✴Kabanata 4 - Hate Over Love ✴

3.2K 115 6
                                    

KABANATA 4

Hacienda Martinez Y Alonso, Bataan | 1942


"Para sayo, Leonora" ani Arnaldo at iniabot sa akin ang kumpol ng mapupulang rosas. Hindi maitatanggi sa mukha ko ang labis na pagkakilig.

"M-maraming salamat" tugon ko.

"Ilang linggo na lang bago ang iyong ika-dalawampung kaarawan, Leonora. Ibig mo bang mamasyal sa Bundok Samat " tanong n'ya.

"O-oo, oo naman, pero kung ako'y papayagan ni Ama. Masyado na kasing maraming nauulat na napapatay ng mga Hapon." tugon ko.

"Hindi naman tayo mag-papaalam pero pangako poprotektahan kita" sambit n'ya ng may ngiti sa labi.

"Maaari naman" pagsang-ayon ko.

Nakaupo kami ngayon sa kubo at nakatanaw siya sa malawak na bughaw na dagat na sakop ng Hacienda namin, ito ang pinakapaborito kong lugar sa mundo dahil rinig na rinig dito ang mga along marahang humahalik sa dalampasigan. Napatitig ako sa kanyang maamong mukha na kasalukuyang nakapako ang tingin sa karagatan, masusi kong tinignan ang bawat detalye ng kanyang maamong mukha, ang kanyang mga malalim na mata na sobrang mapupungay, ang kanyang hindi katangusang ilong at ang kanyang mapupulang labi, ang ilan lang sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya at ang mas lalong nagpahulog sa akin, ang pagmamahal at pagpapahalaga nya sa kanyang Ama, ang nag-iisang kaagapay n'ya sa buhay, si Mang Ernesto del Mundo, na isang mensahero at hardinero ng pamilya Jimenez, ang isa sa mayamang pamilya sa Bataan. Si Mang Ernesto rin ang minsa'y nagbibigay ng liham ni Arnaldo.

"Sana, hindi tayo magbago" bulong nya at hinawakan ang kamay ko at marahang hinagkan at lubos naman ang sayang nadarama ko tuwing ginagawa niya iyon.

"Leonora"

Napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan, si ate Luna-ang aking panganay na kapatid-na ngayo'y patakbong papalapit sa amin.

"Pumunta ka na sa iyong silid, pabalik na si Ama" humahapong sambit niya. Tumayo na ako at nagpaalam kay Arnaldo at daglian na din siyang umalis at lumusot sa butas palabas ng Hacienda.

✴✴✴

"Marso 19,1942

Isa, para sa magandang dalagita
Dalawa, para sa salitang Mahal Kita.
Tatlo, nais kitang Makasama.

Nagmamahal,
Arnaldo" kinikilig na wika ni ate Luna habang binabasa ang sulat ni Arnaldo na nakalakip sa mga rosas na binigay nya.


"Ate, tumahimik ka baka marinig ka ni Ama at Ina" paninita ko sa kanya.

"Paumanhin, kapatid ko. Lubha lang akong nasisiyahan sa pag-iibigan ninyo ni Arnaldo" sambit ni ate Luna.

"Mga walang hiya!" narinig naming sigaw ni Ama, daglian kaming umalis ni ate Luna sa silid namin at pinuntahan siya. Nakita naman naming hinahaplos at pilit pinapakalma ni Ina si Ama-na ngayon ay galit na galit-kinakabahan ako, paano kung nalaman nya ang relasyon namin ni Arnaldo?

"Huminahon ka, Mahal" wika ni Ina. Unti-unti namang pinapakalma ni Ama ang sarili niya.

"Pasensya na Mahal ko, mga Anak. Labis lang akong nainis sa binalita ni Mang Nestor" sabi niya at huminga ng malalim."Hinarang daw ng mga Kempetai (pulis militar ng mga hapon) ang idedeliver na mga bigas sa Maynila" pagpapatuloy ni Ama.

"Ha? Pero bakit?" tanong ni Ina.

"Hindi naman masabi sa akin ni Mang Nestor ang dahilan dahil salitang hapones daw ang ginamit nila sa pakikipag-usap. Pero ngayon-ngayon lamang, nakatanggap ako ng liham mula kay Don Antonio Jimenez, katulad ng sa atin, hinarang din ang mga ihahatid nilang bigas pa maynila at nakikipagkasundo ang mga hapones na ibibigay ng bawat haciendero ang 1/4 ng kanilang ani sa kasunduang kapayapaan sa pagitan nila at ng mga Haciendero" patuloy ni Ama. "Niwala na nga tayong halos tinubo sa mais natin, ang pag-asa na lang natin ay ang bigas, nasalanta pa ang ilang hektarya ng lupain ng labis na tag-tuyot at kailangan pa natin silang bigyan ng porsyento sa ating aaninihin? Paano na lang ang hati ng mga magsasaka natin?" nagagalit na sambit ni Ama. "Desgracia!!" (Misfortune) sigaw ni Ama.

Stars Across the Sea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon