Edward's POV
Chloe: ''Congrats Edward! Nabalitaan ko kay Daddy na may malaki ka daw na project diyan ah! Nakaka-proud ka naman! :D''
Edward: ''Thank you! Siyempre inspired ako sa'yo! HEHEHE!''
Chloe: ''Miss na kita :( Kelan ka ba uuwi?''
Edward: ''Miss na rin kita ehh.. Baka next week. Tatawagan ulit kita kung sakaing uuwi na ako. Pag uwi ko pasyal tayo ha!''
Chloe: ''Sige ba! Gusto ko sa farm nyo para tayo lang dalawa. Miss ko na yung lugar na yun eh!''
Edward: ''Gusto mo talagang masolo ako no?! Hahaha!''
Chloe: ''Syempre naman! Sakin ka lang pag-uwi mo. hahaha!''
Edward: ''Sige! Hehehe! Chloe off ko na yung phone ko ha! Magreready na ko para sa presentation namin.''
Chloe: ''Sige! Goodluck baby! Galingan mo ha! I love you! Mwuahhhhhhh!''
Edward: ''Thank you! I love you too! Saka na kita iki-kiss pag uwi ko! I love you! Bye!''
Agad na akong nagbihis baka ma late pa ako eh. Syempre big day ko to kaya kailangan handa ako. Si julz kaya nasaan na? Sa office din ako tumutuloy, may kwarto ako dito kaya di ako nag-aalala masyado sa traffic. Ngayon ako kinakabahan kasi matataas na opisyal ng kompanya ang haharapin ko. Sana walang maging abirya o king ano pa man.. Pumunta na ako sa table ko para kuhanin yung plan, yung architectural designs, yung laptop ko for presentation at kung ano-ano pa. Hindi ko mahanap kung nasaan. Alam ko lang ay ipinatong ko dito yun sa mesa ko kagabi eh. Tsk! Hindi pwedeng mawala iyon.
''Good Morning Edward!'' -Julz.
''Julz tinabi mo ba yung mga blueprint natin?'' tanong ko sa kanya.
''O diba ikaw ang nagtabi non?'' -Julz
''Hindi ko mahanap eh! Alam ko dito ko lang nga nilagay sa table yun eh! Tsk, bat ba kasi di ako gumising ng maaga para hanapin yun.''
''Hindi pwedeng mawala yun! Ngayon na tayo magprepresent.. ''-Julz
''Pakihanap na nga muna Julz. Punta lang ako sa room ko baka naibaba ko doon.''
''Sige dre, ako na bahala! '''-Julz
Pumunta ako agad sa kwarto ko para hanapin. Wala! Wala akong nakita. Kayat bumalik ako agad sa office.
''Ano julz nakita mo ba?'' tanong ko.
''Hindi eh! Patay tayo nito..'' -Julz
''Ahhh, kuya may nakita ka bang nakapaong na mga papel na malalaki dito?'' tanong ko sa janitor.
''Kagabi sir nung dumaan ako meron dyan. Punong puno nga po eh.'' -janitor
''Hindi nyo naman po ginalaw o natapon? ''
''Hindi ko po ginalaw yun sir.'' -Janitor
''Sige salamat!''
''Pano na yan Edward?'' -Julz.
''Ako ng bahala.. ''
Pumunta na kami sa office ni Mr. Ting para sa meeting sobrang kinakabahan ako sa magiging reaction ni sir Ting. Nandito pa naman yung mga bosses ng kompanya. Fuck! Bahala na nga! Pagpasok namin sa office ipinakilala agad kami ni sir Ting sa mga boss.
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Novela JuvenilLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...