Napapangiti siya sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili ng matapos siyang mamik-apan ng baklang make-up artist. No make up look ang ginawa sa kanya pero gusto niya naman na may kulay siya kaya nagpalagay siya ng dark lipstick na mas nagpatingkad sa mukha niya. Tumayo naman siya at sinipat ang sarili sa buong salamin paharap at pa ikot. Nakasuot siya ng spaghetti backlace sa likod at kung gano naman ka sexy ang likod niya ay ganon din ka konserbatibo sa harap niya na kulay pulang gown. Inilapit niyang muli ang mukha niya sa salamin at ngumiti. Pero ang ngiting iyon ay hindi mapalagay kasi kanina pa siya hindi mapalagay parang nilalagyan ang pwet niya ng glue na fake o expired na. Tayo, upo, tingin-tingin sa sarili sa mukha, ganoon ang ginagawa niya matapos siyang mek-apan.
Nasa isang private room siya ngayon at maghihintay nalang na tawagin siya ng kanyang manager kung saan pipirma siya ng kontrata sa isang sikat na companya at pa welcome party na rin daw sa kanya. Kung tutuosin first project niya ito since umalis siya ng pilipinas. Dahil kahit noon paman basta patungkol sa Pilipinas ay umiiwas na siya. Pero ngayon no choice na dahil manager na niya ang nag desisyon. At ang nakakabaliw pa ay tatlong buwan siya dito na akala niya ay two weeks lang dahil sabi ng manager niya sayang daw kung tatanggihan. At baka ma bash siya sa sariling bansa.
Napaangat siya ng tingin sa may pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa ang manager niya na naka business suit na kulay itim pero gown. "Ready!?" Masayang tanong nito sa kanya.
"Ano pa nga ba. Kahit sabihin ko naman hindi alam kung ikaw pa rin ang masusunod diba?" Tanong kung pa irap dito. Narining ko naman itong tumawa nang nakakalok.
"Fine. Lets go. Gusto ka nang makita ng mga tao sa labas. Akalain mo 'yun. Gusto nilang makita ang sikat na modelo na purong dugong pinoy. You must be proud." Ngiti pa nito na binuksan ang pintuan para sa kanya. Tumingin siyang muli sa salamin at huminga ng tatlong beses at naglakad palamit sa kanyang manager na pagka ganda-ganda ng ngiti. Pero siya hindi siya maka ngiti ng maayos.
May lumapit namang lalaki sa manager niya habang siya naman ay nakasunod lang sa likuran nito at napapabuntong-hininga. Nakita niyang binulungan ng manager niya ang lalaki na may dalang microphone siguro ito ang emcee sa party na ito. Obvious ba, Katarina. Gaga!
"Good Evening, everyone!" bati ng lalaking emcee sa lahat ng guest na tumahimik naman ng marinig na nagsasalita na ang lalaking emcee sa harapan.
"Wait. Relax okay. Ako lang naman ang machong, gwapito at lovable at still single and ready to mingle na emcee niyo." narinig naman niya nagtawanan ang mga guest sa sinabi ng lalaking emcee kahit siya at natawa din kahit papaano. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuoan ng venue kung saan ginagawa ang welcom party. Muli naman nagsalita ang lalaking emcee.
"Again. I'm Chris Alarcon. My number is 093647556**.Call me" Sabi pa nito ng may sumigaw na babae sa di kalayuan.
"I got it. See yeah tonight" Sabi pa ng babaeng cute na agad naman tumalikod. Nagtawanan ulit ang mga guest. At napa-ubo naman ang lalaking emcee na si Chris.
"Okay, real quick. But anyway hindi naman iyan ang gusto kung sabihin talaga. Alam ko naman kung ano ang ipinunta niyo dito maliban sa wine at masarap na pagkain. I know, i know hindi ko na patatagalin pa. Let's all welcome, Miss. Katarina Amorganda" Sigaw ng lalaking emcee sa buong pangalan ko. Bumuntong hininga muna siya at naglakad na parang rumarampa na modelo at may ngiti sa labi. Habang paakyat ng stage. Tinulungan naman siya ng lalaking emcee sa pag-akyat ng hagdan. Binigay naman ng lalaking emcee ang microphone sa kanya at umalis ito sa stage kaya siya nalang ang natira doon sa harap ng maraming bisita. Sanay na siya doon dahil nga diba rumarampa siya pero ngayon lang siya nahiya sa buong buhay niya parang hindi niya kayang tumayo ng sobrang tagal. For pity sake. Inilibot niya ulit ang kanyang mata wala namang kakaiba lahat ng tao sa kanya nakatingin at naka ngiti. Pero di niya mawari parang may kung sino ang pinagmamasdan siya pero di naman niya alam kung sino. Kaya ngumiti nalang din siya at hinawakan ng mabuti ang microphone at napalunok at naglakad sa isang mataas na stage kaya mas lumakas pa ang hiyawan. At itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na microphone.
"Good Evening" bati niya sa lahat ng taong nakatingin sa kanya ngayon. Pero talagang hindi siya mapakali parang sinisilaban ang kanyang pwet na di niya ma wari kung ano at bakit. Matapos siyang magsalita ay agad siyang umupo sa upuan na para sa kanya at kasama niya doon ang kanyang manager na sobrang ngiti at ang may-ari ng kumpanya kung saan siya ang kinuhang mag model ng produkto nila. Natapos ang pirmahan at nagkakasayahan ang mga tao sa party pero siya ganoon pa rin. Tumatawa naman siya, nakikipag-usap sa mga guest ng muling nagsalita ang si Criss na emcee kaya lahat ng tao ay napabaling sa stage.
"Hello again ang inyong macho na, gwapito pa." nagpose naman ito na parang modelo kaya natawa ang lahat kasama na siya. Nakilala na niya ito kanina at tama nga ang hinala niya palatawa ang lalaki. Nalaman din niya na isa itong professor sa isang University dito sa Pilipinas at yung babae kanina na sumigaw ay ang makulit na estudyante daw nito kung saan ito nagtuturo. May crush pala pero hindi niya daw pinapansin dahil nga ay bata pa ang babae at may girlfriend din si Criss.
"Hoy" tapik ng manager niya sa kanya.
"Huh?"
"Anong huh? Kanina ka pa tinatawag ni Criss. Punta ka daw sa stage."
"Oh, I'm sorry." sabay tayo niya at ngumiti sa mga bisita.
Tsk. Nakakahiya ka talaga, Katarina.
Nang makalapit naman siya kay Criss na over ang ngiti sa kanya pwede na ngang Commercial model ng toothpastes sa sobrang puti. Nahiya tuloy siya sa ngipin niya, kahit na every 1 month ang schedule niya sa kanyang dentist ay waley pa rin siya sa puti ng ngipin ni Criss. Muli siyang ngumiti dito.
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romansa"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017