A day with Her

183 6 0
                                    

Edward's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Chloe. Nakakatuwa kasi gusto ako ng Kapatid niyang si Jocob. Mahilig din ako sa bata kasi wala akong kapatid solong anak ang ako. Ang cool din naman ng Mommy ni Chloe at ang masaya gusto niya rin ako. Sabi pa nga niya ok lang na ligawan ko si Chloe eh. Sobra naman akong natuwa nung narinig ko yun. Sa ngayon nandito kami sa sala nila Chlo at pinapanood yung video nung song na sasayawin namin. Medyo sexy nga yung kanta at di ko alam kung paano ko to sasayawin feeling ko masyadong pambabae yung kanta. Bahala na nga.

'' Nakaisip ka na ba ng gagawin?''

''Hindi pa nga eh. Di ko pa alam gagawin. Ang sama naman kasi ni sir bat nilagay tong kantang to.'' T.T

''Kaya natin yan. hehe! Sample nga.''

''Ha? Hala nakakahiya! Wala pa akong step.'' (#0.0#)

''Hahaha! sige bahala ka na sa step ha.. Di talaga ako sumasayaw.''

''O sige. Kain muna tayo ng lunch medyo tanghali na rin ehh.. Wait lang ha maghahanda lang ako.''

''O sige.''

Habang naghahanda si Chloe sa kusina tiningnan ko muna yung photo album na nakadisplay. Ang cute pala niya nung bata siya. Nakakatuwa kasi karamihan sa picture niya nung bata siya umiiyak. Hehe! Halata naman na magigng maganda siya kasi bata pa lang maganda na siya.

''Edward! (#o.o#) kyaaa! Wag yan!''

''Bakit, tinitingnan ko lang naman eh. Ang cute mo naman nung bata ka.''

''Ang pangit ko kaya dito puro umiiyak. :3''

''Ang cute nga eh..''

''Tara kain muna tayo.'' Aya niya sa akin. sumunod naman ako sa kanya papunta sa may kusina.

''Kain ka lang ha. Huwag ka nang mahiya.''

Habang kumakain kinausap ko siya.

''Chloe, may nanliigaw ba sa'yo?''

''Bakit mo naman natanong?''

''Wala lang. Hehe! Ang ganda-ganda mo kasi tapos wala kang bf. Saka parang ok sa Mommy mo na may bf ka eh.''''

''Dati, mayroon pero ayoko pa eh.''

''Bakit naman?''

''Siguro after ko nalang mag-aral.''

''Eh ikaw ba?'' tanong niya sa akin.

''Wala eh, nung 4th year highchool ako pero nakipag-break ako.''

''Ha? Bakit naman?''

''Mahabang kwento Chloe e.''

''Baka may iba ka. HAHAHA!'' biro niya

''Oo eh, ikaw! hahaha!'' halata namang nahiya siya at medo nag-blush. Ang cute niya kapag nag-blu-blush siya.

''Joke lang. :D'' sabi ko.'' Kain na tayo.'' aya ko sa kanya.

''Ang sarap naman ng luto ni Mommy mo.''

''Nako sobrang galing magluto nun kaya feeling ko tumataba na nga ako eh.''

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon