Chapter 38

7.7K 169 2
                                    

Pabaling-baling at kandahaba-haba na ang kanyang leeg sa labas ng Bake Me Or Not sa mismong parking lot nila pero wala doon ang kanyang hinahanap. Tatlong araw na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang kotse na itim na palaging nakapark. Hindi sa naman na namimiss niya ito talagang curious lang siya sa pagbibigay ng bulaklak sa kanya. Muli siyang tumingin sa labas sa huling pagkakataon nagbabaka sakali na naka park na itom pero bigo parin siya.  Napabuntong-hininga nalang siya nakakabaliw pala.

"Uy! Si Ma'am Kat. May hinihintay" Biro pa sa kanya ni Grasya nag second demention naman si Kim dito kaya lahat ng staff niya, eh. Inaasar na siya.

"Pwede ba. Bumalik na kayo sa trabaho ninyo. Fyi. Wala akong hinihintay. Nacu-curious lang kasi ako doon sa kotseng palaging nakatambay sa labas,  kayo ba hindi?" tanong ko sa kanila.

"Inamin niyo rin, Ma'am Kat. Na hinihintay niyo rin. Kunwaring ayaw niyo pa eh." Tudyo sa kanya ni Grasya kaya binigyan niya ito ng wag ako look. Kaya tumigil nalang ito pero ang mata nito iba ang sinasabi.

Tumingin siyang muli sa labas. Baka nga nakikipark lang iyon. Tapos siya over over na kung maka react. Nakakahiya. Napalingon siya kay Kim ng nagsalita ito habang inilalapag ang tatlong tasang kape sa bagong customer nila na puro matatanda na babae.

"Wala naman po. Ah. Baka kayo lang ang nagiisip ng ganoon." sabi ni Kim tas ngumiti naman ito sa mga matandang ginang na nagpasalamat dito.

"Kung wala bat niya ako binibigyan ng bulaklak. Ano tingin niya sa 'kin patay.?" Inis niyang tanong kay Kim narinig naman niya ang mga ginang na tumatawa rin. Tsk. Nang biglang tumingin sa kanya ang isang matanda na may bilugan na mata. Kahit matanda na ito pero nakikitaan pa rin ng pagkadalaga. Hay sana katulad rin siya nito pagtanda niya.

"Naku hija. Baka naman natakot lang sayo. Baka kasi masipa mo sa burat niya pag nagpakilala siya sayo." Ngising nakakaloko sa kanya ng matanda at nakikitawa na rin ang dalawang matanda sa kasama nila. Narinig din niyang nagpipigil si Grasya at Kim at siya naman ay nanlaki ang mata sa sinabi ng matanda.

Siguro nga hindi na iyon babalik dahil sa asal kalye niya. Kung totoo ngang nakikipark lang ito at ang pangbayad sa kanya ay bulaklak lang nako po kailangan niyang mag-sorry kasi nasira niya ang hood ng kotse nito noong nakaraang linggo. At baka siraan pa nito ang negosyo niya. Para pa namang mayaman dahil sa klase ng kotse nito. Jusko po wag naman sanang ganoon. Isang taon palang ang negosyo niya. At maraming mawawalan ng trabaho pagnagkaganon. 

Dumaan na ang isang buwan ay hindi na talaga nagbalik ang kotseng nakaparada sa parking space nila. Dahil doon ay nakalimutan na rin niya ang tungkol doon. Nagpatuloy ang buhay niya mas lumago pa ang negosyo niya at ngayon ay may second branch na ang Bake Me Or Not. Mas dumami pa ang customer nila na dumadayo lang sa batangas at naisama pa nga ang negosyo niya sa isang sikat na magazine kung saan pinapakita ang mga produkto. Kaya yung ibang mga event organizers ay kinokontrata sila. At mas lalo pang dinagsa ng malaman nila na anf dating model na si Katarina Amorganda ang nagmamay-ari kaya minsan nabubuset na siya dahil dumadami na ring mga lalaking tumatambay at mga nagpapadala ng bulaklak sa kanya. May ilan ding nag-ooffer sa kanya na mag modelo ulit pero tulad ng dati ay tumatanggi na siya. Isa pa ay masaya na siya ngayon bilang isang negosyante. Pero nakukuha nga niya lahat pero may isa lang ang hindi na niya makukuha ang lalaking na ngako sa kanyang babalikan siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating. Sign na yata iyon na she needs to move on na.

Naniniwala rin siya sa kasabihang ang pangako ay napapako. Ibinaling nalang niya ang kanyang mata sa mga produkto. Kasalukuyan siyang namimili ng iririgalo sa tatlo niyang staff na magkapareha ng birthday si Manong Asyon na security guard, Si Grasya na Cashier at Si Kuya Toper na taga tulong sa kanyang gumawa ng cake. Natapos na niyang bilhan si Manong toper ng damit, pantalon at sapatos. Ganoon din si Grasya binilhan niya ito ng bag pack na paborito nito worth of 15k. At ngayon pumipili siya ng cellphone na dahil minsan nakikita niyang inu-untog ni Manong Asyong ang cellphone nito pag nagluluko.

"Miss. " Tawag niya sa babae pero laking gulat niya ng makita si Bianca naka t-shirt ito ng puti, at mini skirt na hanggang hita lang ang taas at naka pony tail ito. "Bianca?" Tulad ko gulat na gulat din ito. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago nito.

"Happy?" Tanong nito sa 'kin na naka taas ang kilay.

"What do you mean?" Takang tanong ko dito. Tinignan rin ako nito mula ulo hanggang paa at napa-ismid bago ito tumayo na paranh beauty queen.

"This is all your fault." sabay turo niya sa 'kin sabay tulak. At dahil wala namang ibang tao sa sa pwesto namin ay malakas ang sampal ang natanggap ko dito.

Napahawak naman ako sa 'king pisnge dahil sa pagsampal nito sa 'kin.

"What are you talking about, Bianca. Anong it's my fault?" Nakita ko sa mga mata nito ang galit sa 'kin.

"Kung hindi dahil sayo sana wala ako dito nakatayo sa harapan mo. This is all your fault, Katarina. You will pay for the mess you're given to me." sabi pa nito. Sasampalin na sana ako nito ng may babaeng tumawag dito at pinapatawag daw ito ng manager.

"Sisiguraduhin ko na habang buhay kang magdurusa." tatalikod na sana ito ng magsalita ako.

"Simula sapul wala akong maalalang kasalanan ko sayo. Kaya wag na wag mo akong tatakutin. Kung ano mang ang nagawa mo siguro parusa muns iyon dahil sa ginawa mo sa 'min ni Samuel." dahil sa gusto ko ng umalis ay napatingin ako sa loptop na Apple product ito nalang ang ibibigay niya kay Manong Asyong. Imbes na cellphone. At narinig niyang tinatawag siya ni Bianca at may sinabi pa ito sa kanya pero hindi na niya inabala pang isipin. Ang gusto lang niya ay makalayo sa lugar na iyon. Lilipat nalang siya sa iba.

Muling bumalik sa ala-ala niya ang nangyari 1 year ago. At napatiim bagang siya ng maisip niya ang manga nangyari noon.



-------------------
#UNEDITED
#Goodnight
#ThankYouUlit

Charlotte Cuevas 😘

He Owns Me At Fifteen  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon