Pagkatapos ng mga pangyayari agad akong pumunta sa bahay nila Edward para icheck kun nandoon siya. Ilang oras din akong naghintay para kausapin siya, parahumingi ng sorry at para tulungan siya sa gusot na ginawa ko. Gusto kong samahan at tulungan siyang maayos ang nasira kong relasyon nila ni Chloe. Pinagsisisihan ko an lahat ng ginawa ko kasi pakiramdam ko napakasama ko na lalo na kay Chloe. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. Ilang oras na rin akong naghihintay, pasado alas dose na pero wala pa rin siya. Naisipan kong umalis na at bukas na lang ulit siya balikan. Agad akong sumakay ng kotse para umuwi. Medyo umuulan pa at baka mapahamak ako kung hindi pa ako uuwi. Habang pinapaandar ko ang kotse ko, nakita ko ang sasakan ni Edward na nakapark sa isang bahay malapit sa main gait ng subdivision kaya kaagad akong pumunta doon. Nakita ko siyang nakahandusay sa kalye at walang malay. Panay dugo din ang kanyang kamay...
''Edward... gising!''
''Chloe....'' ang tanging salitang lumabas sa kanyang bibig. Dali-dali ko siyang hinila papunta sa kotse ko para dalhin siya sa ospital. Medyo nahirapan ako dahil ang bigat niya. Pagkasakay sa kotse agad kong hinarurot ang sasakyan dahil kinakabahan ako baka kung anong mangyari kay Edward. Pagdating namin sa hospital agad siyang dinala sa emergenc room. Kinuha ko yung cellphone niya sa bulsa para matawagan ang kanyang pamilya..
''Hello?! Tita? Si Denice po ito.. Nasa hospital po si Edward...''
''Anong nangyari?'' -Tita
''Mahaba pong kwento.. Pwede po bang pumunta kayo dito?'' nanginginig kong salita
Kinabukasan........
Nandito ako ngayon sa bahay hindi ako makatulog dahil sa mga nagyari. Gusto kong puntahan si Chloe para humingi sa kanya ng tawad. Pakiramdam ko kasi galit ang mundo sa akin. Kailangan kong puntahan si Chloe.. Kailangan ko siyang makausap.. Agad akong nagbihis at umakay ng kotse papunta kina Chloe. Bahala na, tatanggapin ko lahat ng masakit na sasabihin niya kasi alam ko ang araramdaman niya ngayon. Wala akong pakialam kung sampalin niya ako mapatawad man lang niya ako. Bumaba na agad ako ng sasakyan at nagdoorbell.
''Sino yan?'' tanong ng isang babae.
''Nandyan po ba si Chloe?'' tanung ko..
''Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?''
''Kailangan ko po siyang makausap. Ako po ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya. Gusto ko lang pong humingi ng sorry..'' nag-umpisa nang tumulo ang luha ko..
''Tara, pasok ka.. Ako nga pala ang Mommy ni Chloe. Hindi pa siya lumalabas ng kwarto. Wala din naman akong alam sa nangyari. Ang sinabi lang ni Chloe sa akin ay wala na sila ni Edward. ''
Chloe's POV
Hanggang ngayon nakikita ko pa sa aking isip kung paano ako sinaktan ni Edward. Kung paano ako nasaktan dahil sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang halikan ni Denice at Edward. Ang sakit... wala ng saakit pa... Hindi ko mapigilang umagos ng luha ko. Hanggang dito na lang ba ang relasyon namin ni Edward. Hindi ko kaya.. hindi ko kayang i-give up si Edward, ang mga ala-ala namin. Tinapos ko na nga pala ang relasyon namin kagabi..... Ang bigat sa kalooban na nasabi ko yon sa kanya. Hirap na hirap din siyang tanggapin.. Nasaan na kaya siya? Ayokong maisip na kasama niya ngayon si Denice pero iyon ang pumapasok sa isip ko ehh.. Mahal na mahal pa rin kita Edward..
Tok! Tok!Tok! Agad kong pinahiran ang luha ko.
''Pasok.''. pagbukas ng pinto.
''Denice? Anong ginagawa mo dito?!'' pagalit kong sagi..
''Chloe! Sorry!'' bigla siyang umiyak at lumapit sa akin.
''Bakit ba? Ayaw kitang makita! Naalala ko lang ang lahat! Ano ba ang gusto mo? Ipinapamukha mo ba sa akin na ikaw ang nanalo?!'' sabi ko sa kanya. Umiling lang siya..
''Chloe! Kasalanan ko kung bakit kayo magkaaway ni Eward ngayon. Gusto ko lang ayusin ang lahat gulong ginawa ko..'' -Denice
''Wala na Denice. Wala na sa akin si Edward. Pinakawalan ko na siya..''
''No! Huwag! Please.. huwag mong hayaang matapos kayo sa ganito.. ''-Denice
''Ano bang gusto mong mangyari?''
''Balikan mo siya! Please!'' -Denice..
''Bakit sinasabi mo sa akin to? Diba mahal mo si Edward?''
''Hindi na.. Kaibigan ko na lang ang tingin ko sa kanya since nug nasa college pa kami. Nung huli nating pagkikita. Chloe! Sorry din sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Napakasama kong tao dahil naawa kitang ipahamak noon. Ngayon naman nalaatan ko ang relasyon ninyo ni Edward. Ang laat ng nakita mo kahapon ay di totoo. Humingi lang ako ng favor kay Edward na magpanggap na girfriend niya para tigilan na ako ni Leo.. Chloe mahal na mahal ka ni Edward. Ayos lang.. ayos lang na.... na hindi mo ako mapatawad basta balikan mo si Edward. Please.... Chloe.....'' pagmamakaawa ni Denice..
Denice ayoko ng masaktan. Ayoko na...
''Ganoon mo nalang ba kadali i-give up si Edward. Sayang ang pinagsamahan nyo. Sayang Chloe. Napakabait na tao ni Edward....Chloe.... ''hindi ko na siya sinagot dahil nahihirapan na akong magdesisyon.
''Chloe listen to me.. Ito na lang ang huling paraan para balikan mo siEdward... Si Edward.... si Edward nasa hospital. Hindi pa siya nagigising sobrang hirap siyang huminga.. ''-Denice
''WHAT? Anong nangyari?! Sabihin mo Denice!''
''Nadaanan ko siya sa tapat ng bahay mo kagabi.. Nakahandusay.. Puro dugo ang kamay niya at mayroon din sa bibig.. kaya dinala ko siya sa hospital ng gabing iyo..'' -Denice
''Sa kanya ang mga dugong nakita ko kagabi?...'' bumalik sa alaala ko ang nakita ko kagabi. Nandoon pa siya ng nagising ako pero nung bumaba na ako para papasukin sana siya.. wala na.. Tanging mga dugo na lang sa sahig ang naroroon. Kasalanan ko.. kasalanan ko kung bakt nahihirapan si Edward ngayon..
''Denice isama mo ako sa kanya ngayon.. Gusto ko siyang makita.''. Edward! Sorry! Intayin mo ako.. pupuntahan kita..
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Teen FictionLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...