Mitch POV
Monday ngayon at huling Linggo na ng aming klase for this year! Yes! hahaha! Makakapagpahinga din sa wakas! Kasama ko ngayon si Poks Chloe papunta sa canteen kasi break namin ng one hour. Sila Thine at Micca naman ay lumabas ng campus kasama ang kanilang one and only. Yung one ang only ko naman, ayun nagdodoto. Haisst! Sa barkada si Chloe ang lagi kong kasama kasi since elementary friend ko na siya. Napakabait niyang kaibigan sa akin, di pa ng akami nag-aaway nito eh. Ayy? Gusto pala? hahaha! Maganda tong kaibigan kong to kaya ang daming nagkakandarapang lalaki diyan ang kaso snob lang siya. Ewan ko ba diyan, yung Mommy na nga niya ang nagtutulak na mag bf na siya pero ayaw niya. Sa panahon ngayon pambihira yun diba, yung nanay pa yung gustong magkabf yung anak niya. Hahaha!
''Mitch ano gusto mong kainin?'' -Chloe.
''Ikaw ba? '' tanong ko.
''May hinahanap ako eh, aam mo ba kung saan nabibili yung cinnamon cupcakes?'' -Chloe.
''Cinnamon cupcakes? May nagbebenta ba dito nun?''
''Oo we! Lagi akong binibili ni Edward nun eh. Ang sarap! :D''
''Masarap lang yon kasi bigay ng special someone mo.'' biro ko.
''Mitch naman. :3''
''Biro lang. hahaha!''
''Mag ice cream nalang tayo! :D'' aya ni Chloe.
''Osige trip ko din.''
Agad kaming bumili ng ice cream. Ang hilig talaga ni Chloe sa matatamis buti na lang hindi siya tumataba. Pagkatapos naming kumain agad na kaming lumabas ng canteen kailangan na kasi naming magmadali baka ma-late kami ng pasok major pa naman ang next.
Paglabas namin ng pinto ng canteen may babaeng humrang sa harap namin.
''Long time no see Ms. Chloe. :)'' nakangiting sabi ng babae.
''Ano nanaman bang kailangan mo?'' inis na sagot ni Chloe.
''Ikaw! Can we talk? Ayan ahh, maayos kitang kinakausap. Baka mamaya "MAGTARAY" ka naman.'' sabi ng babae. Ano kayang meron sa dalawang to? Wala namang nakukwento sa akin si Chloe eh.
''Sorry Denise, may klase pa ako.'' sagot ni Chloe.
''Halika na Mitch.'' Lumakad na kami ni Chloe pero biglang hinawakan ni Denise yung braso ni Chloe ng mahigpit.
''Awtts! Ano ba?'' - Chloe
''Sinabi ng gusto kitang kausapin. Bastos ka rin ehh. ''- Denise.
''Wala nga akong panahon para makipag usap sa'yo diba?'' -Chloe
''Hindi pwede!'' bigla niyang hinila si Chloe. Pinigilan ko siya.
''Ano ba! Wag ka ngang makialam dito! Baka gusto mong madamay sa galit ko sa babaeng to!'' - Denise.
''Bitiwan mo siya, nasasaktan na si Chloe!'' sigaw ko.
Biglang kumalas si Chloe sa pagkakahawak ni Denise.
''Sige na Mitch mauna ka na, ako ng bahala. Kakausapin ko lang to. Hindi ako titigilan nito eh.'' -Chloe.
''Chloe... Hindi pwede. ''
''Sige na Mitch! Ok lang, kaya ko 'to.'' nakangiti niyang sagot.

BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Teen FictionLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...