SATS 2

3.7K 131 6
                                    

KABANATA 2

Bracelet and a Necklace

ILANG minuto pa nang makuha ko ang order ko ay dumating si Dad; Nakasuot ito ng kulay asul na longsleeve na may kulay itim na kurbata, nakakulay itim itong slacks at may bitbit na suitcase na kulay kayumanggi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ILANG minuto pa nang makuha ko ang order ko ay dumating si Dad; Nakasuot ito ng kulay asul na longsleeve na may kulay itim na kurbata, nakakulay itim itong slacks at may bitbit na suitcase na kulay kayumanggi.

Ngumiti siya at kumaway sa akin, nginitian ko naman din siya at saka siya naglakad papunta sa aking kinalalagyan at umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"What's with the books?" tanong nito at tinuro ang mga librong nakapatong sa coffeetable.

"Searching about something... someone," usal ko.

"Yung lalaking lagi mong napapanaginipan?" tanong ni Dad at tumango-tango naman ako bilang tugon.

"I had his name from my dream, but I can't remember. I am hoping that one of these books will provide a brief information about him," pahayag ko.

"Have you already searched it over internet?" tanong ni Dad.

"Yes, Dad. No result!" usal ko.

"I see. Mahirap talaga hanapin ang hindi nagpapakita," usal n'ya at sumiim ng kape ko. "Oh! Nice bracelet. Saan mo binili, 'nak?" tanong ni Dad at tinignan ang bracelet na suot ko.

"If only I knew, Dad. Hindi ko alam kung paano napasaakin to. Nagulat na lang din ako na may bracelet na pala ang palapulsuhan ko, and also this one," sambit ko sabay turo sa kuwintas na suot ko.

"Itapon mo na yan. Baka kung ano pang mikrobyo ang nand'yan," sambit ni Dad.

"But... this things looks familiar to me, Dad. I don't know," sambit ko. "Pero, siguro nga itatapon ko na lang," dugtong ko.

Sino ba namang hindi matatakot nang makatanggap ng bagay na hindi nila alam kung saan nanggaling.

AFTER the meal in Jai's cafe, we decided to go home.

Nang makapasok sa bahay ay agad akong nagtungo sa silid ko; nagpalit ng pajama at maluwag na t-shirt.

I was about to jump on my Queen size bed when some familiar thing caught my attention.

Shit! This aren't happening!

Naglakad ako papunta sa study desk ko at nanlaki ang matang napatingin sa dalawang bagay na naroroon.

It's the necklace and the bracelet.

Fear crept into my mind. Shit! Paano nakapunta itong bracelet at necklace na ito rito? Itinapon ko ito sa basurahan ng Jai's Café at kung may nakapulot man, paano n'ya nalaman na ako ang huling nagsuot nito at paano nalaman na ito ang tahanan ko? At isa pa, napakabilis namang mapadpad ng bracelet na ito. No way!

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon