All Casts at the media ⤴
Hindi ko na muna kayo bibitinin sa first EPILOGUE,pero sana basahin niyo ang MESSAGE KO pagkayari.Salamaterrsss! :)-----
E P I L O G U E 1
After 4 days....
Her's POV
"Ano ba yan?*sob* kakita lang natin pero bakit kinuha ka agad niya,tapos sumama ka naman agad.Nasaan na iyong mga pangako mo na hindi mo ko iiwan,na kailanman walang mamamatay sa atin." Saka ko nilagay ang isang boquet na bulaklak sa puntod niya.
Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko,halos lahat ng pangyayari sa buhay ko nagbabalik.
"Akala ko hindi ko na mararanasan muli ito,pero hayan na naman nasasaktan na naman ako." Kinuha ko ang coca-cola na nasa baso saka ininom ito.
"Buti ka pa,hindi mo ko iniiwan"
"ANDDDD CUTTTT-very good Miss Aly Montereal" Sabi ng director ng commercial na ginagawa namin.
Jusmiyo!halos balikan ko pa lahat ng alaala ko noon para lang maiyak ako.
"Baby,are you ok?" Sabi niya,saka pinunasan ako ng luha.Ngumiti ako para sabihing 'oo ok lang ako'.
Nasa Rome,Italy pa rin naman kami,hindi ko lang akalain na magkakaside-line pa ako dito.Aksidente lang kasi na nasalubong namin ang naging former director ko sa pagmomodel dito,na ngayon ay nasa paggawa na siya ng mga commercials,tapos nakilala niya agad ako sakto naman daw na wala ang dapat gagawa sa ginawa ko ngayon,dahil nagkasakit buti na lang pala at nakita niya ako,kaya ako ang pumalit.
Nangako naman siya na sa bangko ko didiretso ang pera na nakuha ko sa kanila,malaki iyon dahil sa kilalang brand ng softdrinks ako na-extra.Pati nga pirmahan ng contract late na rin eh.Pero pabor sa akin dahil nagkapera pa ako.
"Let's go" Aya niya sa akin.Pero bago ako umalis in-straight ko muna ang softdrinks na nasa baso ko.
Nagpaalam na rin ako kay Direk at sa ibang staffs dito, na aalis na kami,grabe ang pasasalamat nila dahil kundi dahil sa akin baka daw nakasuhan na sila at baka si sila makauwi ng Pinas sa incoming New year.
Uuwi na rin pala kami ni Lex ng Pinas mamayang madaling araw.Pero ngayon mamamahinga muna kami,dahil iyong tatlong araw halos sa pamamasyal naming dalawa iyon in-spend.Sumakay na kami ng kotse niya,pagkasakay pa lang na pagkasakay ipinikit ko na agad ang mga mata ko,dahil sa pagod.
Nagulat na lang ako ng tumugtog ang I'll Never Go.Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko,kaya napadilat ako.
Akala ko umaandar pa ang sasakyan namin pero nakahinto ito sa malapit sa dagat.Tumingin ako kay Lex,nagulat ako ng umiiyak siya.
"Lex,ba-bakit may problema ka ba?" Tanong ko at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya.
"Nothing,masaya lang" sagot niya sa akin,pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang pisngi habang siya nakatitig sa akin.
"Last day na natin 'to,let's enjoy the remaining hours" sabi ko saka ngumiti at dinampian siya ng halik sa labi.
Tumango siya.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa Villa Borghese it's a park and, it's lies in the center of Rome,sabi nila Heart-shaped daw iyon and also known as Galleria Borghese." Kwento ko ng nagresearch kasi ako bago kami pumunta dito kung ano ang magandang puntahan sa Rome kaya isa ang Villa Borghese sa lumabas.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (√Completed)
Fiksi RemajaKasama sa mga pangarap ko yung mahalin at mapansin nya ako.Pero alam ko mahirap,wala namang masama kung papangarapin ko na SANA AKO NA LANG yung taong Mahal nya.Kahit isang kasinungalingan lang ang lahat.OK lang,ngingiti lang ako basta masaya siya. ...