Edward's POV
Sobrang lakas ngayon ng ulan, June pa lang pero ganito na katindi ang bagyo. Halos wala na akong makita sa daan sa sobrang dilim. Nakakabadtrip kasi ngayon pa sumabay ang asthma ko ang tagal ng nawala nito pero bumalik na naman yata. Sinundo ko si Chloe sa school buti na lang naabutan ko siya parang pauwi na rin siya nung dumating ako sa school. Kahit masama ang loob ko sa kanya everyday ko pa rin siyang sinusundo. Sa totoo lang hindi na ganoong kasama ang loob ko sa kanya, ewan koba, nahihiya lang akong i-approach siya.. Basta kapag nakakuha ako ng pagkakataon kakausapin ko na siya. Siya naman, medyo ilang pa rin sa akin, siguro akala niya sobrang galit pa ako sa kanya pero hindi.
Padaan kami ngayon paliko papunta sa subdivision namin ng makita namin ang baha sa daan. Wala ng nakadadaan kahit truck dahil sa lalim ng tubig. Bumaba ako para magtanong tanong kung pwede pang dumaan pero hindi na daw talaga dahil sobrang malalim at umaagos ang tubig.
''Hindi na daw ba makakadaan?'' tanong sa akin ni Chloe pagbalik ko sa kotse.
''Hindi na daw.'' cold kong sagot.
''Paano tayo makakauwi niyan? Masyado ng madilim...'' -Chloe. bigla namang tumunog ang phone ni Chloe habang pinanonood namin ang mga nangyayari sa labas.
Riiiing.. ring....
Mommy: ''Anak, nasaan na kayo?''
Chloe: ''Hello.. Mommy.. Paliko na po kami kaya lang sobrang baha e. Hindi na po kami makadaan..''
Mommy: ''May kasama ka ba?''
Chloe: ''Si Edward po ang kasama ko ngayon..''
Mommy: ''Ingat kayo ha. Pasensya na baka maistranded din ako kung susunduin ko kayo. Si Daddy mo naman naistranded din.''
Chloe: ''Sige po, ok naman po kami dito. Huwag na po kayong mag-alala..''
Mommy: ''Sige. Bye! Ingat kayo ha!''
Chloe: ''Sige po! Bye po!''
''Nag-aalala na si Mommy...'' -Chloe
''Huhupa rin yan.. '' mahina kong sagot. Hindi ko na mapigilan yung sobra kong ubo. Ang sakit na ng dibdib ko. Fuck naman! Sumabay pa to!
''Edward, ok ka lang ba?'' pag-aalala ni Chloe.
''I'm ok..'' mahina kong sagot. Hinawakan niya yung leeg ko para i-check kung may lagnat ako..
''Edward, ang init mo.. Umalis na tayo dito, punta muna tayong ospital. Baka lumala pa yan.''
Ok lang ako. Huwag mo na akong pansinin! medyo naiinis kong sagot. Tumahimik na siya. Pero sa totoo lang parang hindi ko na kaya. Naisipan kong bumaba kahit malakas ang ulan. Pumunta ako sa convinience store at kalapit na drugstore para bumili ng gamot at makakain. Baka gutom na rin kasi si Chloe matagaltagal na rin kaming stranded. Sobrang ginaw ko na kaya di ko na mapigilang mag-chill. Nanghihina a rin yung mga kalamnan ko kaya bumalik na agad ako sa kotse. Iniabot ko kay Chloe yung pagkain na binili ko sa kanya. Agad ko namang ininom yung gamot para mabawasan naman yung nararamdaman ko.
''Edward, kumain ka muna. Kailangan mo to.'' -Chloe
''Sige na, sa'yo na lang.. ''
''Sige na o, kumain ka na... ''-pagpupumilit niya..
''Ayoko nga! Pwede ba huwag ka ng makulit!'' pagalit kong sabi sa kanya.
''Ano ba Edward! Nag-aalala lang naman ako sa'yo eh! Tapos ganyan ka pa!'' biglang naiyak si Chloe sa galit. Ayokong nakikita siyang imiyak kaya tumalikod na lang ako. Hinawakan niya yung kamay ko pero hindi ako humawak. Binaling niya yung mukha ko sa kanya at inalok muli ng pagkain..
