Sorry

111 1 0
                                    

Chloe's POV

Ilang araw makalipas ng ma-stranded kami ni Edward. Hindi siya nagpapakita sa akin. Hindi na rin niya ako sinusundo sa school kapag uwian ko na pero tinetext naman niya ako na hindi siya makakarating. Sinabi ko rin kay Mommy ang lahat ng nangyari. Ok lang daw na bigyan ko muna ng space si Edward ara makapag-isip. Pero gaano katagal? Sobrang miss ko na siya. Gusto ko sana siyang puntahan sa bahay pero baka hindi niya ako labasin. Handa naman akong magpaliwanag sa kanya eh. Natatakot ako, natatakot akong mawala siya sa akin. Naisipan kong i-call siya. Saturday naman ngayon kaya tiyak na nasa bahay siya.

Ring.... Ring.... Ring... hindi niya sinasagot yung call ko.. :(

''Hello? Chloe?'' -Mommy ni Edward.

''Mommy, nandyaan po ba si Edward?'' Pwede po ba siyang makausap? tanong ko.

''Sorry pero....... tulog siya ehhh'' - Mommy ni Edward.

''Ahhh, ganun po ba? Pwede ko po na siyang puntahan sa inyo?''

''Wala kami sa bahay eh.. Sige  na... Sasabihin ko na nga. Ayaw kasi niyang pasabi sa'yo eh..'' -Mommy ni Edward.

''Ano po yun?'' tanong ko..

''Nasa ospital kasi si Edward eh. Three days na siyang nasa ospital.'' -Mommy ni Edward.

''Bakit po?'' pag-aalala ko.

''Nung umuwi siya s bahay bigla nalang siyang natumba. Nung na stranded kayo. Ang taas ng lagnat niya eh. Pero ngayon medyo ok na siya. Minomonitor na lang yung temperature niya. Pabagobago kasi eh..'' paliwanag ng Mommy ni Edward.

''Sige po! Punta po ako. Ano hospital po ba?''

''The Asian Health Hospital anak.. Sige.. See you!'' -Mommy ni Edward

Agad akong nagbihis para pumunta sa Hospital. Nagpaalam na din ako kay Mommy pinayagan naman ako. Ang daya talaga ni Edward! Hmpf! Pagdating ko sa hospital nagtanong agad ako.

''Excuse me.. Saan po yung room ni Edward Heraldez?''

''Check ko lang po Ma'am..'' -Nurse

''Sige po.'' ano na kaya ang lagay niya?

''Ma'am AHH-1121 po ang room ni Mr.Heraldez'' -Nurse

''Thank you po!'' agad akong pumunta sa room ni Edward. Sumakay ako ng elevator 5th floor kasi eh.Habang nakasakay ako ng elevator kung ano-ano ang naisip ko. Baka mamaya magalit sa akin si Edward at hindi niya ako pansinin. Sana naman ok lang siya. Ayaw niya sigurong mag-alala pa ako kaya di niya sinabi. Siyempre, girlfriend niya ako hindi ko maiiwasan yun. Pagbukas ng elevator nakita ko agad yung room niya kaya dali-dali na akong pumunta sa tapat ng pinto.

''Tok! Tok!'' bumukas naman agad yung pinto.

''Mommy!'' sabay mano ko sa Mommy ni Edward.

''Kamusta na po siya?''

''Medyo tumaas na naman yung temperature niya eh. Saka bumalik yung asthma niya. Akala ko gumalig na siya sa asthma eh. Last siyang sinumpong eh nung bata pa siya.'' -Mommy.

Lumapit ako sa kanya. Natutulog siya. Halatang medyo pumayat siya. Hindi ko maiwasang maiyak dahil naawa ako sa kanya. Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan. Hinigpitan naman niya yung pagkakahawak sa kamay ko.

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon