Chapter 2

16.2K 328 1
                                    

Isang buwan kalahati na ako dito sa bayan ng Santa Catalina. Kahit papaano naman nagugustuhan ko na rin dito. Madami na rin akong kilalang kaibigan kasama na don si Yassi. Nakakatawang isipin kung paano kami naging magkaibigan nito. Akala ko mahinhin na teenager lang si Yassi pero kalog din pala ito. Nalaman na rin nito kung sino ito. Yung una ini-iwasan ako kasi nga daw isa akong mayaman at hindi bagay dito na maging kaibigan ko dahil poor lang daw sila. Kaya binatukan ko ito. Sinabihan ko rin ito na okay lang naman na magkaibigan kami. Hindi naman ako mapili. Kaya ayon nagkasundo na kami at ngayon pupunta kami sa bahay nila. Doon ako matutulog ng isang gabi lang. Pinayagan naman ako. Kaya ito naglalakad kami ngayon ni Yassi.

"Yass, ano na malapit na ba tayo sa bahay niyo?" Tanong ko dito. Sobrang init, gusto ko nang uminom ng tubig sa sobra kung uhaw.

"Malapit na kunting tiis nalang, Kat."

"Oka--ahhh!" Hindi ko na natuloy ang sasanihin ko dahil na out of balance ako at nagpadaos-dos ako. Mabuti nalang nakakapit ako sa isang ugat. Ang laki naman nitong ugat at mainit din. Huh, ugat mainit. Dahil naka pikit ako hindi ko alam kung ugat ba ang nahawakan ko o kawayan.

"OMG! Katarina. Okay ka lang?" ang tanong ni Yassi ang nagpadilat sa nakapikit kung mata at yun nalang ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang lalaki na kamuntikan na akong masagasaan. Hawak-hawak ako ng dalawang braso nito sa bewang, at tulad ulit ng una naming pagkikita ay nakatiim bagang na naman ito. Tsk. Wala ba siyang ibang expression maliban sa pagtiim bagang.

"huy! Katarina. Tinatanong kita jan. Okay kalang ba?" Doon ako na ako napabaling kay Yassi at kita ko sa mata nito ang pag-alala sa 'kin kaya mabilisan akong tumango at umayos ng tayo. Nararamdaman ko pa rin ang paghawak nong lalaki sa aking bewang. Andon pa rin ang pagtiim bagang niya. Tsk. Maglalakad na sana ako ng muling magsalita si Yassi.

"Kuya Samuel, pwede bang paki buhat si Katarina kasi baka madulas ulit. Clumsy pa naman iyan" napatingin naman sa 'kin si Yassi na may ngiting nakakaloko.

"N-nako hindi na. Kaya ko nam--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla nalang ako napa angat sa ere. Buhat-buhat na ako nito at na una pa itong maglakad kay Yassi. Napatingin naman ako kay Yassi at yun nalang ang ngiti nito sa akin sabay kindat. Namula nalang ako. Baliw talaga itong kaibigan ko. Pinagkalolo ako sa kuya niya na masungit.

"IKAW ha" sabay tusok ni Yassi sa tagiliran ko kaya napa-isog ako ng kunti dito.

"Anong ikaw ha?" kunot noo kung tanong dito.

"Bat ka namumula ng kaharap mo si Kuya Samuel. Don't tell me you like him?" ngising tanong sa akin ni Yassi tapos muli ako nitong tinusok sa aking tagiliran. Gosh ano ba itong pinagsasasabi ni Yassi sa 'kin.

"Hindi ko gusto ang Kuya Samuel mo no. Kasi bata tayo, matanda na ang Kuya mo. At kaya ako namula dahil sa inasal mo kanina. Bat mo ako pinabuhat sa kapated mo. Nadulas lang ako, hindi ako lumpo. Kaloka ka" Irap ko dito.

"Kasi naman feel ko may gusto yata sayo ang step-brother ko. Kaya inutos ko na buhatin ka. Akala ko nga hindi niya ako susundin. Pero na super shocked ako ng mabilisan ka niyang binuhat." tawa pa ni Yassi sa akin.

"Ewan ko sayo. Para kang sira. Paano na ako lalabas dito sa silid mo. Nakakahiya sa kanya." inis kung sinabunutan si Yassi sa buhok pero mahina lang naman.

"Gusto mo talaga ang Kuya Samuel ko kasi nahihiya ka sa kanya." tudyo sa 'kin ni Yassi.

"Hindi no. Paano ko magugustuhan ang kuya mo kung may inis ako sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa 'kin" sumbong ko dito.

"Huh! Ikaw naiinis sa Kuya Samuel ko?  Bakit naman?" Tanong ni Yassi sa akin.

"Wag na natin iyon pag-usapan ang mabuti pa maligo nalang tayo sa sinasabi mong sapa." sabay tapon ko dito ng isang paper bag na brand ay Victoria Secret. Nakita ko naman si Yassi napa nganga.

He Owns Me At Fifteen  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon