Ms. Iyakin

182 4 1
                                    

canteen park

Edward'sPOV

''Good Morning Kuya Edward!!!!!'' nagising na lang ako sa sigaw ng bata. Fuck! Dito na pala ako nakatulog kila Chloe. Nakatayo sa may pinto si Jocob nakangiti at nakatingin sa akin. Tiningnan ko yung paligid ko ng magising ako. Nagulat nalang ako kasi katabi ko pala si Chloe at nakayakap siya sa akin. Agad din naman siyang nagising at kumalas sa pagkakayakap. Dahil na rin sa gulat niya ay nahulog siya sa higaan.

''wAaahhh! Tsk! Ang sakit.'' Agad ko naman siyang tinulungan para tumayo.

''Ok la lang ba?'' pag-aalala ko.

''Ahhh, ok lang naman.'' sagot niya sa akin.

''Pasensya na, dito na pala ako nakatulog.''

''Ok lang Edward. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa'yo eh. Naabala ka pa namin.'' -Chloe

''Ok lang yun. Wala yun. Hehe!''

''Chloe, Edward gising na pala kayo. Tara, handa na ang almusal.'' aya sa amin ng Mommy ni Chloe.

''Tita, ok lang po. Sa bahay na po ako kakain. Thank you na lang po.''

''Edward, hindi pwede. Tinanggihan mo na nga ako kagabi tatanggihan mo nanaman ako ngayon. Saka naabala ka pa namin kagabi.'' - Mommy ni Chloe.

''Edward sige na, dito ka na kumain.'' - Chloe

''Sige na nga. :D '' mdyo nagugutom na rin ako eh. XD

Agad naman kaming bumaba para kumain. Hotdog, Fried egg, ham and coffe ang inihanda ng Mommy ni Chloe.

''Sige na kumain na kayo.'' -Mommy ni Chloe.

''Tara po, kain na rin po kayo.'' aya ko naman sa Mommy ni Chloe.

''Sige, mauna na kayong kumuha.'' - Mommy ni Chloe.

Tahimik lang kami si Chloe. Hindi ko alam pero parang naiilang si Chloe sa akin siguro dahil na rin sa nagising niyang kayakap ako. Bakit kaya siya ang nakatabi ko? Alam ko kasi si Jocob lang ang katabi ko kagabi eh.

''Mommy, Ate and Kuya love each other. I saw them hugging each other. :D'' nakangiting sinasabi ni Jocob sa Mommy niya. Halatang nagulat si Chloe dahil bigla siyang nabuluna.

''talaga Baby?'' nakangiting tanong ng Mommy ni Chloe.

''Mommy, hindi yun totoo! Nag-iimagin lang yang si Jocob!'' naka-pout na sabi ni Chloe. Nangingti lang naman ako sa mga nangyari.

''Jocob, ahh! Nakakahiya kay kuya Edward. Stop it!'' saway ni Chloe sa kanyang kapatid.

Nakangiti lang ng nakakaloko si Jocob kay Chloe. Para na mang pinagtri-tripan ng Mommy ni Chloe si Chloe at halata namang namumula ang dalaga.

Pagkatapos naming kumain agad na akong nagpaalam umuwi. Baka kasi dumating sila Mommy at mapagalitan ako dahil wala ako sa bahay.

''O yung mga baba diyan o, pwede ng bumaba!'' sabi ng jeepney driver.

Fuck! lagpas na ako sa school. Masyado akong nalibang sa pag-iisip sa mga nagyari noong weekend. Masarap kasing alalahanin kasi nakakatuwa. Para bang nadagdagan ako ng dahilan para ngumiti. May klase ng pala ako ngayon. Wednesday na. Ala-una na ng hapos kainitan sa kalsada. Wew! Maglalakad pa ako. Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita kong may message si Julz:

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon