Chloe's POV
Agad kaming lumabas ng gymnasium para makauwi. Hindi ko na nakausap si Edward kung ano ba ang balak namin about sa midterm performance. Nandito kami ngayon, nakaupo sa bench ng gazebo as usual tinutukso ni Thine.
''Ayyy poks! Nako naman, pinaglalapit talaga kayo ng tadhana! Kung ako naman sa'yo 'wag ka ng pakipot paligaw ka na! Halata namang crush ka din nun ehh..'' Pang aasar ni Thine.
''Nako kapag naging boyfriend mo si Edward napakaswerte mo! Haha! Saka lahat na tayong barkada may karelasyon na.'' dagdag pa ni Micca.
''Nako! Baka pagpasok ko ng school masama ang tingin sakin ng tao kapag naging boyfriend si Edward.'' pabiro kong sabi. Naalala ko tuloy si Denice siguradong magwawala ang feelingerang yon kapag nakarelasyon ko nga si Edward.
''E di umamin ka din, gusto mong maging bf si Edward kasi sabi mo "kapag naging boyfriend ko si Edward".'' Pang-aasar ni thine.
''Nako, ayoko ng magsalita. Ang bad mo!'' :3 sagot ko. Tawanan naman sila.
Bigla namang may nagsalita sa likod namin, si Edward pala. Ano kaya ang ginagawa niya rito.
''Ahh, Excuse me, Chloe pwede ba kitang makausap?'' Tanung niya.
''Ahhh sige..'' sagot ko nman.
''Kunin ko sana yung number mo para ma text kita kung kelan tayo pwedeng magpractice. '' Hindi ko alam kung ibibigay ko ba o tititigan ko nalang siya kasi medyo natataranta ako nung mga time na yun. Basta parang nawalan ako ng lakas nung nakita ko siya.
''0915 xxxxxxxx.'' sagot ni Thine. Hala binigay niya yung number ko, sinamaan ko naman siya ng tingin.
''Ahh Chloe text nalang kita mamaya ha.'' sabi ni Edward.
''Ahh, sige. ok.'' :) nakangiti kong sagot.
''Mauna na ko! May klase pa kasi ako eh. Ingat ka!'' paalam ni Edward bago siya umalis.
''Ingat din.'' nabigla naman ako sa sinabi ko. Medyo napayuko nalang ako at napatakip sa bibig. Nakakahiya naman kasi parang nagblu-blush kasi ako nung sinabihan niya akong ingat. Umalis na rin siya palayo.
''Girl ang haba ng haiiiiiiir!'' sabi ni Thine.
Sinamaan ko siya ng tingin at sinakal. ''Kanina ka pa ha! Haha!'' Tawanan naman sila sa ginawa ko.
Agad naman akong nagpaalam sa kanila para umuwi. Wala kasi ako sa mood tumambay o kung ano man. Medyo nawalan ako ng gana nung nagkasagutan kami nung Denice na yun. Hindi ko na rin kinuwenta sa ma kaibigan ko yung nangyari baka kasi lumala lang yung sitwasyon. Siguradong reresbak yang mga yan.
Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nagbihis at kumain ng lunch. 1 o'clock na rin kasi ako nakauwi. Lagi ko namang chine-check yung phone ko kung nagtext na ba si Edward. Pumunta na ako sa kwarto para magbasa-basa pero masyado akong distructed sa phone ko eh, di tuloy ako makapagbasa kasi mayat maya chinecheck ko yun phone at hinihintay yung text ni Edward. Medyo antok din ako kaya naisipan kong umidlip muna sandali.
7PM na ng magising ako. Chineck ko yung phone ko kung nagtext na ba si Edward. Ayun may unknown number si Edward nga yata.
Message: ''Hello Chloe! Si Edward to remember me? Ask ko lang kung kelan tayo pwedeng magpractice ng sayaw. Thank you! :)''
Nako kanina pa pala yung text niya sa akin 3:30 pm tulog na ako nun eh. Nako nakakahiya naman di ko manlang siya nareplayan agad. Kaya naisipan ko siyang replayan.
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Novela JuvenilLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...