My Family with Her

141 3 0
                                    

Edward's POV

April 2, 2014 ang isa sa piiiiinaka mahalagang date para sa akin kasi Graduate na ako! :D Matapos ang almost 20 years kong pag-aaral sa buong buhay ko, gragraduate na ako! Masasabi ko na di madali ang college life pero eto natapos ko. :D Sobrang saya sobrang kaba para sa next chapter ng buhay ko. Nadito ako kami ngayon sa labas ng Gymnasium ng University nakapila, umaga naman kaya di pa matindi ang araw. Napaka-thankful ko kasi nandito ngayon si Mommy at Daddy para suportahan ako. Alam kong busy sila pero mas pinii nilang makita ako sa pinakamahalagang araw ko.

''Pre, pano ba yan, graduate na tayo. Painom ka naman!'' sabi ni Julz.

''Ikaw nga diyan ang magpainom may trabaho ka na agad! Di ka man lang nag-aya sa inapplyan mo!''

''Na-absorb lang ako nung pinag-ojthan ko kaya ako may trabaho ako ngayon. Ikaw nga kahit di ka magtrabaho ok lang eh, mayaman ka naman.'' -Julz

''Nagsalita ang mayaman. Baka nga sa kompanya mo ikaw magtratrabaho ehhh..''

''Nako ayoko dun, di ako makakapag-chicks dun. Nandoon si Papa! Baka mapatay ako dun ng di oras.'' -Julz.

''Bakit? Chicks ba ang tratrabahuhin mo?'' sabay tawa namin.

''Hahaha! Pwede rin.'' sagot ni Julz.

''Ayan na mag start na yung procesion... ''sabi ko.

Nag-umpisa na kaming maglakad papasok ng gymnasium. Mahaba at medyo matagal. Pagpasok namin naguat naman ako sa dami ng tao. Sinubukan kong hanapin sila Daddy pero di ko makita. Nagtext na naman si Daddy na nakapasok na daw sila kaya no problem na ang sana lang nakaupo sila. Nag-umpisa na ang ceremony, as usual matagal, nakakainip, medyo boring pero exciting kasi ilang sandali nalang makukuha ko na ang diploma. :D Isa-isa na ngayong tinawag yung mga graduate, nakapila na rin kami sa may stage. Ang sasaya ng mga mukha ng classmates ko, yung iba naman nag-iiyakan. xD

Heraldez, Edward F.! Best in thesis and Best presentor. May award pala ako hahaha! Promise di ko alam. Pagtingin ko sa audience nakita ko sila Mommy at Daddy na kumakaway kaya kumaway din ako sa kanila. Pagkatapos kong makuha sa diploma, agad kaming umupo para hintaying matapos yung iba. After 30 minutes siguro na paghihintay natapos din yung program. Picture picture din kami ng classmates ko saka yung iba kong kabarkada. Marami din nagpapapicture sa akin na di ko kilala. Hindi ko naman sila matanggihan.. hahaha! xD

''Anak, Congrats!'' bati sa akin ni Daddy at niyakap naman ako ni Mommy.

''Thank you po! Graduate na po ako!'' sabi ko sa kanila.

''Ang galing naman ng anak ko may award pa. :D'' natutuwang sabi ni Mommy.

''Syempre mana sa Daddy!'' sabay tawan namin.

''Tara, kain muna tayo sa labas medyo nagugutom na ako eh.'' sabi ni Daddy.

''Wait lang, tingnan muna natin yung pictures ni Edward sa labas.'' sabi ni Mommy.

''Wag na Mi, papicture na lang tayo.'' sabi ko naman.

''Kunin na natin, excited akong makita yung pictures mo eh..'' sabi ni Mommy.

''Sige dalian natin..'' sabi ni Daddy.

Sinubukan naming hanapin yung mga pictures ko pero ni isa wala. 

''Haysss! ano ba yab bakit wala?'' sabi ko kay mommy.

''Baka, kinuha na ng fans mo.'' -Daddy

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon