Denice POV
Nandito ako ngayon sa Manila para makipagkita kay Leo ng matapos na ang pangungulit niya sa akin. Bakit ayaw ko kay Leo? Hindi ko siya type kasi mayabang siya sobra basta nayayabangan akong magsalita sa kanya. Oo, may ipagmamayabang siya gwapo, matalino, mayaman pero ayoko talaga sa kanya. Isa pa kapag mayabang tiyak babaero. :3 Sa totoo lang nung nag-break kami ni Edward hindi na ako nagka boyfriend ulit. Ayoko feeling ko siya lang yung dream guy ko pero panaginip na lang yon kasi may Chloe na siya. Masaya at tanggap ko na na hindi na kami pwede. Ang dami kong narealize nung huli naming pagkikita ni Chloe. Ang sama ko nung mga oras na yon sa sobrang pagmamahal ko kay Edward kaya ko na palang manakit. Dapat hindi pala ako nagmahal ng ganon ayoko ng magmahal ng sobra sobra dahil marami kang bagay na magagawa na hindi dapat. Gusto ko talagang makita si Chloe para makahingi ako ng tawad sa kanya. Ayokong naiisip ko araw-araw na may taong masama ang loob sa akin. Sana makita ko siya muli. Nadito na ako ngayon sa restaurant para makipagkita nga kay Leo. Medyo napaaga ako kaya wala pa siya. Umorder na rin ako ng makakain dahil ayoko siyang makasabay kumain.
''Denice! Babe! Himala ang aga mo ahhh'' -sigaw niya habang papalapit siya sa akin.
''Don't call me babe!'' inis kong sagot.
''Ano? Nasan na yung boyfriend mo? Akala mo ba ipapakilala mo sa akin. Baka wala ka naman talagang boyfriend. :D'' pan-aasar ni Leo. Iniabot ko sa kanya yung phone ko para ipakita yung picture namin ni Edward. Halatang nagulat siya at napangiti.
''Ano? Maniniwala ka na?'' sabi ko sa kanya.
''Yes, pero gusto ko siyang makilala.. ''-Leo
''Hindi pa ba sapat yan? O baka naman type mo rin ang boyfriend ko..'' sabi ko sa kanya..
''Hahaha! Mali ang iniisip mo.. Hahaha! Gusto ko lang naman makita ang ka-SWEETAN ninyo. This evidence is not enough para maniwala ako. Baka mamaya kabarkada mo lang to.'' -Leo
''Fine! Next week.. Magkita tayo ulet! Nasasayang ang panahon ko sayo! Kung kailangang ipakilala ko siya sa'yo gagawin ko ng tigilan mo ako.'' naiinis kong sagot.
He smirk. yan ang ayokong ginagawa niya eh. Nakakainis. Nang-iinis talaga!
''Ang daya mo naman bat kumain ka na? Ililibre pa naman kita sana. Ayaw mo ba akong kasabay?'' -Leo
''AYOKO! Nawalan na ako ng gana, magkita nalang tayo next week with my BOYFRIEND!''
''sige with your "BOYFRIEND". Hahaha!'' -Leo
Umalis na ako ng resto dahil ayoko siyang makita. Sobrang hindi ako makahinga sa kayabangan niya. Napaka demanding! Hmpf! Sana tigilan niya ako kapag nakausap na niya si Edward. Sana gumana ang plano ko.
Edward's POV
Ang sarap ng buhay dahil nandito na ulet akong Manila!! Tapos na kasi ang gawain ko sa Pacific Place eh. Ok na at nag-uumpisa na ang construction. Si Julz ang pinamahala ko dahil siya naman ang nakakaalam ng gusto kong mangyari.. Ang sarap talagang matulog sa sarili mong higaan! ;)))))))))))) Sobrang na miss ko to! Madalaw nga si Chloe mamaya pagkakain ko ng breakfast.
Tok! Tok! Tok!
''Mi! Pasok, bukas yan!'' sigaw ko.
Pagbukas ng pinto..
''Edwaaaaaaaard! ''-Chloe
''Babbbbyyyy! sigaw ko.'' niyakap niya ako ng sobrang higpit at napahiga na rin siya sa kama ko. Hinalikan ko naman ang kanyang noo.

BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Fiksi RemajaLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...