Edward's POV
June 17 ngayon birthday ko! :D Bale nag-out na ako sa work para sunduin si Chloe sa school. Sa office, hindi ko sinasabing birthday ko baka magastusan pa ako saka di ko masusundo si Chloe siya nalang ang mailibre. Alam kaya niya na birthdaya ko? Hmmmm? Nagpark na ako sa may school, sa tapat ng building ng college nila Chloe. Pagka park, sinundo ko si Chloe para agad na kaming makaalis. Wala daw siya doon sabi ng iba niyang classmates. Saan kaya nagpunta yun? Sa lovers ko nanaisipang dumaan papunta sa mini forest, baka kasi nandoon siya. Bago pa man ako makarating sa may lovers lane nakita ko na siya kasama si Leo, parang may pinag-uusapan. Hindi muna ako lumapit sa kanila kasi baka makaistorbo ako at mukang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nagulat ako ng biglang yakapin ni Leo si Chloe at yumakap din naman si Chloe. Ang sakit sa damdamin na makita mo yung taong mahal mo na may kayakap na iba ang masakit pa ay nakangiti si Chloe na parang masaya. Kinuha ko yung phone ko at vinideo sila. Ang mas kinainis ko ay ng biglang halikan ni Leo ang noo ni Chloe. Hindi ko na makaya ang tagpo kaya naisipan kong bumalik na lang sa kotse. Ang sakit ang hirap.
After mga 10 minutes dumating si Chloe sa kotse at sumakay.
''Hi baby! Ang aga mo ahh..'' hindi ako sumagot at pinaandar ko nalang yung kotse.
''Edward may problema ba?'' tanong niya.
''Wala. :D'' nakangiti kong sagot.
''Saan tayo pupunta?'' -Chloe
''Ililibre kita, NAPASAYA mo kasi ako ngayon eh. :3''
Ha? Talaga? Tinotoyo ka nanaman! hahaha!. kung alam mo lang Chloe, kung alam mo lang ang tunay kong nararamdaman. Patuloy lang akong nagdra-drive habang nagkukwento siya ng mga nagyari sa kanya ng buong maghapon. Hindi ko iniintindi yung mga sinasabi niya kasi pakiramdam ko sarado yung isip ko ngayon para sa kanya. Napansin din siguro niya hindi na ako nakikinig kaya tumigil na siya sa pagkukwento. Pagkap-park namin sa mall, pumasok na agad kami at pumunta sa seafood restaurant. Naupo muna kami para maghintay ng waiter para sa aming order.
''Edward, ang tahimik mo! Nakakapanibago ka! haha!'' -Chloe. ngumiti lang ako sa kanya.
''Sir Ma'am Menu po.'' -Waitress
Namili na ako ng oorderin, soup, pansit at kung anno-ano ang inorder ko.
''Edward, ang dami mo namang inorder! Anong meron? Sumweldo ka na ba?'' -Chloe.
Fuck! Hindi niya nga alam na birthday ko.
''Wala lang, gusto ko lang magcelebrate kasi ang SAYA ko maghapon. :D''
''Bakit naman?'' -Chloe
''Sobra mo kong napasaya Chloe, SOBRA! :D''
''Ha? wala naman akong ginagawang ikasasaya mo. hahaha! Ano ba yun?'' -Chloe
''Wala, basta, just eat. ''sagot ko, nagfocus na siya sa pagkain at ganon din naman ako.
''Edward, tingnan mo yung couple oh! Ang cute nila. :D'' nakita ko yung couple na sumaayaw sa stage habang vinivideohan. Ang saya nga nila pero nagfocus na lang ulit ako sa pagkain.
''Edward, may problema ka ba? Ang tahimik mo kasi eh, hindi ako sanay.'' -Chloe.
''Walang problema. Kain ka lang. :D''
''Ahhhh, wait may papakita rin ako sa'yong cute couple.'' nilabas ko yung cellphone ko at iniabot sa kanya.
''Play the video. Ang cute at sobrang saya ng couple na yan. I wish ganyan tayo araw-araw.'' nakangiti kong sabi sa kanya.
''Edward! Sor...'' bago pa man siya makapagsalita:
''Don't explain.. You made my day! It's ok. :D''
''No! I can feel na hindi ok sa'yo. Please let me explain.'' -Chloe
''No! Just Eat!'' medyo galit kong pagkakasabi. Itinuloy lang niya yung pagkain at medyo tahimik. Ibinalik din niya yung phone ko at binura na yung video. Hindi na niya inubos yung kinakain niya at inilabas yung phone niya.
''Edward....'' -Chloe
''What?'' tanong ko sa kanya ng hindi nakatingin.
''Sorry nakalimutan ko Birthday mo pala ngayon.'' -Chloe
Bigla akong tumayo at umalis para bayaran yung pagkain. Nawalan na ako ng gana. Anong klaseng! Hmpf! Ewan ko! Pagkabayad ko lumapit ako sa kanya:
Pagkaubos mo niyan sumunod ka na lang sa kotse, mauna na ako doon. sabi ko sa kanya. halatang gulat siya sa nagyari. Umalis na ako pero sumunod siya sa akin. Hindi siya sumabay siguro natatakot. Pasensya na, wala talaga ako sa mood ngayon. Sobrang na surprise niya ako! Pagdating ko sa kotse, padabog kong binuksa yung pinto at padabog ding isinara. Inis na inis ako sa kanya. Ayoko naman siyang kausapin kasi baka masigawan ko lang siya. Sumakay na rin siya at hindi tumitingin sa akin.
''Sorry!'' iyon lang ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagda-drive. Narinig kong nag-uumpisa na siyang umiyak. Fuck! Ayokong marinig siyang umiyak. Weakness ko to kaya binuksan ko yung radyo ng malakas.
Pagdating sa harap ng gate nila hindi ko siya pinagbuksan ng pinto pero hindi pa rin siya bumababa.
''Edward, sorry! Let me explain kasi!'' -Chloe
''Huwag mo muna akong kausapin ngayon. Sarado ang isip ko para makinig sa explanation mo. Baka mamali pa ang intindi ko sa expanation mo.'' -Edward
''Sorry talaga! Sorry..'' saka niya ako niyakap. Pagkayakap niya ay bumaba na siya ng kotse. Pinaandar ko na yung kotse at umalis. Tinitingnan ko yung side mirror para makita siya tinitingnan niya ang kotse ko hanggang sa pag-alis. Umiiyak siya..
''Sorry Chloe'', iyon na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Di ko na rin napigilan ang umiyak dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Teen FictionLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...