''Please Edward, kumain ka na.. Marami naman tong binili mo eh. Please naman.'' inilapit niya sa bibig ko yung tinapay at isinubo sa akin pero bigla akong naubo.
''Ok ka lang? Inom ka muna ng tubig ohhh.'' Inilapit niya sa akin yung tubig para makainom ako. Pagkainom, sinubuan niya ulit ako ng tinapay.
''Busog na ako... Salamat..'' mahina kong sabi.
Napansin ko namang ngumiti si Chloe, na miss kong makita siyang nakangiti. Napaka sama ko kasi eh. Natitiis ko siya. xD Pero hindi ko naman talaga siya matiis. Ewan ko ba sa ugali kong to, ang hirap pakisamahan. Pabago-bago.
Sobrang sakit din ng ulo ko kaya naisipan ko munang umidlip baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko. Hindi pa rin gaanong umeepekto yung gamot sa akin eh.. Pero pakiramdam ko medyo gumagaang na yung pakiramdam ko. Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Chloe.
''Sobrang init mo Edward. Sana ok ka na.. '' -Chloe.
Bigla ko namang kinalas yung pagkakayakap niya at lumipat sa likod ng kotse. Ewan ko ba pero pinalala ko lang yung sitwasyon namin ni Chloe. Umupo na ako doon at natulog ulit. Medyo nagising ako after 30 minutes siguro nakita ko na lang na nakayakap sa akin si Chloe at natutulog na rin. Nakunsensya naman ako sa mga ginagawa niya para sa akin. Sobrang nag-aalaa siya sa akin pero hindi ko yon napapahalagahan. Ang tiyaga niya kahit ganito ako ngayon sa kanya. Alam kong nahihirapan na rin siya sa ginagawa ko. Ano bang saysay ng ginagawa ko, pinahihirapan ko lang siya, maraming oras na ang nasayang na sana ay ginugugol namin para kami'y maging masaya. Nagpapakaisip bata nanaman kasi ako. Ewan ko ba... Sorry Chloe! Hinalikan ko yung noo niya para mapasalamatan man lang siya para sa pag-aalala niya sa akin. Salamat! Mahal na mahal kita. Nakatulog na ulit ako medyo gabi na rin kasi. Bukas siguro wala na ang baha.
Pagkagising ko nakita ko si Chloe na wala sa tabi ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang papalapit sa kotse at may bitbit na makakain. Pagdating niya nagtulog-tulugan ako. xD
''Edward... Gising ka na.. Kain muna tayo..'' agad ko namang dinilat yung mata ko.
''Good Morning!'' Nakangiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi pa rin nawawala yung lagnat ko pati na rin yung ibo. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Bumili siya ng cup noodles para sa akin. Sinubuan niya ako.
''Kain ka ha! Hindi pa rin nawawala yung lagnat mo.. Oo nga pala, makakaraan na tayo kasi wala na yung baha.'' nakangiti niyang sabi.
Kinuha ko naman yung cup noodles para subuan din siya.
''Huwag na Edward.. Para sa'yo yan..'' -Chloe.
''Sige na..'' mahina kong sabi. humigop naman siya at kumain. Pagkatapos naming kumain, agad akong nagdrive para makauwi. Ang sasma a rin ng pakiramdam ko medyo nahihilo rin ako. Buti na lang at malapit na yung bahay namin. Pagdating namin sa bahay nila agad na siyang bumaba.
''Edward, baba ka muna.'' -Chloe
''Next time na lang, i need to go.''. paalam ko sa kanya.
''I love you!'' -Chloe
''Salamat! I love you!'' sagot ko.
Agad na akong nagdrive pauwi. Nakatingin siya sa kotse ko hanggang sa makalayo na ako. Sobrang sama na ng pakiramdam ko. Pagpasok ko sa garahe agad kong pinark yung kotse at lumabas ako. Hindi ko na maaninag yung dinadaanan ko. Hindi ko na rin nakuhang i-lock yung gate. Biglang bumukas yung pintuan namin at nakita ko si Mommy. Hindi ko na nakaya kaya bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Ang narinig ko na lang ay ang sigaw ni Mommy tawag ang pangalan ko.

BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Teen FictionLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...