Pagpasok namin ni Denice ng hospital agad kaming pumunta sa kwarto ni Edward. Nandoon ang Mommy ni Edward. Hindi ko na napigilan ang umiyak at agad kong niyakap ang Mommy niya.
''Mommy sorry po... kasalanan ko po! Sorry po talaga..''
''Chloe huwag mong sisihin ang sarili mo. It's ok..'' -Mommy ni Edward
''Kamusta na po siya?'' tanung ko habang pinapahiran ang mga luha ko.
''He's fine.. Unlike kahapon sobra siyang nahihirapang huminga. Stress daw sabi ng Doctor.. Mayroon siyang pulmonary infection at nagkaroon din ng komplikasyon ang lungs niya... Sumabay pa ang asthma niya kaya siguro nagkaganoon. Medyo may blood yung ubo niya..'' -Mommy ni Edward
''Gumising na po ba siya?''
''Kaninang umaga nagising na siya.. Tapos maghapon ng natulog. Parati ka niyang hinahanap eh. Iyak siya ng iyak kanina, sinubukan a niyang lumakad pero hindi niya nagawa dahil sumakit yung dibdib niya. Gusto ka daw niyang makausap... ''-Mommy ni Edward
''Kasalanan ko to eh.. :('' malungkot kong sabi. Lumapit ako kay edward may nakalagay pang oxygen sa ilong niya. Namamaga din yung mata niya at may bahid pa ng dugo ang mga ilong niya. Niyakap ko siya at nag0umpisa nanamang tumulo yung luha ko. Nakatingin ako sa mukha niya ngayon. Nakakakonsyensya na iniwan ko siya kagabi sa labas habang alakas ang ulan. Ang sakit sa loob ko na nahihirapan siya ngayon. Ayoko siyang abalahin ng makapagpahinga siya. Ang gusto ko lang gawin ay yakapin siya. Naalala ko lahat ng nangari kung bakit siya nagkaganito.. Ayoko ng isip yon. Ayoko ng magalit. Hindi ko na kaya.. Ang gusto ko lang ay makasama si Edward.. Lumabas ang Mommy ni Edward at si Denice. Hinayaan niya akong makasama si Edward.. ng kami lang dalawa. Nagising siya at umubo ng umubo sobrang nahihirapan siya ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko.
''Edward... ok ka lang ba? ha?''
''Chloe...'' bigla niya akong niyakap at umiyak siya. Sobra siyang nahihirapan kasi umiiyak siya kasabay ng kanyang pag-ubo.
''Edward huwag ka ng umiyak. Nahihirapan ka...''
''Mahal kita! Mahal na mahal kita! Huwag mo akong iiwan ha? Chloe pleaseee...'' -Edward
''Oo edward hindi kita iiwan. Tahan ka na..''. hindi ko na mapigilang umiyan.
Kumalas ako sa pagkakayakap para tingnan ang mukha niya. May mga dugo ang labi niya kaya agad ko itong pinahiran. Sobrang nahihirapan siya.. Nakatingin lang siya sa mukha ko habang tumutulo ang luha..
''Huwag...mo akong... iwan ha! Dito ka lang sa tabi ko... ''-Edward
''Hindi kita iiwan... pangako...'' hinalikan ko yug noo niya..
''Higa ka na.. Pahinga ka ha! Palakas ka... kapag malakas ka na punta tayo sa farm nyo ha.. pagluto mo ako.. :)'' nakangiti kong sabi sa kanya.. Ngumiti lang siya at nag thumbs-up. Pagkahiga niya ay niyakap niya ako habang nakapatong ang ulo ko sa may braso niya. Agad naman siyang nakatulong.. Binantayan ko lang siya maghapon hindi rin kami ganong makapag-usap dahil maghapon siyang tulog. Sana gumaling ka na.. Miss na miss ko na yung dati nating samahan.. yung pangungulit mo..Edward, pangako hinding hindi na kita iiwan. Palagi na kitang aalagaan. Promise ko yan.. Nakatulog na rin ako dahil sa sobrang antok. Hindi kasi ako nakatulog magdamag eh. Atleast ngayon panatag na ako dahil kasama ko si Edward at mabuti naman ang kalagayan niya.
Pagkagising ko nagulat ako kasi nakahiga na rin ako sa higaan ni Edward pero wala siya doon. Agad akong tumayo para hanapin siya.. Nakita ko yung Mommy niya sabay sabing nasa CR lang daw. Inintay ko siyang makalabas para alalayan..
