Secret Admirer

199 4 0
                                    

Chloe's POV

Haysssssss! Tapos na ang Christmas break, back to reality, back to school. Ang saya pa naman ng Christmas break ko kasi lagi kong kasama syempre si Edward. Palagi siyang dumadalaw sa amin. Kulang na nga lang sa amin na siya tumira eh. Lagi niya rin akong dinadalan ng breakfast at kung ano-ano pa. Feeling ko tumataba na nga ako eh. Palagi din niya kaming nilalabas ni Jocob, minsan sa park, minsan sa mall. Masasabi kong nagkakilala talaga kami ni Edward ng husto, siy pala yung taong sobrang maalaga, sobrang bait, masayahin siyempre mapagmahal.

Papasok na ako ng room ngayon, ang gara kasi Wednesday ang pasok, sana kasi next week na lang yung pasok. Pagpasok ko ng room agad akong sinalubong ng ngiti ng mga barkada ko. Ewan ko ba, pero kakaiba yung ngiti nila e, hindi yung ngiti na namiss ako. Ano nanaman kaya ang trip ng mga to?

''Mga Poks! I miss you! Kamusta na? :)'' bati ko sa kanila.

Pero walang sumasagot sa kanila, nakangiti lang sila sa akin. May toyo yata itong mga to wah. 

''Anong problema? Nasabugan ba kayo ng paputok nung new year? Ang lalakas ng tama nyo :D.'' - sabi ko.

Paglapit ko sa upuan ko may bouquet na nakalagay sa table ko.

''San galing to?'' tanong ko sa kanila.

''Ayiieeeh! May nanliligaw.. ''- Thine.

''Ha? Kanino ba kasi galing to?'' tanong ko ulit.

''Pagpasok namin nandyan na yan eh.'' - Mitch.

''Baka hindi sa akin to. Hahaha! Baka pinatong lang. :)'' ibinaba ko na lang sa ilalim ng table yung flowers.. Kanino kaya iyon?

''Good Morning Class!''

''Good Morning Ma'am!''

''Kamusta ang vacation?''

''Ok naman po! '' sagot ng klase..

''Before we start.. Ahhh, di pa tapos ang Christmas ni Chloe..'' - Ma'am.

''Ha? Ako po?''

''Yes Chloe, may nagpapabigay sa'yo nito.'' iniabot sa akin ng prof ko ang isang box.

''Ma'am sino po ang may bigay nito?'' tanung ko.

''Ang sabi lang niya. Secret Admirer ka daw niya. ;)''

''Ayiiiiiieeeeeh!'' sigaw ng mga classmates ko. hala, sino ba kasi yon? T.T

''Napaka haba talaga ng hair ng poks na ko!'' panunukso ni Thine.

''Sino ba yun Chloe? Baka kilala mo naman alaga siya?'' - micca

''Hindi eh.. Tsk. ''

''Ano ka ba Micca. Kaya nga SECRET ADMIRER DIBA?'' -Thine

''Sabi ko nga. :P'' - Micca

''Baka si Edward! ''- Thine.

''Ha? Si Edward?'' tanong ko. Pwede rin. :P Pero bakit naman niya gagawin yon? Diba nga nagtapat na siya sa akin. Saka lagi naman kaming magkasama nitong makalipas na araw. Binuksan ko yung box. Ang laman ay kwintas na may pendant na heart.

Makalipas ang tatlong oras natapos din ang klase. Napagpasyahan naming magkakabarkada na tumambay muna sa park. Nakita kong papalapit sa amin si Edward. Agad naman siyang tinawag ni Thine.

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon