First Job

131 2 0
                                    

Edward's POV

May 1 ngayon at bukas yung 1st Monthsary namin ni Chloe. Naglalakad ako sa Boulevard St. para maghanap ng trabaho. Ayoko namang habambuhay tambay sa bahay. Inoferan na ako ni Daddy ng trabaho sa kompanya niya pero ayoko kasi hindi naman related sa course ko. Nagpunta ako sa isang pinaka sikat na kompanya sa Pilipinas na may kinalaman sa architectures ang Magis Corporation. Mahirap daw makalusot sa kompanya na ito kasi yung mga classmates ko hindi nakapasa kaya eto, kabado. Syempre bakit di ko subukan, malay mo may himala. :D

''Good Morning po! Saan po pwedeng pumunta yung applicant?'' tanong ko sa guard.

''Sa 21st floor po.. Pirma po kayo dito for Security.'' pagkapirma ko agad akong pumasok sa building para sumakay ng elevator. Ramdam ko yung pressure kasi lahat ng tao dito professional saka mga seryoso. Pgdating ko sa 21st floor open are yung lugar, hindi mo aakalaing nasa building ka, parang park yung dating niya pero modern yung style.

''Excuse me sir! Applicant?'' -tanong ng clerk sa akin.

''Yes po!''

''Sunod na lang po kayo sa akin.'' -Clerk

Sumunod ako sa kanya at nakita ko yung room kung saan nag-eexam yung mga applicants.

''Sir, paki bigan po sakin yung resume ninyo para maiforward ko sa HR.'' iniabot ko yung resume ko.

Mga 5 minutes bago makabalik yung clerk.

''Sir, wala po si HR may meeting daw po eh, balik na lang daw po kayo bukas...'' -Clerk

''Ems! kay GM mo na daw ibigay yung Resume kung may applicant.'' -sabi nung isang lalaking empleyado rin siguro.

 '' Wait lang po sir, kay GM ko po ipapasa yung resume mo. ''-Clerk.

Ang tagal bago bumalik nung kausap ko, medyo nakakainip din pero ok lang kasi nalilibang ako sa ganda ng lugar.

''Sir! You're hired na daw po. :)'' nakangiting sabi nung clerk.

''What? Sigurado ka ba? Pano nangyari yun e indi pa ako nag-eexam?'' gulat kong sabi.

''GM told me na sabihin sa'yo na mag-start na daw po kayo tomorrow. Sa kanya daw po kayo magreport for the interview. Iyon po yung bilin sa akin.''

''Sige. Thank you! :D''

''Mauna na po ako.. Congrats po!''

Wow! Hanggang ngayon narito ako sa taxi hindi pa rin ako makapaniwalang hired na ako ganong kabilis! Yes! Kaya lang needkong magreport tomorrow eh 1st monthsary pa naman namin ni Chloe. Ano kaya ang gagawin ko? Nasira tuloy yung plano ko! Sasabihin ko nalang din sa kanya.

''Mommy! May trabaho na ako! :D '' bungad ko kay Mommy.

''Wow! Ang bilis naman ahhh.. Anong kompanya?'' tanong ni Mommy.

''Magis po! ''

''Sikat yun ah, tapos ang bilis mong na hired! Congrats anak! Alam na ba ni Chloe?''

''Hindi pa po eh, text ko po!'' agad naman akong pumunta sa kwarto para magbihis. Tinext ko na rin si Chloe sa magandang balita.

Message: ''Chloe! Hello! May trabaho na ako! :D''

Chloe:'' Wow! The best talaga ang baby ko!''

Message: ''Pano yung Monthsary natin bukas? Nid kong magreport sa office eh.. Di tayo makakapag-celebrate. :(''

Formula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon