Chapter 30

8K 192 5
                                    

#UNEDITED
#WrongSpellingWrong😂

😊😊😊😊

Nagising ako dahil sa sobrang lamig para akong napapalibutan ng yelo napapangiti naman ako dahil sa kabaliwan ko. Paano naman magkaka-yelo sa pilipinas maliban nalang kung nasa ibang bansa na siya. Umihip ulit ang malamig na hangin kaya mas isiniksik niya ang kanyang sarili sa malambot at mabangong kama.

"Oh heaven" bigkas ko nang may biglang matigas na kamay ang pumulupot sa aking bewang. Kaya nanigas ang buong katawan ko. God.

"Yeah! Youre right, its heaven" sabi nang namamaos na boses lalaki na pamilyar sa 'kin. Kaya mabilis akong pumihit sa aking likuran at iyon nalang ang paglaki nang mata ko sabay lunok ko nang sariling laway. "Good morning" napabalikwas naman ako ng bangon

"A-ano ang ginawa mo sa 'kin?" Natatarantang tanong ko dito. Kita ko naman sa mata ni Samuel ang pagkamangha. Gosh. Umagang-umaga palang bat ang gwapo na niya. Alam kung hindi pa ito naliligo dahil ito pa rin ang suot nitong damit.

"Nakalimutan mo na yata ang mga nangyari sa atin kagabi. Gusto mo bang ikwento ko sa 'yo ulit?" tanong nito sa kin na nakakaloko.

"Hindi. Wag na. Baka kasi maiba pa ang kwento mo sa sarili kung bersyon." lumakas naman ang halakhak ni Samuel sa sinabi ko. "Ano naman ang nakakatawa aber?" inis na tanong ko dito.

"Wala lang. Natatawa lang ako sayo. Akala mo kasi ginahasa ka kung maka react. Hindi ko iyon gagawin sa 'yo" Sabi pa nito at tumayo.

Oo nga naman. Bat naman ako gagalawin nito. Hello may girlfriend ito at pwede siyang mag request nang ano mang oras. Pero tika nga lang paano siya napunta sa kama ang alam niya nasa loob palang sila ng kotse kagabi. Alam din niyang niyakap siya ni Samuel at dahil sa sobrang iyak niya hindi na niya alam kung ano ang nangyari. Mabilis pa sa kidlat ang pagbaba nang tingin niya sa kanyang sarili at naka hinga siya nang mabuti dahil suot niya pa rin ang pantalon niya pero naka suot na siya ngayon nang puti na tshirt. Siguro kay Samuel ito.

"Ano na tutunga-nga ka nalang ba o lalabas ka para mag-agahan." Sabi pa nitong nakasilip sa akin. Mabilis naman akong tumayo pero sa pagtayo ko ay naibaling ko ang mga mata ko sa silid na sobrang pamilyar sa 'akin. Pinagpapawisan ako. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko nasa silid ako ni Samuel kung saan unang may nangyari sa 'min. Walang pinagbago. Lumunok nang laway at bumuntong-hininga akong lumabas sa silid ni Samuel. Nakita ko naman itong nasa misa at umiinom ng kape habang ang mata ay naka yuko sa binabasa nitong dyaryo.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko kay Samuel na hindi man lang nag-abalang tumingin sa 'kin.

'Asa ka naman. Hindi ikaw ang girlfriend niya para sagutin ang tanong mo Katarina'

Nevermind wag mo nalang sagutin ang tanong k--" hindi ko na natapos dahil tinignan ako nito sa mata.

"Gusto ko lang." Sabay inom ulit nito nang kape.

"Gusto mo lang. Ano bang laman ng utak mo--"

"Ikaw. Ikaw ang laman ng utak ko for five fucking, damn Years, Katarina!" Pasigaw nito sa 'kin napayuko naman ako hindi dahil sa natakot ako rito kundi biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Ako daw. Ako daw ang laman ng utak nito. Paano nangyari iyon. Ay tanga ka na rin yata Katarina.

"Umupo kana. Pagdi ka umupo. Talagang makita mo ang hinahanap mo." sabay smirked nito sa akin.

Luh, ano iyon. Bat ka naka smirked. Walang ganyanan Samuel baka isang smirked mo pa ma rape kita. Sabay ngisi ko kaya di ko na namalayan. Na nakatingin na pala si Samuel sa 'kin.

"Bat ka naka ngiti?" Tanong nito sa 'kin.

"Paki mo. Wala kang paki-alam kung gusto kung ngumiti. Tsk" erap ko dito nang mapatingin ang mata ko sa braso ni Samuel na ngayon ay may benda na. "Sino ang naglagay sayo niyan?" taka kung tanong dito.

"Ako syempre. Bakit may iba pa ba?" Tanong nito sa akin.

"Aba malay ko. Baka yung Girlfriend mong si Biance pumunta dito at ginamot ka habang natutulog ako." Sabay upo ko. Kukuha na sana ako nang kanin nang naunahan ako ni Samuel. Nilagyan niya nang madaming kanin ang plato ko.

"Hoy. Te-teka lang naman ang dami niyan. Hindi ko iyan mauubos" Saway ko dito. Pero ang gago hindi manlang nakinig sa 'kin.

"Kumain ka nang madami kita mo iyang katawan mo. Hindi na magandang tignan."

Ano sabi nito hindi na magandang tignan ang katawan ko. Tsk. At siguro sa inis ko nasabi ko ang nasa utak ko.

"tsk. Hindi magandang tignan pero pinagsawaan mo. Asan ang hustisya?" Inis kung tanong dito. Nakita ko naman ang pinipigilang ngiti ni Samuel. "oo nga naman. Kaya hindi na maganda ang katawan ko dahil may iba ka nang gustong katawan. Okay lang. Ayos lang." Sabay subo ko sa nang kanin. Tsk tsk tsk parang maiiyak na naman ako. Tanginamers naman na lalaking ito. Kung maka lait sa kurbalicious ko ay parang nandidiri. Hmmmp. Bahala ka jan.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Samuel. "Hindi sa ganon--" putol ko dito.

"Ganoon iyon. Dahil ba may girlfriend ka na na maganda at sariwang katawan ay lalaitin mo na itong katawan ko na pinagsawaan mo na. I hate you!" sigaw ko.

"Pwede bang makinig ka muna." sabi nito na para bang naiinis na rin sa akin.

"Fine!" Sabay subo ko ulit nang kanin pero walang ulam dahil naiinis na ako. Parang dadanak na ang dugo ngayon sa sobrang inis ko kay Samuel.

"First alam ko na kung ano ang ini-isip mo dyan sa utak mo. Kaya please lang wag na wag mo iyon isipin na kinokompra ko kayo ni Bianca. Iba ka kay Bianca, iba rin si Bianca sayo." sabay kamot nito sa ulo. Ako naman natigil sa pagnguya nang pagkain.

"Anong magkaiba?" Sabay duro ko nang tinidor dito. Nakita ko naman na ngumisi ito nang nakakaloko at umiling-iling pa ito. "Sigaraduhin mo lang Samuel maganda ang sasabihin mo kundi. Kita mo ito," Sabay duro niya nang tinidor sa harapan nito. "Lalabas iyang balls mo sa mata" Asik ko pa. Nakarinig naman ako nang malutong na halakhak mula kay Samuel at kinuha niya ang tinidor sa aking kamay.

"Magkaiba kayo kasi hinding-hindi ko makakalimutan na naging akin ka. At hinding-hindi ako nagsasawa sa katawan mo. Kahit ilang Bianca pa ang lumapit sa 'kin." hindi ko naman mapigilang hindi mamula ang buong mukha.  Gosh!

--------------------
The Last Update hehehe.

#AgainUNEDITED
#Babay
#ThankYouAgain

Lovelots
Charlotte Cuevas
Signing Off 😘

He Owns Me At Fifteen  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon