Ano ba Katarina wala lang yun. As in wala lang ang kiss niyong dalawa. Dahil lang iyon sa aso kaya napagbigyan mo nang isang halik si Samuel. Yun lang. Okay. Uso din ang move on, matulog kana. Hindi porque hinalikan ka ni Samuel kikiligin ka na.
"Ahhhhhhh! Magpatulog ka naman Samuel. Hindi dahil pumayag akong magpahalik sayo i wala kang planong patulogin ako." mahinang sambit niya. Habang pagulong-gulong siya sa higaan. Pero sa huling ikot niya ay nahulog siya nang wala sa oras at dahil doon napatili siya.
'Aray ko po. Kasalanan mo talaga ito Samuel.' Nakarinig naman siya nang mahina pero sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas ng pintuan ng tinutulugan niyang silid. Kahit masakit pa kunti ang balakang niya ay pinilit niyang tumayo para pagbuksan ang nasa labas ng silid niya at tumambad sa kanya si Samuel na may hawak-hawak na cellphone.
"B-bakit?" Kandautal kung tanong dito.
"Okay ka lang ba.?" Tanong nito sa akin kaya mabilis din akong tumango.
"Good. Then fixed yourself. Kailangan nating bumalik sa Manila."
"Bakit?" Takang tanong ko dito. Akala ko ba tatlong araw kami dito bat parang nagmamadali itong makauwi sa Manila.
"Bianca needs m--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Pagkarinig ko lang naman sa pangalan ng girlfriend nito ay automatiko akong napatango.
"Hintayin mo nalang ako sa labas. Magaayos lang ako." sabay sara ko nang pintuan dito. Wake up Katarina malamang most top priority niya ang girlfriend niya kahit siguro mag request ka na manatili muna kayo dito e hindi ka pagbibigyan. Ex ka lang niya. Lintik na puso to bat ka pa nasasaktan. Dapat hindi na diba. Kita naman na naka move on si Samuel sayo. At yung kaninang kiss niyo sa sapa malamang bayad lang iyon sa pagtulong niya sayo. Iyon lang wag kang mag assume. Napabuntong-hininga nalang siya.
"Anong merun sa mukhang iyan?" Tanong nang manager niya sa kanya. "Okay, fine. Hindi ko na itatanong. Base sa pagmumukha mo gets na gets ko na."
"It's not what you think it is." Sabi ko dito.
"Hindi ba? Come on, Katarina. Two weeks na iyon. Move on move on din. Syempre uunahin ang girlfriend niya kaysa sa iyong ex-girlfriend niya. Luh. Kung di ka ba naman shunga-shunga noon edi sana ikaw ang kasama ni--"
"Hindi nga si Samuel ang inisip ko. Ano ba" asik ko dito.
"Sure ka rin ba na si Samuel ang pangalan na sasabihin ko. Hindi diba?" Napatingin naman ako dito.
"E sino pala?" Kunot noong tanong ko dito.
"Wala na. Si Samuel nga ang ini-isip mo kahit sabihin ko pa kung sino ang inisip ko. Nakatanim na jan sa utak mo si Samuel." sabay ngiti nito sa 'kin.
"Fine. Oo siya nga. Ano masaya kana?" tanong na pa irap ko dito.
"Bat mo naman siya ini-isip.Care to share." sabay taas pa nito nang kilay. Kasalukuyan sila ngayon na nasa salon at nagpapa reband ang manager niya siya naman ay nagpapa foot spa. Mini at pedi.
"Ang weird niya kasi e. Kung kasama niya ako iba ang ipinapakita niya sa akin. Pero pag tumawag lang iyong Bianca abay nag-iiba na naman ng mode. Ay iwan basta di ko siya ma gets."
"Baka naman kasi ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. He is your boss. Malamang sa malamang magpapakita siya ng concern sayo kasi nga obligasyon ka nila... Kahit ex mo daw si Samuel kahit nga si Ethan. Nakukuha mo ba ang punto ko. So please lang never assume. Baka kasi sa huli ikaw lang ang masasaktan."
'Bat parang ang sakit naman. Tama naman ang manager niya boss niya si Samuel at kung ano ang pinapakita ni Samuel sa kanya ay isa lang iyong asal ng isang boss sa empleyado nito.'
Tumango naman siya sa manager niya ngayong nakapikit na. Dapat na sigurong iwasan niya si Samuel. At para wag na siyang umasa pa. Mabilis naman natapos ang pagpapaayos nila sa salon. Nauna naring umuwi ang manager niya dahil nag promise daw ito na magluluto ng dinner sa kambal nagpaiwan naman siya dahil hindi niya pa trip ang umuwi. May mga taong napapatingin sa kanya, nagpapa-picture at humihingi nang pirma na pina-unlakan naman niya.
"Hindi ko akalain na ganyan ka kabait sa mga fans mo at halos lahat pinagbibigyan mo. Siguro naman pagbibigyan mo rin akong maka usap at makasama ka?" napatigil naman ako sa tanong na nang galing sa aking likuran. Damn nakakamiss ang boses niya. Humarap naman ako dito at binigyan siya nang pangmalakasang irap.
"Fan ba kita para pumayag ako sa request mo?" Tanong ko dito habang naglalakad ako nasa likuran ko naman ito.
"No im not. Pumayag kaman o sa hindi wala kang magagawa kundi ang pumayag."
"Paano pag hindi ako pumayag sa gusto mo. Ano naman ang gagawin mo. Tatakutin mo ako. Will im sorry pero hindi ako natatakot sa iyo. Kaya Goodbye mr. Ignacio."
"I understand pero gusto ko rin humingi nang sorry sa gagawin ko sa iyo." Sabay buhat nito sa akin na para bang isang sakong bigas.
"Omg! Samuel. Ano ba put me down. Nakakahiya. Put me down." utos ko dito pero hindi man lang ito nakinig sa 'kin.
"Sinabihan na kita diba wag mo akong inisin pag sinabi kung gusto ko nang oras mo pagbibigyan mo ako. Pero wala matigas ang ulo mo kaya dapat lang ito sayo." napapadyak siya sa sobrang inis kay Samuel kahit hindi naman niya abot ang lupa. Gago talaga akala siguro nito gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Nakakahiya pinagtitinginan na sila ng lahat nang tao sa mall. Pero ang loko-loko hindi man lang nahiya at talagang ngumisi pa ito. Nakita niya naman na sumaludo kay Samuel ang lahat ng guard sa kanila kiya binigyan niya ang mga guard nang i hate you also look.
"Ano ba. Ibaba mo ako. Hindi ka na nakakatuwa, Samuel. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao na kaladkarin akong babae. God. Samuel dahil sa ginawa mo baka bukas na bukas rin nasa tabloid na ako. Hindi ka kasi nag-iisip. Lagot na naman ako nito sa manager ko." nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa ni Samuel. Bat ba ang hilig-hilig nitong humalik sa akin.
"Isa pang halik mo, Samuel. Malilintikan ka na talaga sa 'kin. Makita m--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil muling lumapat ang labi ni Samuel sa aking labi at binigyan ako nito nang nag-aalab na halik.
"Wala akong paki alam sa mga taong nanunuod sa atin. At wala ka ring paki-alam kung gusto kitang halikan. Damn. Namimiss ko na ang halik mo. Fuck." Sunod-sunod na mura ni Samuel at muli ako nitong hinalikan ng mapusok sa labi na tinanggap ko naman.
___________
#UNEDITED
#GoodAfternoon.
Charlotte Cuevas
BINABASA MO ANG
He Owns Me At Fifteen (COMPLETED)
Romantizm"Let's play hide and seek but you cannot change that... I own you since your FIFTEEN.- Samuel Ignacio Story Publish: September.24. 2017 Story Finished: December. 19. 2017