Formula # 1: Meet you

385 11 2
                                    

Edward's POV

One week ng nakakalipas ng nagsimula ang klase, this week ganon pa rin wala paring klase dahil foundation week ng university na pinapasukan ko ang Villavicencio University. Nandito ako ngayon sa gym, medyo nagpapapawis at paghahanda na rin kasi sinali ako ng magaling kong prof sa Mr. and Ms University. Mamaya na rin kasi ang coronation night kaya kailangang maghanda ako mentally at physically.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Edward Heraldez isang 4th year architecture student. Oo, gragraduate na ako ng college at syempre masaya ako dahil makakatapos na ko ng pag-aaral. Pwede na kong mag girlfriend. Hahaha! Gusto ko kasi unahin ang pag-aaral ko at naisip ko na pagka-graduate nalang ako hahanap ng karelasyon. Nagka-girlfriend na ko kaya lang di maganda ang memories ko sa babaing yon, ahhhhh kasi, basta wag na nating pag-usapan. Simula nung nakipag break ako sa kanya hindi ko na naisip yung makipagrelasyon dahil ayoko ng maulit yung pangyayari na yon kaya nagtuon nalang ako sa pag-aaral.

Sige na nga ikukwento ko na. 4th year highschool ako noon ng makarelasyon ko si Denice siyempre lahat ng bagay na ikasasaya niya binibigay ko. Palagi kaming magkasama kulang na nga lang sa bahay nila ako tumira kasi halos araw araw nasa kanila ako. Mabait naman siya, sinusuklian naman niya yung pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. Naging mabuting boyfriend ako, mabait, maunawain at sobrang luwag ko sa kanya yung tipong kapagnagpaalam siya sa akin na aalis siya kasama yung mga kaibigan niya ok lang kahit yung iba doon lalaki. Iyon siguro yung pagkakamali ko na nagging maluwag ako sa kanya. Dahil doon sa di inaasahang pangyayari nakita ko siya na may kasamang iba. Doon nagsimula ang pagkalabo ng aming relasyon at nagkaroon pa ako lalo ng matibay na dahilan para hiwalayan siya kasi umamin siya na boyfriend din niya iyon. Nag-sorry siya sa akin syempre masakit. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya, dumating din sa poin na gusto niyang ibalik kung ano mang mayroon kami pero ayoko na. Sayang lang ang lahat ng ginawa ko para sa kanya. Kaya simula noon di na nasundan o di na ako humanap ng girlfriend.

Ayan nakwento ko na. So balik na tayo sa present. Pabalik na ako sa bahay para magshower muna bago pumasok. Mag-aayos na rin ako ng mga damit na gagamitin sa pageant. Heto, medyo kabado dahil first time kong sumali sa ganitong contest.

Chloe POV

"Yes! Tapos na rin ang klase sa programming! Sobrang hirap naman ng pinagawa ni sir na application." Reklamo ni Mitch.

"Nako poks buti kamo open notes yung activity kung hindi mangingitlog nanaman ang manok. Hahaha!" Sagot ko naman.

"Chloe, Mitch nood tayo ng pageant mamayang 1pm sa activity center." Aya ni Thine.

"Nako! Magbo-boys hunting ka lang dun poks eh." Sabi ni mitch.

"Pwede rin!" Biro ni Thine sabay tawa naming.

"Nako basta ako maghahahnap talaga.." sabi ni Micca.

"Susumbong kita kay Evan. Nakow!" Sabi ko naman.

"Maghahanap ako para sa’yo! Patapusin mo muna kasi ako." Sagot naman ni Micca.

"Ayun naman ehh.. Hahaha!" Biro ni Thine.

"Nako tama na nga yan ako nanaman ang nakita nyo we.." sagot ko na may halong pagkaasar.

"Binibiro lang ehh.." sabi ni Thine.

"Thine, tara hanap na tayo ng pwesto tiyak marami nang pupuntang tao sa Activity Center." Aya ni Micca.

"Osige tara!" sabi ni Thine.

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon