Nagising ako sa sobrang lamig na nanggagaling sa aircon. Pero hindi ko iyon alintana. Napansin kung wala na si Ethan sa tabi ko kaya bumangon ako para hanapin ito. Lalabas na sana ako ng silid ng maaninag ko si Ethan sa terece namin at may kausap ito sa cellphone nito. Lalapit sana ako nang marinig ko ang pangalan namin ni Samuel. Ano naman ang kinalaman namin ni Samuel sa kausap nito.
"Ginagawa ko na ang lahat. Ano pa ba ang gusto mo." ramdam na ramdam ko ang galit na boses ni Ethan sa kausap nito. Kung sino man.
"Ginawa ko na ang sinabi mo kasal na kami ni Katarina. Inilayo ko na siya sa kapatid ko kahit ayaw ko. Alam mo bang nakokonsensya na ako. Nasasaktan ko ang kapatid ko, Bianca. Limang taon kung gaano ka misarable ang buhay ni Kuya Samuel dahil sa pag-alis ng babaeng mahal niya. Alam mo iyon." parang biniyak ang puso ko na malaman na palabas lang pala ang lahat.
"fuck. No. I wont do that. Hindi ko naman gagawin ito kung hindi mo lang papatayin ang anak ko na nasa sinapupunan mo." nakita ko naman na binaba ni Ethan ang cellphone nito at papasok na kaya dali dali siyang tumalon sa kama at nagkumot. Akala niya okay na sasaya na siya sa piling ni Ethan yun pala isang kasinungalingan lang ang lahat.
Siguro karma na niya ito dahil iniwan niya noon si Samuel. Bigla siyang nanigas nang lumapit ang bibig ni Ethan sa noo niya.
"I'm sorry, Katarina. Hindi ko kayang mawala ang anak ko. Bakit pa kasi ako nagpagamit sa babaeng hindi naman pala talaga ako mahal. Patawarin mo sana ako kung inilalayo kita sa kapatid ko. Kung may magagawa lang sana ako wala sana tayo sa sitwasyong kailangan kitang gamitin para hindi saktan ni Bianca ang anak ko na nasa sinapupunan nito. I love you Katarina pero bilang kaibigan. Im really sorry." Narinig naman niyang bumontong-hininga si Ethan pero sa mga oras na ito ang ini-isip niya si Samuel. Si Samuel na habang buhay na hindi mapapasakanya. Narinig niya ang pagbukas-sara nang pintuan hudyat na lumabas si Ethan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nag dial na sa mga oras na ito ay isang tao lang ang makakapagkalma ng nasasaktan niyang puso.
"Please answer your phone." mahinang bulong niya ng may sumagot na sa kabilang linya.
"Hello" Parang nadisturbo niya ito. Humikbi siya hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha.
"Samuel" tawag niya dito.
"Katarina. Fuck. Misis, ko bakit ka umiiyak" bigla naman akong natawa sa tinawag nito sa 'kin. Akala naman niya asawa ako nito.
"Sorry. Kasi iniwan kita noon. Kung alam ko lang na wala palang namamagitan sa inyo ni Olive, edi sana tayo pa rin ngayon. Gaga lang talaga ako. Wag kang mag-alala kahit malayo man ako gusto kung malaman mo na hindi man lang nawala ang pagmamahal ko sa 'iyo. Sana sa pagbalik ko... Okay na ang lahat sa ating dalawa."
"Iiwan mo na naman ba ako, Katarina. Ang layo na nga natin sa isat-isa tapos lalayo ka pa ulit. Pero kung iyan man ang gusto mo kahit masakit tatanggapin ko. Hihintayin kita. Sana ako din mahintay mo ako. Gusto ko rin malaman mo. Mahal na mahal kita." Napatango naman ako dito na akala mo nakikita ako ni Samuel.
1 Year Later
"Ano na naman ang kaguluhang ito?" Tanong ko sa mga staff kung babae at binabae dahil nasa labas na sila at nagkandahaba-haba na ang mgs leeg. May ilan din mga customer na napapatingin sa labas.
"Eh, kasi po ma'am ang gwapo ng nakasakay sa kotseng iyan. Makalaglag panty." sabi pa ni Grasya sa kanya at talagang kinikilig pa. Mas tumili na naman ang ilan niyang staff.
