nandito ka na? Di ba kayo sinama ni Baj?" tanung ko naman.

"Actually kasama namin sila nauna lang kaming pumasok! Hahaha!"

"Tingnan mo nga! Ayon  naman pala! Haha.. Sarap mong batukan no? Nasan si Baj?"  sagot ko.

"Mag c-CR daw sya we  baka pabalik na rin." sagot ni Mitch. Si Baj nga lang pala ang classmate kong boyfriend ng barkada ko yung iba ibang course na.

"Chloe!!!!!" Sabay na sigaw ni Thine at Micca.

"Grabe Chloe ang ganda mo naman ngayon ahh!! Blooming? Bakit may love life ka na ba ngayon? Share naman!" Sabi ni Thine.

"Blooming ka dyan? Hindi ahh.. Pangit ko kaya.. "

"Eto naman sobrang pa humble ang ganda-ganda mo kaya. Di mo ba alam e pinag-uusapan ka sa labas." - Micca

"Ako? Pinag-uusapan.. Weh? Grabe naman bakit ako e lagi naman nila akong nakikita. Two weeks lang naman akong di nakita tapos pag-uusapan na ako.?"

"Oo kalaya, tara!" Bigla nalang akong hinila ni Thine sa labas. Grabe tong babaeng to parang lalaki kung makahila di ko rin maalis yung kamay ko sa pagkakahawak ng kamay niya. Ughh! Sige na nga.. Sumama nalang ako..

Paglabas namin ng room nakita ko nandoon yung barkada ni Leo at sabay-sabay silang nag hi sakin.. Nag hello lang ako at bumalik na sa room.

"Thine naman di ka na nasanay sa mga toyo na yun ehh lagi namang ganun sakin yung mga toyo na yun ehh.." Sabi ko kay Thine.

"Girl, ano ka ba.. Alam naman ng boung Univeristy na may gusto sa'yo si Leo 'bat ba kasi snob ka lang." sabi ni Thine.

"Grabe naman buong University talaga?! Haha Thine naman, alam mo naman na ayoko pang magka love-life. Bata pa ako." Inirapan ko lang siya, lagi nalang kasi akong kinukulit ng mga 'to na dapat daw may lovelife na ako.. Manang na manang daw ako kasi NBSB ako.

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon