Chapter 27

8K 208 4
                                    

"Oo na ang kulit mo naman. Hindi ko po kakalimutan. Pagkatapos ng dinner uuwi agad ako. Basta wag niyo na akong sunduin. Malapit na rin kami sa restaurant na malapit lang kung saan condo unit tayo nakatira. I'll send you the address para mapanatag ka manager. Bye" sabay patay niya sa tawag ng kanyang manager. Pinayagan naman siya ng manager niya na makipag dinner kay Ethan. Kasalukuyan siya ngayon nasa loob ng sasakyan ni Ethan habang nakatanaw ang kanyang pares ng mata sa labas at ina-aliw ang mata sa manga nagkikislapang at ibat-ibang kulay ng Christmas light, at parol na naglalakihan na naka dikit sa bawat puno habang nag-iiba ng kulay. It's December 1st kaya sobrang traffic din dahil nga sa mga taong naglalabasan galing mall o pumapasok sa mall. Napabuntong-hininga naman siya nang magsakita ang katabi niya.

"I'm sorry. Hindi ko alam na ma traffic dito sana sa ibang daan nalang tayo dumaan. Nagugutom ka na ba?" Naka ngiti nitong tanong sa 'kin kaya napangiti nalang din ako dito nakakahawa kasi ito kung ngumiti. Kung hindi ko lang ito boss at hindi din ito Kapatid ni Samuel at kung wala akong nararamdaman kay Samuel at kung mangligaw ito sa 'kin. Agad ko itong sasagutin na kay Ethan na yata ang mga katangian na hinahanap ng mga babae o binabae. Gwapo ito. Matangkad. Maputi. Palangiti. May desinteng trabaho at higit sa lahat sweet at mabait ito. Every girls wish for.

"Ano ka ba naman okay lang iyon, di naman ako nagmamadali at isa pa hindi pa ako gutom. I can manage my tummy." ngiti ko dito. Tumango naman ito at muling tumingin sa harap ng sasakyan dahil umuusad na ulit ang mga sasakyan. Mayamaya ay narating din namin ang resturant kung saan kami kakain.

"Good evening, Sir, Ma'am." bati ng lalaking sa amin na nakasuot ng blue na damit at black na slack. "Do you have a reservation?" Magalang nitong tanong sa 'amin ni Ethan. Tumingin naman ako kay Ethan ng ngumiti ito

"Yes, Under Ethan Ig--" hindi na natapos ni Ethan ang sasabihin ng may nagsalitang babae sa likuran namin napatingin naman kami ni Ethan pati na rin iyong lalaking receptionist sa kakarating.

"Kuya Samuel. Ano'ng ginagawa niyo dito?" magalang na tanong ni Ethan sa kapated napatingin naman ako kay Bianca na parang tuko kung maka kapit s braso ni Samuel.

"Ano ka ba naman, Ethan syempre kakain kami dito. Alam kung kayo din." Sabay erap ni Bianca sa 'akin.

"Bakit di nalang tayo magsabay kumain since nandito na rin lang tayo" Suhestyun ni Samuel kay Ethan pero sa 'kin naka tingin. Tumango naman si Ethan sa sinabi ng kapated nito. Kaya no choice ako. Isa pa gutom na rin naman ako kanina pa.

Naka-upo na kami ng biglang nagpaa-alam si Ethan sa amin para sagutin ang tawag nito. Nag excuse din si Bianca sa amin na pupunta lang sa rest room. So ang ending kami nalang ni Samuel ang natira. Jusko po. Iwas ako ng iwas dito nagkikita din naman kami nagdi senasadya. Huy hirap. Hindi nalang ako nagsalita uminom nalang ako ng tubig at panay sulyap sa kung saan si Ethan.

"Pwede ba wag mo siyang tignan" saway ni Samuel sa 'kin.

"Paki mo ba. May mata ako kaya titignan ko kung sino ang gusto kung tignan." Sabi ko dito na naka kunot ang noo. Ano bang paki nito kung gusto kung titignan si Ethan. Eh. Sa hinihintay ko itong matapos para hindi nalang kaming dalawa dito sa mesa.

