Edward's POV
Bagong lugar, bagong ka officemate bagong pakikisama.. Hay! pero ok lang dahil new experience. Hindi naman ako malungkot dahil doon, malungkot kasi malayo ito at di ko madalas makikita siChloe. Dito na rin kasi ako natutulog. One month lang naman to kaya sandali lang. Pinadala ako ng Magis Corporation para tulungan ang sister company nitong Pacific Place Corp. Medyo nagkakaproblema yung kanilang theme park na dati ay dinarayo ngunit ngayon ay kakaunti na lang ang pumupunta. Pinadala ako para tumulong para madevelop at bumalik sa dati ang ganda ng park. Nandito ako ngayon para sa first meeting at siguro ii-introduce ako ng boss sa mga officemate ko ngayon.
''Mr. Heraldez pasok na po tayo.'' Padating na po si boss. sabi noong isang empleyado. Secretary yata nung boss dito. Agad naman akong sumunod at pumasok sa office ng boss. Maganda yung office malaki, dito rin sila nagme-meeting kapag may kailangang pag-usapan.
''Edward! Ikaw pala yan! ''
''O julz! Dito ka ba nagtratrabaho?'' si Julz nga pala ay classmate ko at isa rin sa kabarkada ko. Kung matatandaan ninyo kasali din siya sa pageant dati nung sumali ako.
''First Job ko to. Dito rin ako nag-ojt dito na rin ako pumasok. Ikaw pala yung pinag-uusapang galing sa Magis Corp. Ang ganda ng balita tungkol sayo ahh. Magaling ka daw na architect ng Magis.'' -Julz
''Hindi naman.. Parang ikaw lang din. Hahaha! Ok na ok dahil dito ka pala nagtratrabaho may makakausap ako. :D''
''Nako kung alam mo lang! Ayoko na dito.. Mahirap pang makisama sa mga empleyado kesa sa boss. Kaya trip ko na ding lumipat sa ibang kompanya eh.. :3'' pabulong na sabi ni Julz.
''Bakit?'' tanong ko.
''Basta, mag-observe ka lang.. Malalaman mo rin. ;)'' -Julz
''Ok good morning people of the Pacific Place!'' bati ng boss..
''Para sa ating next project makakasama natin si Mr. Heraldez for the development of Fantasia Park. Hopefully malaki ang maitulong niya at i assure na malaki nga ang maitutulong niya dahil sa mga naging improvements ng Magis Corp. Mr. Heraldez i'm Mr. Ting ang boss ng Pacifc Place. I welcome you here, hopefully magkaroon tayo ng magandang samahan.'' bati sa akin ni Mr. Ting habang inaabot niya sa akin ang kanyang kamay.
Sorry Papa I'm late. nang tumingin ako sa pintuan para tingnan kung sino ang babaeng iyon..
''Mr. Heraldez ipapakilala ko nga pala sa'yo ang VP ng companya ang aking unika iha na si Denice.'' -Mr. Ting
''Nice to meet you Mr. Heraldez.'' iniabot ni Denice yung kamay niya pero hindi ko agad nahawakan kasi nabigla ako sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko malapit sa kay Mr. Ting.
''Ang llit talaga ng mundo.'' bulong ni Julz. Hindi ko na pinasin si Julz at nakinig na lang sa boss.
''Alam naman natin na nagkakaproblema ngayon ang Fantasia. Malaki na rin ang kinalulugi ng theme park na yon pero ayokong i-give up ang park dahil isa iyon sa nagpakilala sa ating kompanya. Ang fantasia din ang nagbigay ng daan upang mas mapatatag natin ang Pacific Corpoation dahil sa laki ng pondoong naidagdag nito sa atin. I will divide you into team. Bale si Mr. Edward at Mr. Julz at si Mr. Matthew and Ms. Maiel ang secong team. I want you to think a way kung paano makakarecover ang fantasia. At pipili ako ng team na mangunguna sa development ng fantasia base on your solution/proposal. I will give you two weeks para makagawa ng proposal. I trust you guise. Kailangan nating magmadali dahil gusto kong masolusyunan agad ang problema. Thak you for your attending this meeting. Thank you!'' -Mr. Ting
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Genç KurguLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...