✴ Kabanata 17 ✴

1.3K 69 15
                                    

KABANATA 17

"Leonora! Kailangan na nating umalis rito, may nasilip akong mga kempetai na papunta rito. Bilisan niyo" Nagmamadaling sambit ni Ama at pumunta sa gilid ng bahay.

"Pero si Aila, Ama." Angal ko.

"Sige na, Binibini humayo na kayo, baka maabutan pa nila kayo, magiging pabigat lamang ako sa inyo kaya't hayaan niyo na ako rito." Ani Aila.

"Hindi, Aila Hindi! H'wag mong sabihin iyan, aakayin kita magkasama tayong makakalabas rito at mabubuhay pa tayo ng mahaba." Sambit ko.

"Leonora, Bilisan niyo" Singhal ni Ama na ngayon ay buhat buhat si ate Luna.

"Oo, Ama mauna na kayo, susunod ako may nakita akong ilog di kalayuan, doon tayo magtago dahil pagtawid roon ay makakapal na puno at madilim ang kagubatan hindi na nila tayo masusundan"

"Oo, Anak mag-iingat kayo" Sambit ni Ama at nagmamadali nang nagtungo sa sinabi kong lugar.

"Kumapit ka sakin, Aila. Tutulungan kita." Sambit ko at kinuha ang kanyang kamay.

"Binibini" naghuhurementadong sambit niya.

"Sige na gawin mo na lamang!" Pasigaw kong utos. Tinulungan ko siyang tumayo at inakay siya sa aking makikitid na balikat.

"Binibini kung nahihirapan ka iwanan mo na lamang ako, hindi na rin naman ako magtatagal pa"

"Hindi! Hindi Maari!" Determinado kong tugon.

Inakay ko siya palabas ng bahay at naglakad kami papalayo. Palapit ng palapit ang mga yapak sa amin at pabilis ng pabilis ang pintig ng aking puso dahil sa magkahalong kaba at takot. May kalayuan na rin ang aming nalalakad, napapagod na ako pero hindi ko siya kayang iwanan dahil alam kong... alam kong malulungkot si Yuishito.

"Binibini, pakiusap iligtas mo na lamang ang iyong sarili."pakiusap ni Aila.

"Hindi maari! Kailangan kita mailigtas." sambit ko at patuloy parin siyang pinapasan.

"Binibini, alagaan mo si Yuishito." Sabi niya at itinulak ako sa mamalaking batuhan, sisigaw pa sana ako nang makita ko ang ngayon ay nakapalibot na kempetai sa kaniya.

"Hai, dozo" (Here you are) Wika ng lalaking nakasuot ng pangheneral.

"Hanran-gun no tsuma" ( The rebel's wife)

"Pakawalan niyo ako! Wala akong ginagawang masama!"

"Man said rebel wife you" (A Man said you are a rebel's wife) Hindi maayos ang pagkakagawa ng pangungusap pero naiintindihan ko ito, pinaghihinalaan siyang asawa ng isang rebelde, pero imposible dahil napakabata pa niya at.. at may pagtingin siya kay ... kay Y-Yuishito.

"Wala akong ginagawa, hindi ako sangkot sa mga rebelyon!"

Itinulak si Aila sa damuhan at paulit ulit na tinadyakan.

"Kanojo no hado o utsu" (Hit her hard)

Lumapit ang lalaking heneral at pinagsasampal si Aila, nanginginig ang buo kong katawan sa aking nasaksihan, ang inosenteng si Aila ay ngayon napagbubuntungan ng galit. Napatingin si Aila sa akin, nangingiusap ang kanyang mga mata na manatili ako sa aking kinalalagyan at hwag nang magtangkang tumulong.

Napaluha na lang ako habang tinitignan ang karumaldumal na pagpapahirap kay Aila, nandito ako pero walang magawa. Na kay Aila ang susi kung ano ba talagang nangyari kay Anselmo at siyang magiging daan sa katarungan inaasam ko para kay Kuya, alam ko, alam kong hindi lang tawag ng pera ang nag-udyok kay Anselmo upang baliktarin si kuya Leonardo, alam kong may masidhi pang dahilan.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon