Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Gosh he is my first kiss and my last kiss. Kasi pinangako ko sa aking sarili na kung sino man ang unang makahalik sa akin ay siya na mismo ang huling lalaking para sa 'kin. Ano ba yan ka asar naman talaga. Bat siya pa talaga, bat si Samuel pa e may girlfriend na siya ayaw kung masaktan.
"Miss Katarina!"
"Samuel!"
Sabay na tawag sa amin ni Aling Lucy at Mang Karding. Mabilis ko na itulak si Samuel at mabilis pa sa kabayo ang pagtalikod ko dito. Gosh nakakahiya iyon. Sana lang talaga hindi kami nakita ni manang Lucy kundi sumbong ako nito sa Lolo ko. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si Samuel sa aking likuran. Gosh daig ko pa ang hinahabol ng baliw sa bilis nang lakad ko. pinagpapawisan na rin ako ng malagkit na mabilis ang tibok nitong puso ko kulang nalang ay tumalon palabas sa rabe cage ko itong puso ko. Mabilis kung hinawakan ang puso ko at hinilot ito ng kunti.
"Oh nanjan lang pala kayo. Hali nat mag meryenda masarap itong niloto kong suman. " Yaya sa amin ni Manang lucy ng magsalita sa likuran ko si Samuel.
"Hindi po ako makakasabay." napatingin naman ako bigla kay Samuel at tama nga ang hinala ko naka tingin ito sa akin kaya mabilis akong umiwas. Mahirap na baka magtaka sa 'kin si Manang Lucy
"Bakit naman?" Tanong ni Manang lucy kay Samuel. Ako naman naghihintay lang sa sasabihin ni Samuel sa aking likuran.
"May lakad kasi kami ni Olive mamaya" nakaramdam naman ako ng kunting kirot sa bandang puso ko. Ano bayan puso umayos ka nga.
"Ganun b--" hindi na natapos ni Manang Lucy ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya mabilis ko itong sinagot.
"H-hello" nanahimik naman ang mga kasamahan ko si Mang Karding naman kanina pa tahimik dahil kumakain ito ng suman. Si Manang Lucy naman ay naglalagay sa plato nito ng bico samantala si Samuel tahimik lang na tinitignan ako.
"Babe!" Sigaw ng sa kabilang linya. Tinignan ko ang tumatawag sa akin. Naka connect ako ngayon sa internasyonal call.
"Black!" Sigaw ko. Napangiti naman ako dahil tumatawag lang namang kababata ko. Mabilis ko naman ini loud speaker ang phone ko dahil binigyan na ako ni Manang Lucy ng meryenda
"Naman, Babe wag kang sumigaw. Alam kung namiss mo ako. Pero please lang wag kang sumigaw. Alam mo naman pag sumisigaw ka natatakot ako at pag natakot ako alam mo na nakikiss kita sa sobrang takot." Tawa pa ni Black napangiti naman ako. Narinig ko naman napa ubo si Mang Karding at binigyan ito ng tubig ni Manang Lucy. Napatingin uli ako kay Samuel at shock nakakatakot ang tingin niya sa akin kaya ifinucos ko nalang sa tawag ni black at sa pagkain ko ang aking sarili.
"Bat ka pala napatawag, babe?" Pabirong tanong ko kay Black.
"Wala lang, Babe."
"Anong wala lang. Hindi ka tatawag overseas kung wala kang kailangan o importanting sasabihin. Kaya sabihin mo na babe" pabiro ko ulit narinig ko nalang na may platong nabasag at laking gulat ko ng makita kung tinutulungan na ni Manang Lucy at Mang Karding si Samuel dahil dumudugo na ang kamay nito. Gosh. Napatingin naman ako kay Samuel hindi ko mabasa sa mukha nito ang galit na tingin sa akin. Dahil siguro sa sobrang takot ko ay napatay ko ang tawag ni Black at napa-upo nalang wala sa oras habang tinitignan ko si Manang Lucy na nililinisan ang sugat ni Samuel. Si Mang Karding naman umuwi na muna sa bahay nila dahil may bisita daw ito. Si Manang Lucy naman hinatid na sa mansyon ang pinagkainan namin kanina. Kaya ako nalang at si Samuel ang naiwan dito. Gosh Awkward to the fourth power empact.
Ano ba ang gagawin ko. Gosh. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil nasa harapan ko lang si Samuel galit at naka tiim bagang naka tingin sa akin. Napabuntong-hininga naman ako at tatayo na sana ng hinila ako nito paupo. Napakunot tuloy ang noo ko sa ginawa nito. Namumuro na ito, eh kanina pa ito nanghihila sa akin.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Pagtataray ko. Bat hindi pa ito umalis at puntahan si Olive. Diba may lakad sila.
"Sino siya?"
Lalo tuloy nangunot ang noo ko dahil sa tanong nito. Sinong siya? Bahala nga siya. Tumayo ako pero muli ako nitong hinila pa upo kaya no choice na ako. "Kanina mo pa ako hinihila ay!" pasigaw ko dito pero di man lang natinag bagkus mas sumeryo pa itong naka tingin sa akin.
"Hindi kita ma gets. Sino ba kasi iyang tinat--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil may bigla nalang sumigaw sa pangalan ni Samuel. Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Olive kumakaway kay Samuel. Muli ang napatingin kay Samuel at laking gulat ko nakatingin pala ito sa akin. Dont tell me hinihintay niya ang sagot ko sa tanong nito. Napatingin ulit ako sa paparating na si Olive may dala itong bag na hindi kalakihan, naka high heels ito na 4 o 5 inch. Seryoso. Naka pulang espaguette strip ito at short shorts. Napalingon ako ulit kay Samuel at tumayo.
"None of your business" sabay talikod ko. Hindi na rin ako nag abala pang mag hello kay Olive for what wala naman sa itsura nito na gusto ako nito. Pareho lang kami, I hate her so much. Sila actually ni Samuel kung gusto pa nila mag sama sila forever. Waley me pake. Maka tulog ns nga lang para bukas may energy na akong pumasok o mamasyal nalang ako kina Yassi sure naman akong wala doon si Samuel dahil busy ito sa kakalandi kay Olive. Kung gusto nila wag nalang din silang bumalik forever. Dahil sa inis ko na ibalya ko ang pintuan ng kusina.
"O Katarina, hija, okay ka lang ba?" Naka ngiting tanong ni Aling Lucy sa akin.
"Sorry po hindi ko po nahawakan yung pintuan. Lumakas bigla yung hangin." nakita ko naman tumango si Manang Lucy. HIndi ko alam kung naniwala ito sa aking dilemma pero paki ko ba galit at naiinis ako ngayon. Tsk. Sucks.
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romansa"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017