"Smile, Katarina" Bulong ni Anderson sa 'kin. Bago muling tumipa sa cellphone nito. Kasalukuyan kaming nasa Airport at naghihintay ng flight namin pabalik sa pilipinas.
Binigyan ko ng Seriously look si Anderson kahit hindi naman nito nakikita. Actually wala na akong panahon ngumiti dahil parang kinakabag na itong puso ko sa kaba. After five years babalik ako sa lugar na iniwan ko noon. Hindi ako mapakali simula ng araw na sinabi nila na uuwi kami sa Pilipinas.
"Welcome to Philippines" Anunsyo ng flight attendant habang papalabas ako ng eroplano
Welcome to hell kamo. Tsk
"Thank you" Sabi ko ng makita ko ang flight stewardess na lumaki ang mata. Napangiti nalang ako dito at nagtuloy-tuloy ang lakad na sinusundan si Anderson at Patricia kasama ang kambal. Ito na talaga nararamdaman ko na ang init nang Pilipinas sa balat ko. Nararamdaman ko na rin ang usok sa mga sasakyan, kahit nasa loob pa ako ng NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT at ramdam ko na rin ang kaba. Gosh
Habang naghihintay kaming mataspos ni Anderson sa pagkuha ng mga gamit namin ay inabala ko ang aking sarili sa pakikinig ng music sa aking cellphone ng may munting bata ang bumangga sa 'kin at napa upo sa sahig. Umiyak naman ito. Kaya mabilis ko itong dinaluhan.
"Are you okay, Little girl?" tanong ko sa bata habang naka-upo ako sa harapan nito at pinatayo ko naman ito.
"O-opo" iyak pa rin nito.
"Nasaktan ba kita?" Tanong ko ng may halong pag-aalala dito.
"No. I'm not, Mommy" Sabi ng bata sa 'kin at niyakap ako. Ako naman ay napakunot ang noo. Seriously tama ba ang rinig ko tinawag ako nitong Mommy. Inilayo ko ito ng kunti sa 'kin. Kita ko sa mukha nito ang pamumula ng ilong, maputi ito, may singkit na mata at curly ang maitim na buhok. Naka suot ito nang pulang damit at pink na flat shoes at may headban itong bunny na kulay pula polka-dot. Napangiti naman ako at pinahid ang luha nito gamit ang likod ng kamay ko.
"Baby Girl, im not your Mommy" Sabi ko. Nakita ko naman itong umiling sabay singkot parang iiyak na naman. Gosh.
"No! You are my mommy, daddy told me that you are a model and also my mommy. Right?" Tanong nito sa 'kin napakamot naman ako sa ulo.
Kulit naman nito, paano ba ito. Hmmm
"Yes, you are right, i'm a model," Sabay turo ko sa aking sarili. "But i am not your, Mommy" ngiti ko sa bata ng bigla na naman itong umiyak at nagtatatakbo. Palabas ng Airport. May mga tao ng nakatingin sa 'kin. May iba rin nakakakilala sa 'kin dahil kinukunan ako ng picture's pero wala sa mga kumukuha sa 'kin ng larawan ang aking atensyon kundi doon sa batang tumatakbo palabas ng Airport.
Kaya mabilis ko itong sinundan nang biglang nanlaki ang aking mata ng makita ko na tatawid sa kabilang kalsada ang bata at may paparating na yellow cab. Napahinto naman ang bata sa gitna kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo at hinila ang bata papalapit sa 'kin. Napahiga naman kami cementadong lupa nasa ibabaw ko ang bata na hindi gumagalaw. Nakita ko naman na humimto ang yellow cab at mabilis kaming nilapitan. May mga guard na rin ang lumapit sa 'min at mga taong tsismosa. Pero wala sa kanila ang atensyon ko di ko rin naririnig ang mga sinasabi nila sa 'kin. Nasa bata ako nakatingin dahil naka pikit ito na nakayakap sa 'kin. Bigla naman akong tinubuan kaba sa aking puso. Gosh.
"Baby, hey. Wake up, please" utos ko dito ng dumilat naman ito at napatulala ako kasi ngayon ko lang na realize na same eyes kami at may manipis na labi rin ito katulad ko. At nakita ko rin sa kanya ang mukha ng lalaking minahal ko, Si Samuel. Paanong?
"Okay lang po, Mommy" Sabay yakap nito sa 'kin. Humingi naman ng sorry sa kanya ang driver ng yellow cab. Di daw nito napansin na may tatawid. Sabi ko naman dito na okay lang. Humingi din ng sorry ang bata doon sa driver pati na rin ang guard ng Airport dahil hindi nila napansin ang paglabas ng bata.
"Mommy, are you mad?" malungkot nitong tanong sa 'kin. Ngumiti naman ako at umiling.
"No, im not. Pero next time wag ka nang tatakbo nang ganon. Okay ba?" Tanong ko dito tumango naman ito at niyakap ako sa leeg.
"Hmmm, baby," Tawag ko dito."Bakit po, Mommy?" sabi nito.
"Ano pala name mo?" tanong ko sa bata at bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa 'kin.
"Samuella Catharina but you can call me po Sammy or Ella, Mommy." at muli itong yumakap sa 'kin na ikinagalak naman ng puso ko. Nang ma-realize kung kapangalan ko ang pangalan nito Matigas lang iyong pagbanggit sa pangalan ko. Tapos yung Samuella naman may kahawig din siya sa pangalan ni
"Samuel" Bigkas ko nang may nagsalita sa likuran ko.
"Tawag mo ba ako, Misis?" tanong ng boses lalaki sa aking likuran. Humigpit naman ang pagkakayakap ko kay Sammy o Ella ay ewan Ella na ngalang.
"Daddy!" Tawag nang bata kung sino man ang tinatawag nito.
"Yes, baby" sabi naman ng lalaki na familiar na boses sa akin. Dahil ito ay walang iba kundi ang lalaking hindi niya makalimutan kahit limang taon na ang lumipas. Si Samuel
"Mommy is here, Daddy" masiglang sabi ni Ella kay Samuel.
"Yes, baby. She's here already." sabi naman ni Samuel. Pero hindi pa rin ako tumitingin dito. Nakatingin lang ako sa mga, dumadaan na sasakyan. Gosh. Ang lakas ng tibok nitong puso ko parang ano mang oras ay mahuhulog sa cementadong airport, gugulong hang doon sa kabilang kalsada dahil sa sobrang bilis.
"Mommy" tawag ni Ella sa 'kin na ikinatingin ko naman dito.
"Bakit?" Nalilitong tanong ko dito.
"Daddy is talking to you." sabi ni Ella sa akin. Wala na yata akong pagpipilian kundi ang tumingin sa lalaking nasa likuran ko. Kaya napatingin ako sa aking likuran at iyon nalang ang aking pag singhap ng makita ko na ang lalaking nagpakaba sa 'kin ngayon.
He is Wearing a v-neck shirt na hapit sa katawan nito, at kitang-kita ko ang bicep nito, naka suot ito ng pantalon na kupas. Naka slippers lang ito. Ang buhok nitong magulo na para bang hindi sinuklay pagkatapos maligo. Moreno pa rin ito. At mas nag matured pa ito. Napakagat naman ako sa 'king labi ng slight.
Nakita ko naman ito na dahan-dahan itong lumapit sa 'kin at walang sabi-sabing hinalikan ako sa 'king labi.
Napapikit naman ako.
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romance"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017