Chapter 12

9.4K 206 1
                                    

5 YEARS LATER

"Pack up!" Sigaw ng photograper sa aming lahat. Ako naman ay napa buntong-hininga. Finally makakapagpahinga na ako ngayon araw na ito na walang ibang ini-isip. It's been five years. Limang taon na ako dito sa US nong una pa ay nahihirapan aking mag adjust dahil lumaki ako sa Pilipinas buong buhay ko.

It's been a crazy ride. Hindi ko alam na magiging sikat akong modelo dito sa US. Nong una ay tumangi ako dahil baka magalit sa 'kin ang Lolo ko dahil baka mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero yun ang akala ko. Si Lolo pa mismo ang nag encourage sa 'kin na maging isang modelo basta wag ko lang daw papabayaan ang pag-aaral ko, at isa pa kaya lang naman ako pumunta dito sa US para makapag move on sa sakit ng puso ko na hanggang ngayon ay na andito pa rin. Sakit na kailan man ay 'di na yata maaalis sa 'kin. Oo limang taon, niloloko ko lang yata itong sarili ko. Kahit limang taon na ang lumipas ay siya at siya pa rin na andito sa puso ko. Pero alam ko naman ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Ako lang.

Sinubukan ko naman ang lahat, lahat nang paraan para makalimutan siya. I dated lot's of men pero wala talaga. Sinubukan ko na rin mag kwento sa isang mental doctor itong nararamdaman ko ay ganoon pa rin.  Kahit ang kababata ko pang si Black na umamin  na may pagtingin ito sa 'kin ay sinubukan ko ring i date ay wala rin. Kaya tumigil na ako at hayaang nalang ang puso ko ang kusang tumigil sa pag tibok para kay Samuel ay bigo pa rin dahil hanggang ngayon, limang taon na ang lumipas ay si Samuel pa rin. Wala nang iba. Napabuntong-hininga ulit ako.

Nang narinig kung tumili si Anderson a.k.a Andrea ang personal assistant ko habang winawagayway ang isang white envelope. Nasa likuran naman nito ang Manager kung si Penelope a.k.a Patricio, yes. She is a lesbian so on with Andrea na isang gay but they are together. Mag asawa silang dalawa at may kambal na anak.

Napakunot noo naman ako sa dalawa habang ang lalaki ng mga ngiti nila. "May good news ba at ang saya ninyo pareho?" tanong ko na naka ngiti na rin nakakahawa kasi ang mga ngiti nila pero don't get me wrong kung gaano sila kapalangiti ay ganun din sila ka strikto pagdating sa trabaho o sa 'kin. Pag sinabing bawal talagang bawal.

"Yes! Good news!" Tili na rin ni Patricia nahawa na rin kay Anderson.

"Okay, " sabi ko. "So what's the good news?" tanong ko ulit.

"Ikaw na mahal" Sabi ni Patricia kay Anderson.

"We where going to Philippines!" Tili ni Anderson with matching talon talon pa at kending.

"What!?" Sigaw ko na ikinatigil ni Anderson sa pag kending at ikinawala ni Patricia ng ngiti. Gosh.

"Anong what, Narinig mo ako diba. Pupunta tayo sa bansang sinilangan mo" ulit ni Anderson

"No" Sabi ko sabay talikod sa kanila. Yes parehong kano si Anderson at Patricia. At natoto silang mag tagalog dahil sa 'kin. Pero ang malaman na pupunta kami sa Pilipinas ay hindi pwede. Hindi sa ayaw ko na sa Pilipinas pero umiiwas lang ako. Oo inamin kung mahal ko pa rin si Samuel pero hindi ko na gustong makita pa ito.

"You can't say no, we cannot say no, Too" Salita ni Patricia.

"At bakit naman?" Nakataas ang kilay ko. "We have rules. Pag-ayaw ko hindi niyo ipipilit. Diba?" Tanong ko ulit sa kanila. Nakita ko naman silang tumango.

"Oo yun ang rules natin. But you can't say no into this, Kat. Makakasuhan kami mas lalo ka na dahil pumirma ka sa contract."  Paliwanag sa 'kin ni Patricia, si Anderson naman ay napaupo nalang sa sofa at hinilot-hilot ang ulo nito.

"What! Wala akong pinermahang contract. Paanong kakasuhan ako, aber?" Tanong ko dahil pati ako ay sumasakit na rin ang ulo. Gosh akala ko naman ay makakapagpahinga ako ngayon. I am wrong pala.

"You remember. Three days ago. Sabi namin sayo may kumuha sayong isang company na mag endorsed sa bagong tayo nila Hotel resort and Casino, sa pilipinas iyon. Tapos kahapon binigay namin sayo ang contract na agad mo naman penirmahan." paliwanag ni Patricia sa 'kin.

Napahilot naman ako sa aking ulo. "Pwede pa bang umurong?" Tanong ko. "May iba pa bang paraan pa ba?"

"Yes, pwede kang umurong. At may paraan pa"

"A-ano?" Tanong ko kay Anderson. Kahit ano gagawin ko wag lang ako matuloy sa pag uwi ng Pilipinas.

"Sabi sa kontrata mo magbabayad ka ng 20 Billion" napatanga naman ako sa sinabi ni Anderson sa 'kin seryoso 20 Billion. Wala akong ganong kahalagang pera. I mean meron pero damn sinong baliw ang magbabayad nang ganong kalaking amount para lamg umurong sa isang kontrata. Diba wala.

"Wala na bang iba?" tanong ko baka kasi merun pa. Sumasakit na talaga lalo ang ulo.

"Yun lang talaga ang hinihingi nila. Pag umurong ka" sabi ulit ni Anderson si Patricia naman naka kunot ang noo na nakatingin sa 'kin.

"What?" Tanong ko dito.

"Bakit ayaw mong umuwi ng Pilipinas? Katarina it's your country. Five years ka na rin dito sa US. Hindi mo ba namimiss ang Pilipinas?" Tanong ni Patricia sa 'kin

No!

"Hindi naman sa hindi ko gustong umuwi sa Pilipinas, Pat kaya lang madami akong trabahong maiiwan dito."

"I don't believe you. As far as i know manager mo ako at P.A mo naman si Anderson at alam namin ang schedule mo. Tell me, Katarina. May tinakasan ka banag problema sa Pilipinas kaya ayaw mong bumalik sa kinalakihan mong bansa?" Tanong nito sa 'kin.

"Wala" Sabi ko pero hindi ako tumingin sa mata ni Patricia baka kasi makita nito sa mata ko na nagsisinuwaling lang ako kung bakit ayaw kung umuwi sa pilipinas.

"Wala pala, eh. So tuloy tayo sa Pilipinas and that's final"

"Pero"

"Im your manager, Katarina Amorganda. Rules is rules." Sabay Tayo ni Patricia at Anderson at lumabas na nang silid at iniwan akong nag-iisip.

Napabuntong-hininga naman ako. So wala na talaga akong takas. Hinihiling ko nalang talaga na wag mag cross ang landas namin.

He Owns Me At Fifteen  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon