Author's Notification
Ano na??? Di ko talaga kaya di maka pag-update. Gosh. Ipagpatuloy ko na ngalang may pa drama-drama pa akong farewell nag out na ako kanina para di na ako maka pag social climbers. Pero here i am again. Jusko ko po. Nag update. 😂 hello!! Buhi pako. Update sa one chapter bag.o matulog. Goodnight.
#UNEDITED
_______________😘
Chapter 31
"Hapon na. Wala ka bang balak bumalik sa manila. Baka hinahanap na ako nang manager ko."
"Wala." Sabay talikod nito sa akin.
"Anong wala. Hoy. Teka ngalang. Kinakausap kita wag na wag mo akong tatalikuran. Samuel Ignacio" sabay hila ko sa braso nito.
"Tinalikuran mo rin naman ako noon diba. Kaya pareho lang tayo." muli ako nitong tinalikuran.
"Samuel, ano ba hindi pwede na hindi tayo bumalik sa manila marami akong trabahong naiwan doon. At baka mag-alala na sa 'kin ang manager ko." nakasunod pa rin ako dito ito naman ay naglalakad papunta sa sapa.
"Kung 'yan ang ini-isip mo. Wag kang mag-alala. Nakausap ko na ang manager mo na tatlong araw kang mawawala," humarap ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko. "At pumayag ang manager mo." Sabay talikod ulit nito sa 'kin. Tuloy-tuloy lang ang lakad nito habang nakasunod naman ako sa likuran nito. Hanggang sa marating na namin ang sapa. Nakita kung naghubad si Samuel kaya tumalikod ako.
'Gosh alam ko naman nakita ko na ang katawan mo Samuel pero pwede bang e-inform mo naman akong magto-topless ka.'
Narinig ko naman ang malakas na halakhak ni Samuel kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para bumalik sa bahay nito pero bigla itong nagsalita na ikinatigil ko sa paglalakad.
"Saan ka naman pupunta?" Nakangisi nitong tanong sa 'kin. Namimilyo din ang mga mata nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Aney be weg mey ekong tetegen. Netetenew eke.'
"Ano ba wag mo nga akong titigan nang ganyan. Gusto mo dukutin ko iyang mata mo?" Pa erap na tanong ko dito pero ang gago ngumisi lang nang nakakaloko
"Tsk. Para ka namang virgin kung maka react ka." tudyo nito sa 'kin. Dahil sa narinig ko bigla yata uminit ang pisnge ko.
"Pwede ba Samuel umayos ka nga. Kanina ka pa." Saway ko dito.
"Maayos naman ako. Baka ikaw ang hindi maayos." Sabay kagat nito sa sariling labi pero alam kung nang-aasar lang ito sa 'kin.
"Bahala ka jan." sabay talikod ko pero sa paglalakad ko may nakasalubong akong aso na labas ang dila at dahil sa takot bigla akong napatili at tumakbo papunta sa sapa kahit alam kung wala nang chance dahil isang dipa lang ang aso sa 'kin at titig na titig ito sa 'kin. Takbo lang ako ng takbo sa pwesto ni Samuel.
"Samuel!!!" tili ko pero hindi yata ako nito narinig at tama nga ako wala na doon si pwesto si Samuel baka lumusong ito sa ilalim ng sapa. Narinig ko namang muling tumahol ang aso sa likuran ko kaya mas tumili ako at tumakbo ng sobrang bilis jusko po. Takutin na siya ng kahit na ano wag lang aso, ahas at ipis dahil ikamamatay na niya. Naalala niya nong elementary pa siya nakagat siya nang aso ng kapitbahay niya. Noong unang araw niya dito sa probinsya noon nagising nalang siya sa madaling araw nagsisisigaw dahil sa ipis na naglanding sa braso kaya napilitan siyang sa sala nalang nila matulog buong magdamag. Nong nasa US na rin siya my field trip ang school nila sa Zoo bigla nalang siyang hinimatay dahil dumikit ang malamig na balat ng ahas sa balat niya kaya may phobia na siya sa Ipis, aso at ahas.
Rinig niya pa rin ang tahol ng aso kaya no choice siya lumusong siya sa sapa saktong-sakto naman ang paglitaw ni Samuel sa harap niya kahit nahihirapan siya at nadadapa na dahil sa mga bata ay wala na siyang paki-alam. Basta wag lang siyang kagatin ng aso. Alam pa naman niyang marunong lumangoy ang mga aso.
Agad niyang dinamba ng yakap si Samuel. Kahit hindi siya nito nakikita. Hinila niya ang leeg ni Samuel at tumalon siya dito dahil sa gulat ay kamuntikan pa silang matumba. Mabuti nalang malakas si Samuel.
"Holy Shit!" mura ni Samuel.
"Kagatin mo nalang ako, Samuel basta wag lang aso. Hoho" mas humigpit pa ang kanyang yakap kay Samuel naramdaman naman niya ang yakap ni Samuel sa kanya ng sobrang higpit.
"Wala na." sabi nito sa 'kin. Tumingin naman ako at nakita ko ang aso na naglalakad na sa ibang direksyon. Aalis na sana ako sa pagkakayakap ko kay Samuel na muli na namang tumahol ang aso kaya yumakap ulit ako kay Samuel.
"Don't move" utos nito sa 'kin. Kaya agad ko namang sinunod ang utos ni Samuel.
"B-bakit?" Kandautal utal kung tanong at mas humigpit pa lalo ang yakap ko kay Samuel na ginantihan naman ni Samuel sa 'kin.
"He's coming." sabi nito. Dahan-dahan naman binitawan ni Samuel ang pagkakayakap nito sa 'kin.
'he's? Paano niya nalaman na lalaki ang aso?'
"Ano ang ginagawa mo Samuel?" Tanong ko dito. Pero mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Samuel. Baka kasi bitawan ako nito at ipalama sa aso. Gosh. Hindi ko iyon kakayanin.
"Ipapalapa kita sa aso." Asar pa nito sa 'kin. At dahil doon natakot naman ako baka kasi tutuhanin nitong ipalapa ako sa aso.
"Please. Don't. Promise gagawin ko ang gusto mo wag mo lang akong ipalapa sa aso na iyan. Hindi yata kakayanin." pagmamaka-awa ko kay Samuel. Pero wala akong marinig mula kay Samuel. Gusto ko nang umiyak. Silence means yes, right? Ipapalapa ako ni Samuel sa aso. God.
"Kahit ano. Gagawin mo?" Tanong pa nito sa 'kin na may halong ngisi.
"Yes. Kahit ano. I'll do anything basta wag mo lang akong ipalapa sa aso. Nagmamaka-awa ako sayo. Please"
"Kahit ano? Kahit sabihin kung ikiss mo ako. Ikikiss mo ako?" sabay nguso nito sa 'kin nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
"Hell no!, " Sabay erap ko dito. Swerte naman nito. Kala yata nito maiisahan ako. Hindi no.
"Okay. Sige ayaw mo... Fine. Say hello to that dog." SAbay turo ni Samuel sa asong nakatingin ulit sa amin.
'Arg! I hate you, Samuel. Naisahan mo ako ngayon. Pero pangako. Hindi na ito mauulit. I swear to, God.'
"Ano na. Ayaw mo pa rin. Dali na kiss na," Sabay nguso nito sa akin. "Okay. Bahala ka jan. Enjoy!" Sabi pa nito sa pinasiglang boses.
"Fine." pagpayag ko.
'tsk kung di ko lang kailangan ng tulong mo. Nunka at papayag ako. Gago talaga at ano ang tinawa-tawa mo jan.'
"Nakaisa ka ngayon. Pero last mo na ito" Sabi ko dito ang isa naman ngisi lang ang iginanti sa 'kin.
"Tagal. Maka-alis na nga. Sa lahat pa naman nang ayaw ko iyong pinahihintay ako." Akmang aalis na ito kaya mabilis ko itong hinila.
"Eto na nga diba. Atat lang" inis kung sabi dito pero ang gago ngumisi lang nang nakakaloko.
"Tagal" sabi pa nito at hinila nito ang mukha ko at hinalikan ako ng sobrang pusok sa labi. Nanlaki naman ang mata ko at napapikit nalang. At rinig ko ang tahol ng aso.
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romantizm"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017