''Gising ka na pala...'' sabi niya.. mas ok na yung itsura niya kaysa sa kanina. Inalalayan ko siya papunta sa higaan..
''Hiniga nga pala kita kanina sa tabi ko. nahihirapan ka kasi eh..'' nakangiting sabi ni Edward.
''Sira ka mamayya mabinat ka.. O kung mapano ka.. Huwag mo munang pwersahin yung sarili mo. Mahina ka pa...''
''Lumakas na kaya ako kasi nandito ka na sa tabi ko.. niyakap niya ako ng mahigpit habang nakaupo siya sa kanyang kama..'' Pagkatapos noon ay humiga siya..
''Tabihan mo ko pleaseee..'' sabay pout niya.. makulit pa rin tong si Edward kahit may sakit na. xD
''Sige. :).'' agad akong tumabi sa kanya. Yakap niya ako habang nakatalikod siya sa akin. Bigla niyang inalis yung kamay niya at parang may kinukuha... May dinikit siyang sticky note sa noo ko.. may nakalagay na..
''Sorry.. :'( Ang bad ko sa'yo. T.T..'' Humarap ako sa kanya..
''Ok na! Bati na tayo.. :) ''sabi ko..
''Talaga? :D''
''Oo. :D Sorry din ha kasi dahil sa akin nasa ospital ka ngayon.. :(''
''Ok lang.. wala yun. Ang importante kasama na kita.. :D ''-Edward
''Sorry talaga ha! I love you!'' -Edward.
''Hinding hindi na kita aawayin kasi kapag nag-aaway tayo nagkakasakit ka!''
''Ako kaya nang-aaway sa'yo. :P'' -Edward
''I love you..'' saka ko siya hinalikan sa labi..
''Pahinga ka ha! Dapat bukas uuwi na tayo. ''
''Sige :D ''bigla siyang pumikit at naghilik-hilikan.
''Pasaway neto! Hahaha!'' kiniliti ko siya at bigla siyang natawa. Sunod sunod ulit ang pag-ubo niya.
''Naku sorry! xD'' hinagod ko yung likod niya at niyakap siya..
''Chloe... Edward... si Denice..''
''O Denice..'' sabi ko sa kanya..
''Nandito ako para humingi ng sorry sa inyo.. hindi pala sorry lang sorries lalo na sa'yo Chloe. Ang sama-sama ko sa'yo simula pa lang ng magkakilala tayo. Sana mapatawa mo ako..'' -Denice..
''Denice, kalimutan na natin ang nangyari.. Ok lang.. tatanggapin ko yung sorry mo.. Friends? :)'' sabay abot ng kamay ko.
''Thank you Chloe ha! THank you talaga!! Salamat! Edward sorry ha! Ginawa ko pang komplikado yung buhay mo..'' -Denice
''Sabi nga ni Chloe kalimutan mo na yun. Friends tayo diba? :D Huwag mo nang alalahanin.. ;)''
''Thank you din Edward! Ahhh... i need to go na rin kasi pinababalik na ako sa kompanya. Ang dami ko ring trabaho eh. Kapag gawa na yung pacific magic punta kayo ni Chloe ha! Kayo ang magri-ribbon cut..:)'' -Denice
''Oo ba! Ingat ka ha!'' -Edward
''Denise sana makatagpo ka na rin ng magmamahal sa iyo para kapag nagkitakita ulet tayo double date ha! hahaha!''
''Sana Chloe. :)'' -Denice
''Nandoon si Julz libre yun..'' biro ni Edward at nagtawanan kami..
''Sige na ha! I need to go na talaga. Sobrang late ko na.. Kita tayo sa pacific magic ha!'' -Denice
Niyakap ko siya. Sa wakas tapos na rin ang di maganda naming nakaraan ni Denice. Umalis na siya at naiwan kami.. Mga three days pang nag-stay si Edward sa hospital ako na ang nag-aalaga sa kanya. Halos dito na ako nakatira sa hositaal. Pag-uwi naman ni Edward sa bahay palagi ko siyang pinupuntahan. Lagi ko siyang dinadalan ng breakfast bago ako pumasok sa school. Naka-recover na rin siya. Bumalik na rin ang kaharutan ng lalaki na to. Iyon yung sobra kong na miss sa kanya. Sana wala na kaming pagdaanan na mabigat na problema sana.. :)
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Novela JuvenilLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...