"Ahmm." Napa-ungol siya nang halikan siya ni Samuel nang sobrang pusok sa labi. Ang isang kamay nito ay nasa pisnge niya samantala ang isa naman ay nasa kanyang bewang. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili dahil hindi na naman siya tumutol sa halik na ibinigay sa kanya ni Samuel. Jusko ko po. Ganito. Mabilis ko itong itinulak hindi sa hindi ko gusto ang halik nito kundi sa nawawalan na ako ng hangin.
"Miss me that much. Huh?" tanong nito sa 'kin.
"Iwan ko sayo. Bat ka ba nandito.?" Tanong ko rin kay Samuel.
"Bakit masama nabang makita ka. Ayaw mo na ba akong makita. Tulad nang ginawa mo sa 'kin five years ago.?"
"Pwede ba Samuel wag mo nang ibalik pa ang nakaraan tapos na iyon. Mag move on ka na din. Kasi ako naka pag-move on na masaya na ako ngayon."
"Me too. Gusto ko lang naman makipag-usap sayo para sa closure natin. Pero palagi mo akong ini-iwasan. Nong pumunta ako sa unit niyo tumakbo ka lang. Nang nasa mall ka nagtago ka lang kung hindi ko pa nakita ang manager mo sa loob at kung di ko tinanong kung sino ang kasama niya di ko pa malalaman. Kaya hinabol kita pero nagwawala ka na."
"Kaya mo ba iniwan si Bianca sa sinihan nang araw na iyon.?" Tanong ko dito gusto ko lang malaman.
"No. Hindi ko naman iiwan si Bianca kung wala siyang kasama that time. Isa pa nagpaalam ako kay Bianca na kakausapin kita. Alam din niyang nasa probisya tayo. Noong gabing tumawag si Bianca sa 'kin ay nasa hospital ang daddy niya at hindi ko kayang makitang umiiyak ang girlfriend ko. Kailangan ako ni Bianca that time kaya sabi ko ipagpaliban ko nalang ang closure natin." paliwanag nito para namang nagsikip ang puso ko sa nalaman. Kung hindi pa pala pumayag si Bianca that time hindi rin ako kakausapin ni Samuel ngayon.
"Ano ka ba okay lang iyon. Kumusta na pala ang ama ni Bianca.?" Tanong ko dito pero sa totoo lang parang binibiyak ni Samuel itong puso ko. Nakita ko sa mukha ni Samuel na mahal na mahal niya si Bianca at kung ano mang Meron sa amin ni Samuel ay bilang dating magkasintahan at ngayon ay gusto nang tuldokan ni Samuel.
'Ako nalang pala talaga ang nagmamahal sa aming dalawa. Kasalanan ko rin naman kasi iniwan ko ito noon na walang paalam. Hindi ko rin masisisi si Samuel kung maghanap ito nang iba sa katauhan ni Bianca.'
"Ngapala kumusta na si Olive.? " Tanong ko kay Samuel
"She's doing great. May pamilya na siya ngayon at naka base na siya sa Austrilia."
"Really.? I mean anong taon siya ikinasal?" Tanong ko kay Samuel nakita ko naman ang pagtiim bagang ni Samuel at may halong lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Umiwas naman ako para hindi ko iyon makita kahit papaano.
" Dalawang buwan mula nang umalis ka. Actually, nagkasabay nga kami doon sa inyo dahil gusto ka niyang kuning made of honor kaso nag-alsa balutan ka. That time alam na narin niya na may relasyon tayo at masaya siya sa 'kin bilang kaibigan niya."
"K-kaibigan?" kandautal na tanong ko.
"Yeah," Walang ganang sagot ni Samuel sa kin. So all this time magkaibigan lang si Olive at Samuel na ikina-selos ko nang mga panahon na iyon. Ang dahil kung bat ako nagalit at iniwan si Samuel. "But don't feel bad. Kung hindi ka umalis that time hindi ko makikita ang babaeng para sa akin. Si Biance. And thank you for that." Isang ngiti ang sumilay sa mata ni Samuel at sa mga oras na ito nakadama ako ng awa para sa 'kin. Dahil alam kung masaya na si Samuel ngayon dahil nakahanap na ito nang babaeng mamahalin na hindi ito iiwan. At, ako nalang ang hindi pa. Ngumiti naman ako dito ng pagkatamis-tamis pero deep inside kinakain na ako ng sakit at inggit. Mas matatanggap ko pa yata ang panaginip na si Olive ang nagdala nang anak namin ni Samuel kaysa malaman ko na iba na ang babaeng mahal nito. Kung pwede ko lang gamitin ang linya ni Bea na... Ako nalang, ako nalang ulit. Pero alam kung hindi na pwede. Wala na sa mukha ni Samuel ang pagmamahal nito para sa 'kin. Kundi nakay Bianca ang babaeng mamahalin nito panghabang buhay.
Napakagat naman siya sa kanyang labi. Para hindi siya maiiyak. Kasi any moment tutulo na ang luha niya at iyon ang ayaw niyang mangyari ang umiyak at makita ni Samuel na nasasaktan siya at nagsisisi sa maling kasalanan. Siguro kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Iyong hindi ko iniwan si Samuel baka ako pa rin ang mahal nito at hindi si Bianca. Kung hindi lang ako nagpadala ng selos at galit na rin ay baka ako pa rin ang mahal ni Samuel.
"Okay ka lang ba, Katarina?" tanong ni Samuel sa 'kin. Napailing naman ako.
"Oo naman. Bat mo naman naitanong iyan.?" Ngiti ko dito.
"Wala lang para ka kasing hindi okay. So ano friends.?" Tanong pa ni Samuel sa 'kin.
'No way!'
"Yes, off course. Para naman wala tayong pinagsamahan noon." Sabi ko pa kay Samuel na may ngiti sa labi pero gusto ko nang umalis at iwan si Samuel. Magkulong sa sariling silid at hintayin na maubos ang luha ko.
"We still friends diba?" tanong pa nito sa akin. Inilahad naman nito ang sariling kamay sa 'kin. Para bang naghihintay ng sagot ko sa tanong nitong we still friends.
'Luh'
'Hindi. Gusto mo pictusan kita ng malaman mong hindi nagiging friends ang mag ex.'
"Oo naman. Friends pa rin naman tayo." Sabay abot ko sa kamay nito.
'Ikaw na ang plastic, Katarina. Pwede ka nang pangbalot sa lumpia tapos i preto sa kalahang madaming matika. Tsk' Ngumiti naman ako kay Samuel at kita ko sa mata ni Samuel ang isang masayang ngiti.
Okay lang iyan Katarina. Kung ano pa iyang nararamdaman mo kay Samuel ngayon alam kung balang araw mawawala din iyan pasasaan pat limang taon mo lang naman siyang minahal. Madami pang taon ang dadating. Nakapag-move on nga si Samuel ikaw pa kaya. Kaya mo iyan. Girl power.
_____________
#UNEDITED
#NoBackReading
#Goodnight
#thankyou!Charlotte Cuevas 😘
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Roman d'amour"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017