Chloe's POV
"Nakuuu! Late na ako.." Papunta ako ngayon sa gymnasium para sa P.E. class. One week na rin ang nakalipas ng matapos ang unforgettable experience ko sa foundation week kasi feeling ko napahiya ako sa maraming tao lalo nung inaya ako ni Edward sa stage, para bang ang sama ngayong ng tingin ng mga girls sa akin kapag nakakasalubong nila ako. At syempre yung ginawa sa akin ni Thine. huhuhu! Nakakahiya kay Edward.
Nakarating na ako sa may gymnasium ng biglang..
"Awtssssss...!" may humila sa buhok ko. Sira, si thine nanaman siguro.
"Thine, aray! Grabe ka napaka sadista mo naman." Naramdaman kong mas lumakas pa yung paghila sa buhok ko. Dinala niya ako sa gilid ng gym. Si thine ba 'to? Hindi ko makita yung mukha niya ehh...
"Tama na! Anu ba nasasaktan na ko! Hindi to magandang biro ahhh!" Sabi ko. Tinulak nman niya yung ulo ko palayo at napaupo ako sa sahig.
"Awtts!" Pagtingala ko hindi si Thine.
"Magandang Araw sa'yo babae!" (Devil smile) sabi niya sa akin.
"Sino ka ba? Bakit mo ako dinala dito? May klase pa ako kung gusto mong makipag-usap sa akin yung maayos.. Pwede?" sabi ko sa kanya. Akmang tatayo na ako at tatalikuran para umalis bila niya akong hinawakan sa braso upang pigilan.
"Owww! May pagka bastos ka pala.. Ngayon kita gustong makausap tapos tatalikuran mo ako. Ganito kasi ako makipag-usap sa mga taong feelingera katulad mo.." Sagot niya.
"Feelingera? Ako? Paano mo naman nasabi e hindi naman tayo magkakilala?!" sagot ko.
"Sige! I'll introduce myself. Ako si Denice Villasis girlfriend ni Edward. At ikaw si Malanding Chloe right?" sagot niya.
"Oo, ako nga si Chloe at wala kang karapatang dugtungan ang pangalan ko ng Malandi. Ahhh girlfriend ka pala ni Edward. Ang pagkakaalam ko kasi at ALAM ng BUONG University na single si Edward. Tapos magpapakilala ka sa akin na girlfriend niya? Baka naman IKAW ANG FEELINGERA!" matapang kong sagot. Nakakainis na kasi ehh, ngayon lang ako nagaray ng ganito, hindi ako palaaway na tao pero kung gnito naman yung makakausap mo aba ibang usapan na 'to.
"Bastos ka ahhh!!" sinampal niya ako. Nagdugo naman yung gilid ng lips ko sa lakas ng pagkakasampal niya.
"Kung ako sa'yo babae ka, layuan mo na si Edward at kung hindi, hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin." matapang niyang sabi sa akin.
"Para sabihin ko sayo hindi ko nilalapitan ang "BOYFRIEND" mo. Siya ang lumalapit sa akin kaya KUNG AKO SA'YO huwag ako ang pagsabihan mo kundi ang "BOYFRIEND" mo." Madiin kong sabi. Ine-emphasize ko talaga yung salitang boyfriend. Masyado siyang feeling ehh.
"Ang kapal ng mukha mo!" Akma niya ulit akong sasampalin pero nahawakan ko ang kamay niya at isinampal ko sa mukha niya.
"Don't you dare na lumapit sa akin. Hindi ako warfreak na katulad mo pero kung susubukan mo ako papatulan kita." mariing sabi ko. Umalis na ako at baka humaba pa tong awayan na to. Medyo late na rin ako eh. Habang naglalakad ay biglang tumulo yung luha ko hindi ko aam kung sa sakit ng pagkakasampal niya sa akin o nabigla ako sa mga nangyari. Di ko alam pero parang masakt sa akin na nalaman kong may girlfriend si Edward.
Denise POV
Naglalakad ako sa hallway ng matanaw ko itong MALANDING babae na to. Ako nga pala si Denice ang gilfriend ni Edward dati. Nakipag break siya sa akin dahil nakita niyang hinalikan ako ng friend ko sa labi. Para sa akin wala lang yon kasi friend ko naman siya. Hindi ko tiinanggap sa pagkakaalam ko nung nagpaalam siya ng break up dahil ayoko. May karapatan at dahilan pa ako makipagbalikan sa kanya dahil hindi naman ako pumayag sa break-up namin. Pero dahil sa babaeng to mukhang mapipigilan ang plano kong makipagbalikan sa kanya. Kaya't kailangan ko silang mapigilan. Naiinis ako sa mukha niya simula nung pageant night na yon, feel na feel niya ang kalandian niya noong inaya siya ni Edward sa stage para sa talent niya.Nilapitan ko siya at sinabunutan papunta sa gilid ng gym.
"Tama na! Anu ba nasasaktan na ko! Hindi to magandang biro ahhh!" Pigil niya sa akin. Tinulak ko siya papalayo at natumba siya sa sahig. Napaka lampa naman pala. hahaha!
"Magandang Araw sa'yo babae!" (Devil smile) bati ko sa kanya.
"Sino ka ba? Bakit mo ako dinala dito? May klase pa ako kung gusto mong makipag-usap sa akin yung maayos.. Pwede?" pagalit niyang tanong aalis na sana siya kaya hinawak ko yung braso nila para iharap siya sa akin.
"Owww! May pagka bastos ka pala.. Ngayon kita gustong makausap tapos tatalikuran mo ako. Ganito kasi ako makipag-usap sa mga taong feelingera katulad mo.." sabi ko sa kanya.
"Feelingera? Ako? Paano mo naman nasabi e hindi naman tayo magkakilala?!" sagot ni Chloe.
"Sige! I'll introduce myself. Ako si Denice Villasis girlfriend ni Edward. At ikaw si Malanding Chloe right?" pakilala ko sa kanya na may halong pang-iinis.
"Oo, ako nga si Chloe at wala kang karapatang dugtungan ang pangalan ko ng Malandi. Ahhh girlfriend ka pala ni Edward. Ang pagkakaalam ko kasi at ALAM ng buong University na single si Edward. Tapos magpapakilala ka sa akin na girlfriend niya? Baka naman IKAW ANG FEELINGERA!'' pabalang niyang sagot kayat sinampal ko siya. Binalaan ko siya na huwag ng lumapit pa kay Edward at kung hindi, hindi lang sampal ang aabutin niya.
''Para sabihin ko sayo hindi ko nilalapitan ang "BOYFRIEND" mo. Siya ang lumalapit sa akin kaya KUNG AKO SA'YO huwag ako ang pagsabihan mo kundi ang "BOYFRIEND" mo.'' ang kapal naman ng mukha niya para sabihin na si Edward ang lumlapit sa kanya e siya itong pumuwesto pa saharapan ng stage para siya ang ayain ni Edward noong pageant. Sasampalin ko na sana siya sa kabilang pisngi pero nahawan niya ang kamay ko at isinampal niya sa mukha ko ang sarili kong kamay.
''Don't you dare na lumapit sa akin. Hindi ako warfreak na katulad mo pero kung susubukan mo ako papatulan kita.'' babala niya sa akin. Sasagutin ko sana siya pero bigla nalang siyang umalis palayo. Aba duwag naman pala. Makakahanap din ako ng tiyempo para makabawi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Formula ng Pag-ibig
Teen FictionLike our fan page: https://www.facebook.com/FormulaNgPagibig Love, love, love.. Ito naman ang kadalasang pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon. Nandyan si crush, kinindatan sobrang kiling, love life love life, nasaktan, iniwan, status sa facebook tun...