Kanina pa ako kinukulit nila Grasya at Kim na mag kwento tungkol sa nasaksihan nila kaninang umaga. Ikaw ba naman ang ihatid tas hahalikan ka sa harap mismo ng iyong empleyado.
Nakakahiya talaga.
Pero ano pa ang magagawa niya kahit pigilan niya si Samuel talagang gagawa ito ng kabalastugan.
"Ano na, Ma'am Kat. Mag ku-kwento kayo o kami na mismo ang magtatanong doon sa lalaking hinalikan ka. Choose." Pananakot pa ni Grasya sa 'kin. Napapairap nalang ako. Ang kulit ng dalawang ito. Nang biglang pumasok si judeth na para bang naiihi na di mo malaman.
"Hoy! Napapano ka at para kang tinakasan ng dugo?" Tanong ni Kim kay Judeth. Na ngayon ay napapa-upo at kinuha ang tubig ko na hindi pa naiinom.
"Hoy, Bruha ka. Kay Ma'am Yan." saway ni Kim kay Judeth. Napatingin naman saken si Judeth na hingal na hingal.
"I'm sorry for that, Ma'am Kat. Pero kasi po, Ma'am Katarina. May babae po sa labas galit na galit. Kahit anong paki-usap namin ay ayaw po talaga mapaki-usapan. Gusto niya po kayong maka-usap." kinakabahang paliwanag ni Judeth sa kanila. Tumango at tumayo naman ako para puntahan ang babaeng customer na nagwawala na sa labas.
"Sabi ko gusto ko maka usap ang manager niyo o boss niyo!" sigaw ng babaeng pamilyar ang likod sa kanya.
"Excuse me, Ma'am." tawag ko sa babaeng customer na nakatalikod pa saken. Mabilis itong humarap sa 'kin at pareha pa kaming nagulat sa isat-isa. Pero ito ang unang nakabawi at binigyan ako ng oh-it's-you-again-look.
"So you are the manager?" tanong nito sa 'kin na painsulto. Sasagot na sana si Kim pero pinigilan ko ito. Sabi nga diba customer are always right.
"No. I am the honor." proud kung sabi. Kita ko naman ang paglaki ng mata nito pero muling nagbago ang expresyon na naman nito.
"So ikaw pala ang may-ari. Akalain mo iyon. Ang dating sikat na modelo ay isa nalang store owner. How pathetic." ngisi pa nito sa 'kin. Pero i calm myself dahil madami ng mga tao ang nakatingin sa direksyon namin at ayaw ko ng gulo pa. Kung kaya pang pag-usapan, edi sige pag-usapan natin ng maayos.
"Yes. I am. Wala namang masama diba. Kasi unang-una nag resign na ako. At yung pera na ginamit ko ay sa pagmomodelo naman. Hindi sa masama galing ang pinatayo ko dito. Isa pa kahit hindi na ako magmodelo noon. May pera pa rin ako kasi heredera ako. Kahit hindi na nga ako mag-trabaho bilang sales lady." Sweet kung sabi at kita ko sa mukha nito na naiinis na ito.
"How there you. Talk to me like that. Customer niyo ako dito dapat ako ang tama."
"I'm sorry for that, ma'am. Ano po ba ang maipaglilingkod k--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ibinuhos na nito ang kape sa mukha ko. Naririnig ko ang pagsinghap at bulong-bulungan sa paligid namin. Ngisi naman ang ibinigay ni Bianca sa 'kin.
"Oh... I'm sorry for that hindi ko sadyang mabitawan ang kape." maarte pa nitong sabi sa kin sabay lapag sa tasang walang laman. Gusto ko na itong sampalin talaga pero ayaw ko namang masira ang reputasyon ng negosyo ko.
"It's okay, Ma'am. Customer is always right. So ano po ang--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nitong kinuha ang platito na may slice na cake at iginudgod sa mukha ko. Binitawan nito ang platito kaya nahulog ito sa sahig at nabasag. Pero hindi tulad ng platito ang pasensya ko. Hindi ako bibigay sa mga ginagawa sa 'kin ni Bianca ngayon. Pero pagbinigyan ako nito isang rason na ikakagalit ko ay ewan ko nalang talaga.
"Sumosubra ka na ha. Alam naming customer is always right. Pero talagang papatulan na kita!" Susugod na sana si Kim kay Bianca pero pinigilan ko ito.
"Pero, Ma'am Kat." sabi ni Kim sa 'kin.
"Kim, i can handle this. Saka hindi naman iyon masakit. Kaya ko pa." Pagbibigay assurance ko kay Kim kaya tumabi nalang ito.
"Ma'am--" putol na naman ni Bianca sa sasabihin ko. Namumuro na ito ha. Kunting-kunti nalang talaga.
"Bat hindi mo sinabi sa kanila kung sino ako, Katarina. Natatakot ka bang malaman nilang lahat kung sino ka talaga. Natatakot ka bang malaman nila na inagaw mo ang asawa ko, kaya iniwan ako ni Samuel." Hindi tanong kundi deklarasyon ang sinabi nito kaya nakarinig na naman ako ng bulong-bulungan sa buong paligid.
"Bianca, please ayaw ko ng gulo. Kung wala kang magandang sasabihin... Just leave." Sabi ko dito.
"Say... Narinig niyo ang sinabi niya ayaw niya ng gulo. Hindi niya inamin pero hindi niya rin idi-ni-diny." Umikot pa si Bianca para tignan ang lahat ng tao sa loob ng Bake Me Or Not. Napatingin naman naman ako sa paligid may ilang taong nagbubulungan, may kumukuha din ng video sa 'min ni Bianca. Bago bumalik ang tingin nito sa 'kin. "Ayaw mo ng gulo dahil totoo ang sinasabi ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Samuel. Dahil sa iyo kaya nawalan ako ng anak.. Dah--" Agad kung pinutol ang sasabihin ni Bianca sa 'kin.
"Tang-ina mo Bianca,!" Sigaw ko dito. "Unang-una wala akong inagaw sa iyo. Ikaw mismo ang nang agaw sa ating dalawa. Kaya wag na wag mong sasabihin sa akin na ako ang nang-agaw kaya na sira ang buhay mo. Unang-una ako ang naka una kay Samuel. Kense anyos palang ako kilala ko na si Samuel. Pangalawa ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay mo, hindi ako. Bat di mo sabihin sa kanila kung bat nasira ang buhay mo. Sabihin mo," panghahamon ko dito pero hindi ito nagsalita. "Bakit hindi ka nagsasalita. Dahil ba totoo. Ikaw mismo ang nagsira sa buhay mo at hindi ako. Bat hindi mo sabihin sa kanila dahil takot kang malaman ng lahat na ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Samuel, dahil ano. Dahil pina-ako mo kay Samuel ang anak mo sa ibang lalaki. Diba,?" Tanong ko dito. Muli akong nakarinig ng bulong-bulungan sa paligid nakita ko naman na napa-ayos ng tayo si Bianca. "Ay, hindi pala... Hindi pala ibang lalaki kundi kapatid mismo ni Samuel. Ano nga, sabi mo kay Ethan paghindi niya ginawa ang lahat ng iniutos mo sa kanya ay papatayin mo ang sanggol sa sinapupunan mo. Pero ano hindi ka nagtagumpay hindi hinayaan ng panahon na humaba pa ang kasinungalingan mo. Naniniwala na talaga akong karma is real." tatalikod na sana ako kaso hinila nito ang buhok ko at binigyan sana ako ng sampal sa mukha pero nahawakan ko ang kamay ni Bianca dahil sa sobrang galit ko ay hinila ko ito at hinawakan ang buhok nito at iningud-ngud sa buong cake na alam kung kabibili pa lang ng customer namin at kinuha ko din ang tasa na may lamang kape at ibinuhos ito kay Bianca. Ginawa ko lang ang ginawa nito kanikanina lang sa 'kin. Pero hindi ko alam na malakas pala si Bianca kaya naitulak ako nito dahilan para matumba ako at dinaganan ako ni Bianca. Naramdaman ko nalang ang matutulis na kuku nito na bumabaon sa 'kin. Gumaganti naman ako pero hindi ko kaya ang lakas ni Bianca.
"Papatayin kita, Katari--" hindi na natapos ang sasabihin ni Bianca sa 'kin dahil bigla itong nawala sa harapan ko dahil may humila dito at naka-upo na ito sa sahig at na hilong-hilo. Tinulungan naman ako ni
Samuel!
"Are you okay, Misis ko?" Sabay halik sa 'kin ni Samuel sa labi. Tumango lang ako dito At tinulungan akong makatayo ni Kim, Judeth at Grasya.
Nakita ko naman si Samuel na lalapit sana kay Bianca pero pinigilan ko ito. Nakita ko ang mukha ni Bianca na namumula alam kung galing ito kay Samuel.
"Niloko mo na nga ako, Pinatay mo na nga ang anak ng kapatid ko tapos ngayon sasaktan mo pa si Katarina. Nababaliw ka na nga!" sigaw ni Samuel kay Bianca.
"Please lang, Bianca. Ayaw ko na ng gulo. Please lang umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis." nakita ko naman na lumapit si Manong Asyong at si Joseph na alam kung driver ni Samuel.
"Dont touch me!" sigaw ni Bianca sa dalawa. "Hindi pa tayo tapos Katarina sisiguraduhin kung mawawala ka sa buhay ni Samuel. Sa buhay namin." sabi ni Bianca sabay talikod.
Tumingin naman ako sa buong paligid at humingi ng sorry sa mga naabala at yung cake na nasira ko ay pinapalitan ko. Humarap ako kay Samuel pero lumapat ang labi nito sa labi ko at binigyan ako ng torrid kiss. Rinig ko rin sa paligid ang pagsinghap ulit ng mga tao.
Baliw talaga. Napahagikhik nalang ako sa 'king isipan. Gumanti nalang din ako ng halik kay Samuel.
__________________
HEhehe.#UNEDITED
#ThankYou
#GoodEveningCharlotte Cuevas 😘
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romance"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017