"Gaga, wala kang panty. Brief ang meron ka. At kayo jan bumalik ns kayo sa trabaho niyo o gusto ninyong bawasan ko nalang bawat oras na itatayo niyo jan para kaltas agad sa sweldo niyo." pananakot ko sa mga staff ko.
"Ay. Wag naman po. Ito na nga diba babalik napo kami sa pwesto namin." Sabi ni Grasya sa kanya at pinagkukurot nito ang mga babae na nakatingin pa rin sa labas ng Bake Me Or Not at bumalik na sa pwesto.
Isang taon din ang lumipas at kahit papaano ay naka move on na siya sa sakit noon. Nang malaman niya ang panloloko ni Ethan sa kanya ay agad siyang nagfile nang divore pero ang nakakagimbal ay hindi sila kasal ni Ethan dahil fake lang pala ang nagkasal sa kanila. Nagpapasalamat talaga siya hindi nagbunga ang nangyari sa kanila ni Ethan. Nasaktan man siya nito ay napatawad na niya rin. Humingi din ng sorry si Ethan sa kanya. Gustuhin niya mang magalit ay hindi niya magawa dahil kapatid ito ng taong mahal niya at nagawa lang naman nito iyon dahil sa batang gustong patayin ni Bianca sa sinapupunan nito. Pero sa isang taon wala na siyang balita pa. Matapos niyang umuwi sa Pilipinas ay agad niyang iniwan ang buhay modelo. Will ang manager niya ay may agency na ito na kumukuha ng mga modelo sa ibat-ibang bansa. Pagkatapos niyang iwan ang buhay pagmomodelo ay naghanap siya ng lugar na hindi siya gaanong kilala at iyon ay ang Batangas nagtayo siya nang kanyang negosyo at ito ang Bake Me Or Not at naging succesful naman ito at kilala na rin sa iba pang lugar. Napabuntong-hininga ulit siya at pinagmasdan niya ang ilang mga customer na kinikilig. Bigla tuloy siyang nairita iwan niya ba. Sa palagay niya tumambay lang ang kotse na ito sa parking space na nakalaan para sa mga customers ng Bake Me Or Not. At dahil sa pagka-irita ay tinignan niya ng masama ang staff niya at biniro gamit ang relo nito kaya yung iba ay nagbese-busihan agad napa iling nalang siya. Agad siyang pumasok sa mini office niya dahil busy siya sa paggawa nang ibat-ibang desenyo ng cake para sa bago niyang customer. Mayamaya ay bigla nalang siyang napatigil dahil nagtitilian na naman ang naririnig niya pero mas malakas ang tili ng mga staff niyang bakla.
"Ano na naman ba ito. Hindi pa rin ba kayo tapos sa pagpapantasya sa kotse na nasa labas.?" tanong niya nang lumapit ulit si Kim na bakla rin ay may hawak-hawak itong isang pink tulips at ini-abot sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Ano na naman ito Kim?" tanong niya dito at tinignan lang ang tulips.
"Ma'am Katarina, kanina po kasi habang nasa loob kayo ng office niyo bumaba iyong lalaking nasa loob ng sasakyan na iyan," Sabay turo doon sa kotse na itim. "Tapos ibinigay po ito. Kunin niyo daw po kasi maganda daw kayo ngayon." Sabay ngisi ni Kim sa kanya. Aminin niya man o hindi kinilig siya pero dahil seryoso siya ngayon dapat tutuhanin na niya. Will hindi naman siya estrikto sa mga empleyado niya ngayon lang. Agad niyang kinuha ang tulips sa kamay ni Kim at nagdiri-diritso ang lakad niya palapit sa kotseng itim. Agad niya itong kinatok sa bintana ng kotse pero hindi bumubukas mayamaya pa ay biglang nag start ang kotse at iniwan siya nitong tulala. Para bang may masakit sa puso niya nang umalis ang itim na kotse. At araw-araw na ito sa parking lot at binibigyan siya ng ibat-ibang klasing bulaklak kaya hindi na niya matiis agad siyang kumuha ng bati at ibinato sa hood ng kotse nito at nagwala na siya pero tulad noon uma-alis pa rin. Pambira.
THE END (Joke lang)
---------------------
Pambihira sino kaya iyon?#UNEDITED
#ThankyouCharlotte Cuevas 😘
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romansa"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017