Para sa'yo ano ang formula ng pag-ibig?
Para sa aking ang bawat magkarelasyon o bawat couple ay may kanya-kanyang formula ng pag-ibig. Tanging ang mag bf/gf lang ang makakapagsabi kung ano ang formula ng pag-ibig. Naniniwala ako na lahat tayo ay iba-iba ng formula. Sa kwento 9 ang formula na nakanote sa bawat title ng chapters.
Bakit formula ng pag-ibig ang title?
Actually dapat formula ng love story pero iniba ko at ginawang formula ng pag-ibig. Dapat kasi diba formula ng love story kasi gusto ko maintindihan ng mga readers na ang bawat love story na nababasa o napapanood ay may formula. Iniba ko at ginawa kong formula ng pag-ibig kasi gusto ko namang makita na ang ating sariling love story ay may formula. Ano yung mga formula na yon? Iyon yung mga pangkaraniwang nararanasan ng magkarelasyon na siyang nagpapatibay ng kanilang samahan. Simula nung magkita sila, magkadevelopan, magkatuluyan, maka experience ng problema at yung tinatawag na forever.
Sa isang relasyon, dapat bang tanggapin ang pagkakamali ni bf/gf?
Para sa akin oo kasi natural sa ating mga tao ang nagkakamali. Pero kung ang pagkakamali ay paulit-ulit lang kalokohan na iyon.
Ano ang ispirasyon mo at nagtulak sa iyo para isulat ang Formula ng Pag-ibig?
Una ay yung crush ko. Ewan ko kasi simula nung makilala ko siya na inspired ako na parang guso kong ilabas lahat ng nasa dibdib ko. Nainspired ako na pang gusto kong gumawa ng lovestrory na kami yung bida at nad de-day dream ako na sana mangyari rin ito sa amin. Hindi ko pa natutuklasan ang wattpad ng maisulat ko ang kwento na ito. Nainspired din naman ako sa mga writers ng wattpad. Kaya salamat sa kanila.
Para sa iyo, ano ang Love?
Lahat tayo natural na meron tayo buhat ng isilang tayo sa mundo. Maraming klase ng love pero romantic love ang pinakamasarap pag-usapan. Para sa akin ang love lahat gagawin mo para dito. Kung love mo ang isang tao gagawin mo lahat para sa kanya, tatanggapin mo siya bilang siya at ibibigay mo naman ang love mo sa kanya ng buong buo. Kung baga ang love is accepting and giving.
Ano ang mas masaya, maging single o in a relationship?
May mga paraan tayo kung paano tayo magiging masaya. Minsanmasayang single minsan masayang may love life at minsan hindi naman masayang single at minsan hindi rin masayang in a relationship ang status mo. Nasa kamay mo at nasa sayo kung paano at saan ka magiging masaya.
Paano magiging matibay ang relasyon?
Sa tingin ko dapat araw-araw kang in love sa kanya. Araw araw gusto mo siyang makasama. Dapat marunong ka ding umintindi sa pagkakamali ng karelasyon mo. Dapat araw-araw kayong nagliligawan hindi lang lagi yung lalaki dapat nanliligaw din yung babae sa boyfriend niya.
Kailan ba masasabing kailangan wakasan na ang isang relationship?
Kapag wala ng spark. Kapag sa tingin mo parang ayaw nyo nang makita ang isa't isa. Kung isa lang ang nakakaramdam ng pagsasawa hindi kayo dapat maghiwalay ng ganung ganun na lang kasi mahihirapan naman yung isa. Mag-usap ng maayos. Iyon ang solusyon para malaman kung tama na ba.. end na ba....

BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Novela JuvenilLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...