"Din ako ang titigan mo. Wag iyong iba." Utos ni Samuel binigyan ko naman ito ng seryoso ka look. At umiwas ako dito ulit ng tingin.

"Samuel," tawag ni Bianca sa likuran namin. Napatingin naman ako dito para kasi itong nagmamadali. "I have to go. Pinapa-uwi ako ng parents ko. My emergency sa bahay. Bye" iyon lang ang tumalikod na si Bianca sa amin. Seryoso. Hindi man lang nito ihahated. Kaloka.

Mayamaya ay si Ethan naman ang nagmamadali.

"I'm really sorry, Kat. I have to go may biglaang meeting. Kailangan ako doon ngayon." Sabi ni Ethan sa amin. Tatayo na sana ako nang pigilan ako nito.

"why?" Takang tanong dito. Tumingin naman ito kay Samuel.

"You can stay. My brother will assist you. Siya na rin ang maghahatid sa iyo. Bye" Nakatulala nalang ako sa likuran ni Ethan hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Iniwan na talaga ako nito. Okay lang sanang magpa-iwan pero iwanan akong kasama si Samuel it's a big big big. NO.

Agad akomg tumayo at kinuha ang bag ko pero hinawakan ako ni Samuel.

"What?" Asar kung tanong dito.

"Upo." Utos nito sa 'kin.

"At bakit?" Tanong ko ulit dito. Nakita ko naman itong ngumisi.

"Uupo ka o hahalikan kita ulit kagaya kanina. Mamili ka." sabay smirked nito sa 'kin napatingin naman ako sa paligid. Kung hahalikan ako nito paniguradong trending na naman ako. Kaya i choice the safety one. Ang umupo kahit napipilitan lang ako.

"What now?" Tanong ko dito sa na iinis na tono.

"Let's eat our dinner, together." sabay tawag nito sa waiter. Napairap naman ako dito. Mabilis naman kaming natapos. Kaya lang feel ko gutom pa rin ako dahil hindi ako nakakain ng maayos dahil sa kaharap ko na habang sumsubo ako e nakatingin ito sa 'kin kung maka tingin ay parang tatakasan ko. Seryoso? Pakiramdam ko nga parang hindi ako natunawan kahit hindi ako nakakain ng maayos. Gosh.

"Starring is rude, Mr. Ignacio" sabi ko dito sabay inom ng wine ko. Di na kasi ako mapakali.

"Hindi ko maiwasan. Maganda kasi ang nasa harapan ko." sabi nitong titig na titig sa 'kin. Gosh nakaka asiwa. Pero aminin niya lumakas yata ang tibok ng puso niya. Siguro sa sobrang kaba.

"I think we should go. Kailangan ko na ring magpahinga." sabi ko dito at inilagay ang wine glass ko na wala nang laman sa mesa.

"Yeah. We should go home now. Gumagabi na at pareho tayong napagod. Saan mong gustong umuwi sa Condo ko o doon sa dati kung saan kita inangkin." halos pabulong nitong sabi sa 'kin ako naman ay napatanga sa sinabi nito. Kasi hindi ko gaano narinig ang huling sinabi nito. 

"Sa condo ko kung saan ang manager ko. Wag mo na rin akong ihatid." Sabi ko dito sabay tayo.

"Hindi ko naman sinabing ihahatid kita sa condo mo. At hindi ko rin sinabing isasama kita kung saan ako uuwi" Sabay ngiti nito na nakakaloko. Bigla akong tumayo at nagtuloy-tuloy na lumabas sa restuaran kung saan ko iniwan si Samuel.

And for the second time. Iniwan ko na naman siya dahil galit ulit ako. This time hindi sa babae kundi sa pagpapahiya nito sa 'kin. Napakagat naman ako. Dahil any minute at tutulo na naman ang luha ko. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid kung saan ako tumutuloy.

'I hate him, too much for today, Samuel Ignacio' Sabi ng utak ko habang papalayo ako sa restaurant.



He Owns Me At Fifteen  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon