Kilig ba ang tawag dito?

247 8 0
                                    

Edward's POV

Heto na ako sobrang kabado, ako na kasi ang sunod na tatawagin after ni Julz. Dahil natapunan ng juice ang t-shirt ko tuxedo nalang ang top ko. Medyo kinakabahan ako kasi baka pagtawanan ako dahil ganito lang ang damit ko. xD Tsk. Bahala na nga.

Narinig kong tapos na si Julz at tinawag na ang pangalan ko. This is it! Ako na ang sunod :|. hahaha! GoodLuck sakin. So para may konting twist at maiba tumalikod ako sa mga audience. At nung nagsimula na yung beat ng music at saka humarap ako. Nagulat ako dahil nagsigawan ang mga tao di ko maisip kug bakit at syempre masaya naman ako. Lumakad ako papunta sa microphone ng bigla kong makita yung babaeng nakatapon ng juice sa damit ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang na stock yung mata ko sa kanya. Ewan ko kng bakit pero parang gusto ko siyang puntahan pero hindi pwede.

"Hi!" Ito pa lang ang nasasabi ko pero sigawan na silang lahat. Napangiti nalang ako at hinintay kong tumahimik sila kaunti.

"I'm Edward Heraldez representative of College of Arts." Sigawan ullit sila. xD

"Sabi nila ang endless love daw nakatadhana na mapasa atin. Oo nakatadhana nga ang endless love pero para sa akin hindi magiging endless ang love kung walang FORMULA. Dadating yung time na magiging masaya ka kasama ang taong mahal mo at dadating din naman yung point na may problema. Para sa akin kasama sa FOMULA ang happiness at problem para makuha natin ang endless love. Dahil tadhana rin ang magdidigta kung sino ba ang makakasalo mo sa endless love, sa tingin ko ngayon na ako dinigtahan ng tadhana kung sino ba ang mamahalin ko. Thank you!" Sabi kasabihan ang sabihin pero pang speech ang nasabi ko. Hindi ko alam pero ito ang lumabas sa bibig ko. Kasi habang nagsasalita ako sa kanya lang ako nakatingin. Ano kaya ang pangalan niya? Bumalik ako sa sarili ng marinig kong naghihiyawa na lahang ng mga tao. Pero siya nakatingin lang din sa akin. So bumalik na ko sa back stage.

"Thank you Mr. Heraldez. Mukhang maraming fans ang contestant na yon." sabi ng Emcee.

Pagbalik ko sa backstage sinalubong ako ni Julz.

"Grabe dre, ikaw na! Ikaw na ang winner! Suko na ako sayo." sabi ni Julz.

"Grabe naman umpisa palang suko ka na. Saka hiyaw lang yon judge pa rin ang mamimili kung sino ang mananalo." sagot ko.

"Pero dre, front runner ka na!" Sabi ni Julz ngumiti nalang ako at naready para sa talent portion.

Chloe's POV

Sobrang lakas ng hiyawan ng paglabas nitong si Edward. Medyo naiilang ako habang papalapit siya sa mic ewan ko baka assuming lang ako. Hindi ko alam pero prang kinakabahan ako habang papalapin siya sa center stage paran feeling ko sakin siya papunta. 

"Go Edward! Galingan Mo! I love you!" Iyan ang madidinig mo sa buong Activity center. halos lahat nakasuporta sa kanya.

Nagsimula na siyang magsalita. Ang ganda ng boses niya. Sobrang mapang-akit. Natigil ako sa pag-iisip ng bigla akong kinausap ni Mitch.

"Poks! Ok ka lang?" Tanung niya sa akin hanbang nakanigit.

"Ahhh.. Oo poks ok lang ako.." sagot ko.

 "Tingnan mo si Edward sa'yo yata nakatingin." Bulong ni Mitch sa akin. Tiningnan ko si Edward oo ng a sakin siya nakatingin habang nagsasalita siya. Nararamdaman ko pang nagblu-blush ako.

>.< Ano ba Chloe umayos ka! sabi ko sa sarili ko.

"O ano sayo nakatingin no? Ang haba ng hair mo poks! hahaha!" sabi ni Mitch.

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon